Hindi makapaniwala si Maggie sa nakikita ng mga mata niya. Limang taon na ang lumipas pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang unang pagkakataong magkausap sila ni Mr. Yael Figueroa. Well, hindi naman niya alam kung sino ang lalaki nung una. Noong kuhanin niya ang trabaho bilang mascot para sa fifth birthday party ng isang bata, alam niyang isang Mrs. Celine at Mr. Yael Figueroa ang kliyente. Pero hindi pumasok sa isip niya na ang Mr. Figueroa na ama ng batang may birthday, si Israel, ay ang lalaking ring nakabunggo niya sa ospital noong eleven siya. Ang kasal din nito ang isang event na trinesspass niya.
Saglit silang nagkausap sa ospital noong ipinanganak ang anak nito at hindi naman ito nagalit sa pagtresspass niya sa kasal nito. Napailing siya. Pagkakataon nga naman. At ang batang may birthday ngayon ang batang ipinanganak noon. Hindi niya inaasahang magtatagpo pa ang landas nila ng lalaki. Hindi dapat siya ang ipapadala ng boss ng Happy Events, ang naghost at nagprepare ng program para sa birthday party na ito, pero pinilit niya lang si Ms. Amy, ang manager. Ito pa lang kasi ang pangalawa niyang pagmamascot at dahil mayaman at big time na kliyente, gusto sana ni Ms. Amy na iyong veteran na ang ipadala nito para hindi mapahiya.
Pero nagpilit siya, ang isang big time na kliyente ay nangangahulugan ng mas malaking bayad. At kailangan niya ng pera, hindi niya gustong humingi pa ng pera sa kuya Patrick niya kapag may biglaang gastos sa school. Kaya kahit hindi alam ng kapatid ay nagpa-part-time siya bilang mascot. Tita ng kaibigan niyang bading na si Shelly si Amy at nabanggit nito ang trabaho ng tiyahin kaya naisip ni Maggie na magpart time sa babae. At dahil na rin sa pakiusap ni Shelly, pumayag na si Amy na siya na lang ang ipadala sa birthday party. Hindi niya inaasahang muli palang magkukrus ang landas nila ng lalaki.
Nagsasalita ang mag-asawa at nagpapasalamat sa mga taong dumating. Puno ang mga ito ng kasiyahan at kitang-kita ang pagmamahalan sa isat isa. Hindi niya mapigilang makadama ng inggit. Kahit kailan ay hindi naging ganito kabuo ang sarili niyang pamilya. Isang pamilya na may nanay at tatay. Lumaki siyang si Patrick ang tumatayong ina at ama niya. At hanggang ngayon ang kapatid pa rin ang tangi niyang pamilya. Hindi rin niya maiwasang makadama ng inggit kay Mrs. Celine Figueroa. Mukhang napakaswerte nito kay Mr. Yael Figueroa. Kitang-kita na mahal na mahal ng lalaki ang asawa nito. Well, kahit noong kasal pa lang ng mga ito ay nakita na niya iyon.
Mr. Figueroa is a very handsome and attractive man. He is big, tall and with commanding presence. Kahit siya ay hindi maiwasang hangaan ang panlabas nitong anyo. Shes seventeen and its normal for her to notice good looking boys. But, of course, Mr. Figueroa is far from being a boy. Hes definitely a man. A gorgeous and very virile man. At base sa sandali nilang interaksyon limang taon na ang nakakaraan, mukhang mabait din ang lalaki.
At napakaswerte ng asawa nito. Tiyak na hindi lang siya ang babaeng naiinggit na may asawa ang babae na katulad ni Mr. Figueroa. Pero swerte rin naman si Mr. Figueroa sa asawa nito. Napakaganda rin naman ni Mrs. Figueroa. Kamukha ito ni Ruffa Gutierrez, at mukha din itong beauty queen. Bagay na bagay ang dalawa. At walang duda, kaya napakacute din ng anak ng mga ito.
"Hoy, Maggie!"
Napapitlag siya ng may tumapik sa balikat niya at tumawag ng pangalan niya. Nang lingunin niya, nakatayo sa tabi niya si Eva, ang assistant ng magician na kasama sa program para aliwin ang mga bata. Nakapameywang ito sa kaniya at nakataas ang kilay. "Bakit?" Tanong niya.
"Nakatunganga ka pa diyan. Isuot mo na ang mascot mo at magsisimula na ang program. Hindi iyong nakatunganga ka pa diyan na para bang gusto mong maging bisita imbes na magtrabaho." Nakaangil na wika nito saka ito tumalikod at nagmartsa palayo.
Napailing na lang siya. Hindi na lang niya pinansin ang pagiging highblood ni Eva dahil sanay na siya roon. Hindi niya alam kung bakit mainit ang ulo sa kaniya ng babae gayong hindi naman niya ito inaano. Ayon sa iba nilang kasamahan, inggit lang daw si Eva sa kagandahan niya. Tinawanan lang niya ang mga ito, at itinuring na biro iyon. Kinuha niya ang ulo ng dinosaur at ipinatong iyon sa ulo niya. Mabigat iyon, lalo pa ang katawan ng dinosaur at mainit sa pakiramdam, pero wala naman siyang choice dahil ginusto niya ito. Oh, ang hirap talagang kumita ng pera.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...