Chapter Eighteen: Milky and Sweet Almond Oil

2.6K 67 0
                                    

"Anong pinagkakaguluhan nila doon?" Curios na tanong ni Maggie nang mapatingin siya sa may entrance/exit ng Sabang Beach. Pabalik na sila sa sasakyan nila noong mapansin niya ang wari ay komosyon doon. Pagod na silang maglangoy at magsurf ni Yael kaya nagpasya silang bumalik na sa Costa. Hindi pa rin siya makapaniwalang nalampasan niya ang takot niya at nakapagsurf siya ng walang kahirap-hirap. Natutuwa rin siya sa mga naging asaran nila at yabangan ni Yael.

Habang tumatagal ay nakikilala niya ng husto ng lalaki. Ni hindi niya naisip na napakasaya pala nitong kausap, mahilig magbiro at magpatawa. At natutuwa siya sa relax at carefree na Yael, napakadaling pakisamahan, at talagang nakaka-enjoy. "Tuta ba iyon?" Muli niyang tanong ng may mapansing isang babae ang umalis na may bitbit na puting tuta, kasabay noon ay pag-aalisan rin ng iba pa na ang ilan ay may dala ring mga tuta.

"What?" Tanong ni Yael na kasalukuyang nagbubukas ng pinto ng kotse.

"Iyon," itinuro niya ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Lumapit siya sa mga ito at tama nga ang nakita niya, may isang babaeng nakaupo doon, may hawak na kaisa-isang tuta. Isang itim na itim na tuta. Napatitig siya doon, nagtama ang mga mata nila ng tuta. She felt that right at that moment, the puppy owned her. Malungkot ang mga mata nito na para bang nararamdamang nag-iisa na lang ito at walang gustong bumili. Ilang nag-uusyoso na kasi ang pinag-alukan ng nagtitinda pero hindi iyon binili ng mga ito.

It may seem silly but she felt sad for the black puppy. Sa sobrang itim ng mga balahibo nito, siguro ay natatakot ang iba. Maliit lang ito at ang tanging may kulay dito ay ang mga asul nitong mata. The puppy looked abandoned and alone. At hindi maiwasang maikumpara rito si Yael. Well, yeah, hindi siguro magugustuhan ni Yael na ikumpara ito sa isang puppy. Pero hindi niya mapigilan, hindi ba at ganoon din ang nakikita niyang nararamdaman ni Yael? Abandoned and alone.

"You like it?"

Napalingon siya sa katabi. Speaking of Yael. "Yeah, parang ang lungkot niya kasi nag-iisa na lang siya at walang gustong bumili."

Tumango si Yael at bumaling ito sa nagtitinda. "Kukunin ko ang puppy. Magkano?"

Gulat siyang napatitig kay Yael. "Gusto mong mag-alaga ng puppy?"

Umiling ito. "Mukhang gustong-gusto mo eh. Kaya bibilhin ko para sa 'yo."

Hindi niya maiwasang maluwang na mapangiti. He was touched with his thoughtfulness. "Talaga?"

Pinitik nito ang ilong niya. "I like the shine on your eyes. Dapat yata ay lagi kitang bibilhan ng mga bagay na gusto mo para lagi kong nakikitang nangingislap ang mga mata mo."

His words warmed her heart. Alam din nito ang mga dapat sabihin para magpakilig ng isang babae. "Thank you."

Nginitian lang siya nito at ibinaling na ang paningin sa tindera. Nang sabihin nito ang presyo ay binayaran na iyon nito. Inabot sa kaniya ng babae ang tuta matapos siyang sabihang babae ang tuta. Itinaas niya ito sa tapat ng mukha niya at maluwang na nginitian. "Hello, Milky. Ako si Maggie, at simula ngayon ay lagi na tayong magkakasama."

Hindi niya iniisip na magkaroon ng alaga dahil alam niyang malaking responsibilidad iyon, lalo pa ngayong panahon na ito, pero hindi niya matanggihan si Milky na para bang nagmamakaawa na bilhin niya ito. Kung hindi man ito binili ni Yael para sa kaniya ay bibilhin niya ang tuta. Bata pa rin naman siya ay gusto na niyang magkaroon ng aso pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na nakapag-alaga siya.

"You do realize that she's black, right?"

Kinalong niya sa mga bisig si Milky at sumabay siya sa paglalakad ni Yael pabalik sa kotse nito. Ipinagbukas siya nito ng pinto at mabilis siyang sumakay. Ipinatong niya si Milky sa kandungan niya. "Oo, bakit?" Tanong niya kay Yael nang makapasok ito sa sasakyan. Minaniobra nito ang sasakyan paalis ng park at ilang sandali pa lang ay nasa kalsada na sila.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon