Chapter 18

132K 3.6K 1K
                                    

Chapter 18: Mister Unknown

 

[Guess Whose POV]

Tss. Napakamalas naman.

Papunta pa lang ako ngayong stock room ng Teacher's Department. Inutusan kasi siya na kumuha ng box of chalk. Hindi ko talaga gustong maging stalker niya pero walangya yung Kai na yun Tsk.

" Punyatera naman yung teacher na yun kung kelan last subject saka naubusan ng chalk. Nice. Tss. " Rinig kong bulong niya.

Hinintay ko siya sa labas ng room, mamaya ko na lang siya tatanungin pag nakalabas na siya. Sinuot ko yung hood ko para wala saking makakilala.

" Ayy tae, ang taas ah. Sino ba namang engot ang maglalagay ng mga box ng chalk sa taas. Di ba nila alam na maraming kinulangan ng height? Tss. "

Napaka reklamadora naman nito. Ang daming sinasabi di na lang tapusin agad yung trabaho para makaalis agad Tss.

" Jusmiyo buti na lang may balde dito. "

Teka. Ay Put-- Ang T.nga naman ng babaeng to. Tsk.

Pumasok ako sa loob dahil alam kong gagawin niyang tungtungan yung balde na yun. Siguradong malalag--

" Kyaaaah! Araaaayyyyyyy! "

" Ang engot mo rin eh ano? Ano ba naman kasing pumasok sa utak mong di mo na yata ginagamit para sakyan yang maliit na baldeng yan? " Sigaw ko sa kaniya na nakahawak sa paa.

" Araayyy, teka nabalian yata ako.. Teka Araayyyy! " Aniya.

" Patingin nga! T.nga naman kasi Tss. " Di na siya sumagot at hinila sa kamay niya yung paa niyang nabalian nga. Tss. Engot kasi Tss. Ano bang utak meron tong babaeng ‘to.

" Huhuhu, teka.. Anong ginagawa mo? "

 

" Hinihilot ko para medyo gumaling. "

 

" Talaga? Thank you ahh. Teka sino ka ba? "

Tatanggalin niya na dapat yung hood ko nang hawakan ko yung braso niya para pigilan. Hindi niya ‘ko pwedeng makilala.

" Don't. "

 

" Eh? p-peroo.. "

" Just don't. "

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon