Chapter Twenty Four: Paradise

2.6K 69 2
                                    

Napakunot-noo si Yael, alanganin siyang naglakad habang inililibot ang paningin sa paligid. May matataas at malalagong puno ang nakikita niya sa paligid, naggagandahan at nagbabanguhang bulaklak ang nasa paligid. There was lush green grass everywhere and a blue sky with the soft white clouds seems so near.

Parang abot-kamay niya lang ang mga ulap. There were hills and mountains around him, chirping birds and colorful butterflies. There's also a bank of water flowing gently on his left. Para iyong paraiso. Nasaan siya? Napatigil siya ng makarinig ng tawanan. Isang babae, at isang... bata?

Napabilis ang hakbang niya at sinusundan niya ang tunog ng mga halakhak na iyon. Muli siyang itinulos sa kinakatayuan ng mapagtanto niya kung sino ang masayang nagkakatuwaan sa paraisong iyon. It was Celine and Israel.

Nakaupo si Celine sa damuhan habang natutuwang pinapanood ang masayang paghahabol ni Israel sa mga paru-paro at ibon. Nanikip ang dibdib niya at parang may bumara sa lalamunan niya. Pakiramdam niya ay nanginginit din ang mga mata niya.

"Daddy!" Sigaw ni Israel ng mapansin siya nito.

Tumakbo ito palapit sa kaniya at kusang kumilos ang mga paa niya para salubungin ang anak. Napaluhod siya ng magpang-abot sila at yumakap sa leeg niya ang anak. Mahigpit niyang niyapos ang bata at naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha niya.

"Israel, oh, my son, Israel..." paulit-ulit niyang wika. Hindi niya inasahang mayayakap pa niya muli ang pinakamamahal niyang anak. Naramdaman niya ang malambot na palad na humaplos sa buhok niya kaya napatingala siya. It was Celine, the ever beautiful Celine.

"Hello, Yael." Maluwang ang ngiting wika nito. "It's nice to see you again." Pinunasan nito ang mga luha niyang walang patid sa pag-agos.

Kinalong niya si Israel saka niya inabot si Celine. Mahigpit niya itong niyakap. She felt so familiar, so welcome after all the years that he lost her warmth. And he missed her so much. "C-Celine...."

"Halika, maupo tayo." Wika ni Celine, bahagya itong lumayo at hinila siya sa kamay. Umupo ito sa damuhan at mabilis siyang tumabi dito, habang ang anak ay nakaupo sa kandungan niya.

"Baby, can you play again with the butterflies and birds? Mag-uusap lang kami ni Daddy," wika ni Celine sa bata.

"Okay po. Daddy, tayo naman ang talk later ha," baling sa kaniya ni Israel.

Hinalikan niya ng bata sa noo. Pakiramdam niya ay muli na namang tutulo ang mga luha niya. "Sure, son. No problem." Maluwang itong ngumiti bago tumakbo palayo at makipaglaro sa mga ibon at paru-paro.

"H-how? Paano..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Ngumiti si Celine, inilibot ang paningin sa paligid bago tumigil ang mga mata nito sa kaniya. "We're happy here, Yael. Kami ng anak mo. Looks like a paradise, right?"

Tumango siya. "Is this my dream?"

"Yeah, we are in your dreams. Pero totoong nasa isa kaming paraiso ni Israel."

"Pero paanong nangyari ito? Parang hindi ako nananaginip, parang totoong-totoo ang lahat." Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.

Hinaplos ni Celine ang pisngi niya. "Nakipagkita ako sa 'yo dahil may gusto akong sabihin."

"What?" Alanganin niyang tanong. Magagalit ba ang babae dahil iba na ang mahal niya, at hindi na si Celine ang may-ari ng puso niya?

Napailing si Celine pero nakangiti ito. "Silly man. Bakit ako magagalit?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Nababasa ba nito ang nasa isip niya?

Tumawa ang babae. "Of course, I do. Nasa panaginip mo tayo, hindi ba? Ang lahat ay possible dito. At iyan ang dahilan kung bakit ako nandito. I want to give you a piece of my mind. Tama kang mag-isip na nagagalit ako, pero hindi sa kadahilanang naiisip mo. I am gone, Yael, me and Israel and I don't want to hold your heart even in death.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon