"I told you to cancel this meeting. Is that hard to do?" Inihagis ni Yael ang hawak nitong folder sa lamesa, tumama iyon sa metal na pen holder kaya nahulog iyon sa sahig. Kasinglakas ng pagbagsak ng pen holder sa marmol na sahig ang pagsigaw ni Yael.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinayapa ang sarili. Bumilang din siya hanggang sampu bago magsalita, dahil kapag hindi niya iyon ginawa makikipagsigawan siya sa lalaking ito na hindi niya alam kung bakit napakainit ng dugo sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang problema ni Yael. Simula noong magdinner sila ay nagkaganito na ang lalaking ito. Magdadalawang-linggo na itong dinadaan-daanan siya na para bang hindi siya nito nakikita.
Hindi rin siya nito kinakausap, o inuungkat ang kasunduan nila. Para bang nakalimutan nitong buhay siya at humihinga. Noong ihatid siya nito ng gabing iyon ay tahimik lang ito sa pagmamaneho na para bang napakalalim ng iniisip. Simpleng goodnight lang ang sinabi nito bago nito pinaharurot ang kotse noong makababa siya. At kinabukasan ay parang hindi na siya nito kilala. Ipinapadaan nito kay Tess ang anumang bagay na gusto nitong sabihin sa kaniya.
At ikinaiinis niya iyon. Hindi niya alam kung bakit. Hindi ba dapat at matuwa siya dahil hindi siya nito pinapansin? Na naproprotektahan at ligtas pa ang virtue niya? Pero bakit naiinis siya na parang walang pakialam si Yael sa kaniya? At kapag kinausap naman siya nito ay galit pa katulad ngayon.
"Well, are you deaf?" Inis nitong tanong.
Muli siyang huminga ng malalim at niyuko ang hawak na planner, pero kahit anong tingin niya doon ay hindi niya makitang may note siya na may sinabi si Yael na i-cancel ang meeting na iyon. At wala pa siyang amnesia para makalimutang may sinabi si Yael na tungkol doon noong mga nakakaraang araw. Nagtaas siya ng tingin dito. "Wala akong natatandaan na sinabi mo iyan."
"Then cancel it. Kailangan pa bang ako ang gumawa noon?" Inikot nito ang swivel chair patalikod sa kaniya.
Ngali-ngali siyang ibato dito ang hawak na planner. Alam niyang boss niya ito, at EA lang siya at trabaho niyang sundin ang mga utos nito. Pero kung ganito naman ang tantrums ng amo mo, sino bang hindi maiinis. "Okay. Gagawin ko. Kailan ko ire-reschedule?"
"Two weeks from now. Go away, now. I don't want you here."
Naikuyom niya ang kamao, hindi niya alam kung bakit may munting kurot siyang naramdaman sa dibdib sa huling sinabi nito. Pero hindi niya iyon pinansin. Kung hindi siya gustong makita ni Yael ay hindi niya rin ito gustong kausapin kung ganito lagi ang ugali nito. "Fine." Hindi niya mapigilang malangkapan ng inis ang boses. "Para namang gusto din kitang kausap." Bulong niya.
"What?" Humarap ito sa kaniya, naniningkit ang mga mata.
"Wala po, boss. Wala akong sinabi. Excuse me." Kinuha niya nag folder saka siya tumalikod at taas ang noong lumabas ng opisina nito. Sumalampak siya ng upo sa silya niya noong makarating siya sa sariling cubicle. "Badtrip na lalaking iyon!" Hindi niya mapigilang impit na masabi.
"Galit na naman si Boss?" Tanong ni Tess na nakaupo sa upuang nasa harapan ng desk niya. Siya na kasi ang umuokupa ng desk nito lalo pa at may sarili na itong opisina sa sarili nitong departamento. Patuloy pa rin ang pagtra-train nito sa kaniya pero siya na ang humahawak ng mga madadaling bagay – katulad na lang ng pag-i-schedule, reschedule at cancellation ng mga meetings.
"Ewan ko ba sa lalaking iyon."
Tumango si Tess. "Hindi na nga normal eh. Hindi naman siya ganiyan dati kahit noong mamatay ang mag-ina niya. Isang buwan siyang hindi pumasok at pagbalik niya ay seryoso lang at tahimik. Kung magalit man siya ay paminsan-minsan lang. Matagal na niya akong EA at kilala ko na siya. Hindi niya pinaghahalo ang personal na buhay at trabaho. Kaya hindi ko alam kung anong nangyari."
![](https://img.wattpad.com/cover/44602959-288-k659402.jpg)
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...