Chapter Twenty Three: Dear Maggie

3.1K 88 27
                                    

Titig na titig si Yael sa kuya niya, ni hindi nga yata ito kumukurap. Habang tumatagal rin ang pagtitig nito kay Patrick ay halatang-halata ang unti-unting pagkawala ng kulay sa mukha nito. Kuyom din ang mga kamao nito sa magkabilang tagiliran. Iisang linya rin ang labi nito at nakatiim-bagang. His eyes were wild and deadly. Parang anumang oras ay magwawala ito.

"Yael?" Hindi niya maintindihan ang reaksyon ni Yael.

Umiling-iling-iling ito. "No! No! This can't happen especially now." Wika nito na animo'y kinakausap ang sarili.

Nag-aalala na siya sa reaksyon nito. Tumayo siya at nilapitan ito. Tumaas ang kamay niya upang hawakan ito pero mabilis itong humakbang paatras. "No. No, don't touch me." Halos mag-untugan ang mga ngipin nito habang nagsasalita.

"Yael, anong nangyayari? Hindi kita naiintindihan."

Itinuon nito sa kaniya ang mga mata at siya naman ang napaatras. Wala na ang kislap at buhay doon. It was lifeless and lost again. Katulad noong huli niya itong makita sa burol ng ina nito.

"Ano bang sinasabi mo?" Sa gilid ng mata niya ay nakita niya si Shelly na nakasilip sa kanila, puno ng pagtataka ang mukha nito pero hindi ito nagsalita.

"It was your brother. It was him." Wika ni Yael na para bang kahit ito ay hindi makapaniwala na totoo ang sinasabi nito.

"Anong sinasabi mo?"

His face was as hard as the stone. Wala na ang pagmamahal sa mga mata nito, ang nandoon ay galit at pagkabigo. "He killed my family! Pinatay niya sina Celine at Israel! Siya ang may kasalanan kung bakit hindi ko na kasama ang mag-ina ko. Fuck!" Sigaw ni Yael.

Pakiramdam niya ay siya naman ang namutla sa sinabi nito. Napailing-iling siya. "H-hindi kita naiintindihan."

"Your beloved brother is a killer, Maggie. Isa siya sa limang lalaking pumasok sa bahay ko ng gabing iyon. Nandoon siya ng walang awang hinalay ng mga kasama niya si Celine, nang barilin kami ng mga kasama niya na ikinamatay nila Celine at Israel."

She almost can't understand what he's saying since he was grating on each words. Na para bang asido sa dila nito ang mga sinasabi. Parang mabibingi rin siya sa mga sinasabi nito. "H-hindi iyan magagawa ng kuya ko, nagkakamali ka."

"I witnessed that horrific scene, Maggie. Hell, I lived on it. Hindi ko man nakita ang buong mukha ng kapatid mo ay hindi ko malilimutan ang porma ng katawan niya at ang kulay ng mga mata niya at ang taling sa ilalim ng kaliwang kilay niya. I told the police about that. Kung magmumulat ng mata ang kapatid mo ngayon, it will drive the fact that he's a criminal. Pero hindi ko alam kung anong anting-anting mayroon ang kuya mo at hindi siya nahanap ng mga pulis."

Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kama. Hindi matanggap ng isip at puso niya ang mga sinasabi ni Patrick. "H-hindi iyon gagawin ng kuya ko. Kilala ko siya, mabait siyang tao. B-baka nagkakamali ka lang."

Yael sneered at her. Punong-puno ng galit ang mga mata nitong nakatutok sa kaniya. "Nagawa na niya, Maggie!" Sigaw nito. "Hindi ako kailanman magkakamali. Alam ko ang nakita ko. At isa siya sa mga lalaking pumasok sa bahay ko at pumatay sa pamilya ko."

Naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha. Hindi siya makapaniwalang gagawin iyon ni Patrick. Pero hindi niya mapapabulaanan ang sakit at galit na nakikita niya kay Yael ngayon, o ang determinasyon at paniniwala nito na isa nga ang kapatid sa mga criminal na pumasok sa bahay nito tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ba ang dahilan kung bakit noong mga nakakaraang taon ay laging balisa si Patrick na para bang may kinakatakutan at pinagtataguan?

"I can't believe that this is happening." Isinuklay nito ang kanang kamay sa buhok. Walang buhay siya nitong tinitigan saka ito tumalikod at humakbang palayo.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon