"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yael kay Vince. Ang nakababatang pinsan ni Dash na nakaisip ng kalokohang iyon. Ang kalokohang sinasabi niya ay ang pagkuha nito ng go go dancer na sasayaw para sa stag party ni Ace.
"What?" Indignant na tanong nito. "This is a stag party after all. Hindi naman porque at may asawa na si Kuya Dash at ang mga kaibigan ninyo ay bawal na ang babae. Katuwaan lang naman ito! Dont be KJ, old man!" Wika nito. "Dont be a spoil sport either. Bayad na iyong babae kaya hindi na siya puwedeng paalisin." Dagdag pa nito bago siya tinalikuran.
Napailing siya sa sinabi nito. Pero ano nga ba ang iisipin niya sa lalaki? He just turned 20. Mukhang masyadong sabik sa babae. Ngayon pa lang ito nakasama sa mga stag party na ginawa para sa mga kaibigan niya. He's not in Dash's, Nico's, and Russell's stag party. At sa mga nabanggit na stag party, KJ mang masasabi, pero hindi sila kumuha ng babaeng sasayaw para sa kanila. Mga simpleng get-together lang ang nangyari noon.
They just drink beers and have chips and pizza while celebrating the last day of bachelorhood of each of them. Ganoon lang ang stag party ng tatlong ikinasal na kaibigan, sila-sila lang namang lima ang present. Hindi naman gusto ng bawat groom ang magulong stag party o ang kumuha ng babae. Masyadong faithful ang mga ito sa mga mapapangasawa. Pero ngayong kasal ni Ace, pinilit ni Vince na sumama, pumayag naman si Ace. Well, hindi naman na iba sa kanila si Vince. He's Dash's cousin after all. Napakabata pa lang kasi nito para sumama sa circle nila noon.
Hindi sana niya malalaman ang ginawa nito kung hindi niya nakita ang malaking kahon sa gitna ng lounge room/bar ng Stratosphere's Heaven B&B kung saan sila mag-iinuman. Nasa Isla de Varón sila ngayong gabi. Dito rin kasi gaganapin ang kasal nina Ace at Rose dalawang araw mula ngayon. Sa tabing-dagat. Nagkasundo ang dalawa na dito ganapin ang kasal lalo pa at dito sila nagreconcile. Ihahatid ang mga bisita dito ng chopper at bukas ay darating na ang wedding coordinator and staff na mag-aayos ng lugar para sa isang beach wedding.
Nagulat pa siya ng makita ang malaking kahon at hindi siya inosente para hindi maisip kung ano o sino ang nasa loob ng kahon. Like Vince had said, this is a stag party after all. Kaya hindi pala nito gustong magpapasok ng tao sa bar. Mapilit lang siya dahil gusto niyang kumuha ng alak. For some weird reasons, he felt twitchy tonight. Hindi siya mapakali, at hindi niya alam kung bakit.
Hindi rin niya gustong pagtuunan ng pansin ang inggit na nararamdaman niya sa pag-aasawa ni Ace. Binalikan ito ni Rose at magpapakasal na ang mga ito sa isang araw, samantalang siya, kahit anong hintay niya at pananabik kay Celine, hindi na babalik ang asawa. Palabas na siya ng bar ng makasalubong niya si Vince at doon nga niya ito tinanong. Muli siyang napailing at umalis na doon. Bahala na si Vince na pagalitan ni Dash.
Katulad nga ng inaasahan ni Yael, pinagalitan ni Dash si Vince noong makita nito ang kahon sa loob ng bar. Nakaupo siya sa isang stool habang sinisimsim ang alak na hawak niya. Nakasalampak sina Nico, Ace at Russell sa malaking couch at katulad niya ay pinapanood si Dash habang pinapagalitan ito ni Vince.
"Vince, this is ridiculous! Hindi naman kailangan ng babae dito!" Bulyaw ni Dash sa pinsan.
Sinimangutan ni Vince ang pinsan at itinuro ang kahon. "Eh anong gagawin ko sa babaeng nandiyan sa loob? She's been paid already."
Napailing si Dash. "I didn't even know how you stash her here in Isla de Varón."
Nagkibit-balikat ang pinsan. "Pinasundo ko siya ng chopper ni Lolo."
Naihilamos ni Dash ang kamay nito sa mukha. Mukhang masyado na itong exasperated sa pinsan. Itinuon niya ang pansin sa malaking kahon. Hindi niya maiwasang mag-aalala sa babaeng nandoon kanina pa. Hindi ba iyon naiinitan? May butas ba ang kahon para makahinga ito? Nilapitan ni Dash ang kahon at alanganing kinatok iyon. "Miss?" Alanganin din nitong tawag.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...