Chapter Sixteen: Dicasalarin Cove

3.1K 71 27
                                    


"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ni Maggie kay Yael habang nagdadrive ito. Binaybay nila kanina ang NLEX hanggang sa pasukin nila ang SCTEX at kanina lang ay pumasok na sila ng Cabanatuan City, Nueva Ecija at ngayon ay tinatahak pa rin nila ang national highway. Hindi pa sumisikat ang araw ay pa umalis na sila sa mansion nila Cha-Cha at Nico. Doon sila nagpalipas ng gabi. Bahagya pa nga siyang inaantok dahil madaling araw na siyang nakatulog. Nawili siya sa pakikipagkuwentuhan ng kung ano-ano sa mga girls at kung hindi pa nagyaya ang mga asawa ng mga ito na matulog ay hindi sila paaawat na lima.

"Baler." Simpleng sagot ni Yael, ibinaba nito ang bubong ng sasakyan kaya tumama sa mukha niya ang sariwang hangin.

Huminga siya ng malalim at hindi mapigilang mapapikit. Iba talaga ang hangin sa probinsiya, malinis at masarap sa katawan. Napamulat siya ng mata nang tuluyang pumasok sa isip ang isinagot ng lalaki. "Baler? Sa Aurora? Anong gagawin natin doon?"

"Unwind. May isang lugar doon na maraming magagandang review na nakakuha ng interes ko. Hindi ko lang mapuntahan dahil busy ako. At ngayong kasama kita, bigla kong naisipang puntahan. What better time to do that than now, right?"

Napailing siya. "Ibang klase ka talaga 'no. Pabigla-bigla kang magdesisyon at kung may magustuhan ka ay ginagawa mo agad." Hindi na niya kailangan pang sabihin ng malakas na ganoon din ang ginawa nito kaya pumasok sila sa isang biglaang kontrata.

Sandali siyang nilingon ni Yael saka ito ngumisi sa kaniya. "Yeah, that's me. Pero sigurado ako na magugustuhan mo itong pupuntahan natin. At malapit na tayo. Paglagpas natin sa Nueva Ecija – Aurora highway ay papasok na tayo sa Aurora Province. Dalawang bayan lang, Maria Aurora at San Luis, ay nasa Baler na tayo."

"Anong lugar itong sinasabi mo?"

"Dicasalarin Cove. A secluded beach with stunning white sands beach bordered by rock formations on both sides. Simply breathtaking even in pictures."

Tumango-tango siya. "Hindi ko alam na nature lover ka pala."

"Actually, not me. It's Celine. Masayang-masaya siya at kuntento kahit dalhin mo siya sa gubat. That's how she loves nature. Kung nabobore ang iba kapag nagbeberdehang puno lang ang makikita, hindi ganon sa kaniya. Tuwang-tuwa pa nga siya."

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang babanggitin nito si Celine. There was love and fondness in his voice, and some pain as well. Nakangiti si Yael habang sinasabi nito ang mga salitang iyon pero hindi maikakaila ang bahid ng lungkot sa ngiting iyon. And for the nth time, nandoon na naman ang munting kirot sa puso niya.

Tumango si Yael na nasa pagmamaneho parin ang buong atensyon. "Kung nakita siguro niya ang lugar na ito noon pa man, tiyak na mangungulit siyang pumunta doon. At siyempre, hindi naman ako makakahindi. Wala yata siyang ginusto na nagdalawang-salita siya."

"Missed na missed mo na siya." Mahina niyang wika.

"So much." Huminga si Yael ng malalim. "Pero iyon na lang ang magagawa ko, kahit gaano ko siya ka-missed hindi naman siya babalik, sila ng anak ko."

Gusto niyang abutin si Yael. Gusto niyang sabihing magiging okay din ang lahat pero hindi siya sigurado doon. Sa nakikita niya, patuloy na namumuhay si Yael sa nakaraan. Nakatiimbagang ito, mahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. There was profound sadness and pain in his face. More probably in his eyes. Hindi niya makita dahil naka-shades ito. Hindi niya maiwasang makadama ng inggit kay Celine. Yael loved her completely. Wala na si Celine pero mahal na mahal pa rin ito ng asawa nito. It was probably rare to find a love like that.

Hindi niya alam kung mangyayari rin iyon sa kaniya. Sino ba ang babaeng hindi gusto ng perfect romance, ng happily ever after? Ng makatagpo ng lalaking magmamahal ng sobra at halos sambahin ang lupang nilalakaran mo? Kahit hindi pa niya naiisip ang pakikipagrelasyon sa bahaging ito ng buhay niya, hindi naman nawawala sa isip niya na sana sa tamang panahon, may darating na lalaking magmamahal sa kaniya ng wagas, at hindi magiging hadlang ang kamatayan para patuloy siyang mahalin ng lalaki.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon