"Maggie, go back inside." Utos ni Yael pagkasagot na pagkasagot niya sa telepono. Kakaupo pa lang niya at ipinapatawag na naman siya ng lalaki. Halos magkadumahog nga siya sa paglabas ng kuwarto nito kanina dahil nahihiya siya sa nangyari. Nabuking siya at si Tess ng lalaki na nagchi-chismisan sa oras ng trabaho. At ang malala ay si Yael ang paksa ng usapan nila. Pero hindi pa rin siya makapaniwala na nanghingi sa kaniya ng sorry ang lalaki dahil sa magaspang nitong pag-uugali nitong mga nakakaraang araw.
Hindi niya iyon inaasahan. At lagi na lang siyang sinusurpresa ng lalaki. Hindi niya malimi ang mga gagawin nito at sasabihin. He was surprising her at every turn. Nahihirapan tuloy siyang pakitunguhan ito. Lalo na kapag parang inaakit na siya nito. At wala siyang magawa kung hindi ang magpatangay. Yael can definitely command her body. She was inexperienced. Hindi niya kayang pakitunguhan si Yael, habang tumatagal ay nagdadalawang-isip siya sa pinasok na kasunduan.
"Well, aren't you coming?"
Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Yael. Nilingon niya ito, nakasandal ito sa hamba ng pinto ng kuwarto nito at expectant na naghihintay sa kaniya.
Nang tumayo siya ay pumasok na uli ang lalaki sa kuwarto nito. Sinundan niya ito at marahang isinara ang pinto pabukas.
"Kailangan bang sunduin pa kita lagi kapag may sasabihin ako?" Tanong nito.
Napahiya na naman siya. Kahit ano pa ang nararamdaman niya, boss niya pa rin ang lalaki at trabaho niyang gawin ang mga ipinag-uutos nito, kasama na ang mabilis na paglapit dito kapag tinawag siya nito. "I'm sorry. Anong ipapagawa mo?"
"I forgot something earlier. Be prepared this Saturday's afternoon. Bring change of clothes. Mga pang-ilang araw."
"Huh?"
"Aattend tayo ng birthday party ni Cha-Cha. At pagkagaling doon ay mag-o-out of town tayo."
"Wait!" Itinaas niya ang kamay para pigilan ang lalaki. Heto na naman ito at nagdedesisyon sa mga dapat niyang gawin at punatahan.
"What?" Balewalang tanong nito.
"Unang-una, imbitado ba ako sa party na sinasabi mo? Pangalawa, hindi mo ba naisip na hindi ko gustong pumunta? At pangatlo, anong out of town ang sinasabi mo?"
Sumandal ito sa swivel chair na kinauupuan nito, ipinatong nito ang magkasalikop na kamay sa may tiyan nito. Hindi niya mapigilang mapatitig sa dibdib at tiyan ng lalaki. Yael is really a very, very sexy man. Kahit parang tinatamad na nakaupo lang ito doon ay nagsusumigaw ang masculinity nito. He was wearing a light blue polo and black slacks and loafers. Nakatupi hanggang siko ang manggas ng polo. Isang panglalaking relo ang naka-adorno sa pulso nito.
Simple lang pero mapapatulala ka talaga. The polo was straining his wide shoulder and hard biceps. There's a little dusting of fine hairs on his arms that added to his charm. Lalaking-lalaki at alam na alam nito kung paano iyon gamitin. Isang tingin lang nito ay nangangalog ang tuhod niya. Napailing siya sa sarili. Bakit ba pinagpapantasyahan niya si Yael? Simula ng makilala niya ito, biglang nagising ang natutulog niyang sexuality. And that's bad, bad, bad......
"Hey, are you listening to me?"
"Huh?" Napabalik ang tingin niya sa mga mata nito. There was amusement in his eyes. Nagpipilit din itong hindi mapangiti.
"Sinagot ko na ang tatlong tanong mo pero mukhang naglalaway ka sa katawan ko at hindi mo narinig ang sinabi ko."
Napatayo siya ng tuwid kasabay ng panginginit ng mukha niya. "Excuse me? Anong pinagsasabi mo diyan?"
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...