"Anong ginagawa natin dito?" Nilibot ni Maggie ang paningin sa paligid. Isang valet ang naghihintay na tuluyang maiparada ni Yael ang sasakyan.
"We will have dinner. Let's go." Sagot ng lalaki at saka ito mabilis na bumaba ng sasakyan nito bago pa man siya makasagot. Ibinigay nito ang susi sa valet.
Mabilis niyang itinulak pabukas ang pinto ng kotse at bumaba bago pa man makalapit ang isang pang valet na mukhang pagbubuksan siya ng pinto. "Sandali, Yael!"
"What?" Nilingon siya nito, may pagka-inip sa mukha nito.
"Anong ginagawa natin dito?" Itinuro pa niya ang hotel na mukhang isang five star hotel.
"Sinagot ko na iyan, hindi ba?" Sarkastiko nitong sagot.
"Alam ko. Pero ang sinabi mo ay ihahatid mo lang ako sa bahay. Saan banda roon mo nabanggit na magdi-dinner tayo?"
"Mr. Figueroa, good evening. Table for two?" Tanong ng isang maître d' na sumalubong sa kanila. Nilingon siya nito, at sa pagbati nito kay Yael, malinaw na regular customer si Yael sa restaurant ng hotel na ito.
"Good evening, Kris. Yes, thank you." Sagot ni Yael.
"This way, Mr. Figueroa, Miss." Nagpatiuna ang maître d', umakyat sila sa patungo sa ikalawang palapag ng restaurant hanggang sa makarating sila sa dulo ng palapag na iyon, isang hindi kalakihang room alcove ang pinagdalhan sa kanila ng babae.
Malinawag ang buong kuwarto at sa gitna noon ay nakaset ang lamesa at dalawang upuan. Kuwadrado ang lamesa na may nakapatong na puting tela. Sa magkabilang bahagi ng lamesa ay naroroon ang upuan na kurbado ang arm rest at mga paa at pastel pink ang kulay ng cushion. The ceiling was arched like a dome and the walls are in pastel colors. At sa gitna ng ceiling ay nakasabit ang maganda at maliwanag na chandelier. May mga arched windows separated by marble columns around the room. The little room was lovely and romantic.
At mukhang nagkamali ang maître d' sa kuwartong pinagdalhan sa kanila.
Hindi naman romantic ang dinner na ito. Pinilit at inutusan lang siya ni Yael na sumama rito. Ipinaghila siya ni Yael ng isang upuan at wala siyang nagawa kung hindi ang umupo na lang. Tinitigan niya ang mga dinnerware na nakapatong sa lamesa at gusto niyang malula sa dami ng mga iyon. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya at makakakain ng ganitong fine dining restaurant. Paano at kailan niya gagamitin ang mga nakalagay na fancy glassware at china dinnerware sa tapat niya?
"Here's the menu." Wika ni Kris at inabot sa kanila ang dalawang menu.
"Sassicaia for wine, Kris." Wika ni Yael noong abutin nito ang menu mula sa babae.
"Of course, sir. I'll bring it and I'll be back for your order. Excuse me," magalang na paalam nito bago ito tuluyang tumalikod.
Mabilis niyang inilipat ang pahina ng menu sa wine are ng marinig ang binanggit ni Yael. Hinanap niya ang sinabi nito at napagtanto niyang red wine iyon. Nanlaki rin ang mga mata niya sa libo-libong presyo ng isang bote. Ni hindi pa siya kailanman nakakainom ng wine o anumang alak o alcohol dahil sa repulsion niya sa bisyo ni Margarita.
"So, what do you want?"
Nag-angat siya ng tingin mula sa pagtitig sa menu patungo kay Yael na expectant na nakatingin sa kaniya. Nawala ang atensyon niya sa wine dahil sa tanong ng binata. Ibinaba niya ang menu at nagkibit-balikat. Ipinatong niya ang magkasalikop na kamay sa ibabaw ng menu.
"Ni hindi ko alam kung ano ang mga iyan at kung tatanggapin ba iyan ng sikmura ko. Isa pa, bakit ganito ang mga presyo nito? Parang ginto! At ni hindi ko rin alam gamitin ang sangkaterbang kutsara at tinidor sa lamesa." Hindi niya mapigilang maghyperventilate sa nangyayari. Paano inaasahan ni Yael na makaka-order siya sa ganitong klaseng restaurant?
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...