"What happened? Kilala mo si Maggie?" Salubong ni Vince pagbalik niya sa lounge. Puno ito ng pag-aalala para sa babae.
Tinignan niya ng masama ang lalaki. Kung banggitin nito ang pangalan ng babae, para bang close ito at si Maggie. Lalo siyang nainis sa mga nangyayari dahil pati ganoong kaliit na bagay ay napapansin niya. Dire-diretso siya sa bar at nagsalin ng alak saka dire-diretso niya iyong ininom. Mabilis na dumaloy ang init sa lalamunan niya. Damn it, what has just happened? Inalok nga ba niya talaga si Maggie na maging kept woman niya? Hindi niya mapigilang makaramdam ng guilt.
He knew the woman was cornered. At pinalala pa niya iyon na para bang wala na talaga itong pagpipilian kung hindi ang tanggapin ang alok niya. Yeah, he can just give her the money without any ties at all. He has a lot of them. Pero katulad ng sinabi niya kanina, kahit hindi niya kilala si Maggie, sa tingin niya, ito ang klase ng babaeng hindi na lang basta tatanggap ng pera sa isang lalaki kung wala iyong kapalit. Sa tingin niya ay hindi nito gustong magka-utang na loob sa kahit na kanino pang tao.
And like he had said earlier, he wanted her. Sa loob ng tatlong taon, hindi siya nakaramdam ng anumang klase ng pagnanasa sa kahit na sinong babae. When Celine died, his manly urges died as well. Ano ang kaibahan ni Maggie? She's practically a stranger. He even met her when she was younger. At ngayon, inalok niya ang babaeng maging mistress niya. And a sick part of him was excited about that. He wanted to have sex with the woman six ways to Sunday and be her first lover. He's even ecstatic to begin their contract. He didn't even know that he's a fucking pervert.
"Want to talk about it?" Tanong ni Dash.
Nagtaas ng tingin si Yael, nasa harapan niya ang mga kaibigan, may pagtataka at pag-aalala sa mga mukha nito. Umiling siya, tumayo at binitbit ang bote ng whisky. "Not now."
"Nasaan si Maggie? Ang usapan namin ay ipapasundo ko siya sa chopper pagkatapos," tanong muli ni Vince.
Inis niyang nilingon ang lalaki. "She's staying the night." Simple niyang sagot at bago pa ito muling makasagot ay tuluyan na siyang lumabas ng lounge. Sa tingin niya ay kailangan na niya itong itulog para hindi siya mabaliw sa kakaisip.
Hindi alam ni Maggie kung ano ang gagawin. Maliwanag na at mataas na ang sikat ng araw. Kanina pa siya gising kaya napagtanto niyang may iba ng tao, maraming tao ang kumikilos sa B&B. Pumasok sa isip niya ang sinabi ni Vince na darating ngayong araw ang mga staff na mag-aayos sa B&B para sa gaganaping kasal bukas. Kanina pa siya gising pero hindi niya alam kung lalabas ba siya ng kuwarto o hindi. Hindi naman dapat siya magpapalipas ng gabi dito.
Ang usapan nila ni Vince, susunduin siya ng chopper pagkatapos niyang magsayaw pero simula ng iwanan siya ni Mr. Figueroa sa guest room na iyon ay hindi siya sinundo ni Vince. Wala naman siyang choice kung hindi ang manatili sa isla. Chopper lang ang paraan niya para makaalis sa lugar na ito, puwera na lang kung nasisiraan na siya ng ulo para lumangoy sa dagat. Hindi na niya namalayan kung anong oras siyang nakatulog, maaga pa lang din ng magising siya. Pagkatapos niyang tanggalin ang make-up sa mukha niya sa isang maliit na banyong nasa loob ng guest room, umupo siya sa couch sa may tabi ng pinto at hindi na siya kumilos.
Nakakaramdam na siya ng gutom pero hindi siya lumalabas. Paano niya gagawin iyon? Maliban sa make-up na natanggal sa mukha niya, at sa stocking na hinubad niya, suot pa rin niya ang coat na ipinatong niya sa pansayaw niyang two-piece. Wala naman siyang dalang ibang damit maliban sa mahabang coat. Ni hindi naman niya naisip na magpapalipas siya dito ng magdamag. Napapitlag siya ng may kumatok sa kuwarto.
"Maggie?"
It was Mr. Figueroa. Tumayo siya at tinanggal ang lock ng pinto bago iyon binuksan. Nakatayo ang lalaki doon, may hawak itong may kalakihang paper bag.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...