"Diyos ko!" Napahawak sa bibig si Maggie habang nakikinig sa kuwento ni Yael. Pakiramdam niya ay ang sakit-sakit ng puso niya pagkatapos malaman ang malagim na sinapit ng mag-ina ng lalaki. Naisip niya noong makita si Yael sa burol na hindi simpleng pagkamatay ang nangyari sa mag-ina nito base sa itsura ni Yael noon. Ang unang pumasok sa isip niya ay naaksidente ang mga tao. Kailanman ay hindi pumasok sa isip niya ang napakasakit at napakalagim na ganitong mga pangyayari.
Kinabig niya si Yael at mahigpit na niyakap. Sumiksik ito sa dibdib niya at doon patuloy na umiyak. His wrecking sobs were gut wrenching and hopeless and so full of agony and pain. At hindi niya ito masisisi. Kahit siya ay umiiyak dahil sa sinapit nila Celine at Israel at ang marahas na pagkamatay ng mga ito. Celine was raped and she and their son gunned down in front of Yael.
Ramdam na ramdam niya ang hopelessness ni Yael sa mga nangyari noon. Na wala itong nagawa para iligtas ang mag-ina nito. At kung hindi man iyon isinatinig ni Yael, damang-dama pa rin niya ang paninisi nito sa sarili. But what can he do? Limang armadong lalaki ang pumasok sa bahay ng mga ito. And he was beaten and gunned.
"Wala kang kasalanan, Yael." Wika niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Walang may gusto ng mga nangyari. At hindi ka super hero na may out of this world na kapangyarihan para harapin ang limang lalaki na ang apat ay may hawak na baril. Alam kong mahirap pero dapat mong patawarin ang sarili mo. Nararamdaman kong hindi ka sinisisi ni Celine at ng anak ninyo. Biktima lang kayo ng sitwasyon, ng mga taong halang ang kaluluwa."
Hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong nagagawang manakit ng kapwa, manakot at pumatay. Hindi niya alam kung paanong nakakaya ng konsensya ng mga ito na mang-rape ng babae at pumatay ng batang walang kalaban-laban. Paano nakakatulog ang mga ito ng mahimbing sa gabi? Paanong patuloy na nabubuhay ang mga ganoong klase ng nilalang.
"Halika," tumayo siya at hinila si Yael papasok sa kuwarto niya. Pinaupo niya doon ang lalaki at sumampa siya sa kama. Humiga siya at hinila niya si Yael pahiga. Mahigpit siyang niyakap ng lalaki ng makahiga ito sa kama. Isiniksik nito ang mukha sa leeg niya. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. Hinayaan niyang umiyak ito ng umiyak sa dibdib niya.
Alam niyang kailangan iyong gawin ni Yael upang mailabas nito ang lahat ng masasakit na dalahin nito sa dibdib nito. At lubos ang pasasalamat niya at pinagkatiwalaan siya ni Yael na ibahagi sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa mag-ina nito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagtapat sa kaniya ng pag-ibig ang lalaki.
She doesn't want to be insensitive with Yael's pain in remembering the past. Pero maliban doon, pakiramdam niya ay nasa ulap siya at ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Hindi lang siya ang bumali sa kasunduan nila. Ginawa rin iyon ni Yael.
At sobra ang pasasalamat niya dahil naging matapang ang lalaki na muling sumugal. To take a chance with her. Araw-araw niyang ipapakita sa lalaki na tama ang naging desisyon nito. Mamahalin niya ito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. She will make him happy.
"Nahuli ba ang gumawa noon?" Mahina niyang tanong noong tumigil na si Yael sa pag-iyak.
Humigpit ang yakap ni Yael sa beywang niya. "Alam mo bang kahit maubos ang pera ko, hindi ako tumitigil noon para mahuli ang mga salarin? Pero mahirap, mata, bibig at boses lang at porma ng katawan ang naibigay ko sa mga pulis, kasama na ang ilang pangalan na binanggit nila. Hindi ko nakita ang mga mukha nila dahil may takip silang maskara. Pero alam kong kapag nakita ko sila muli, maituturo ko sila.
"Nakatanim na sa isip ko ang mga itsura nila kahit hindi ko pa nakita ang mga mata nila. Tingin ko ay kaya ko silang ituro sa hanay ng mga kriminal. Especially the leader, he has so much sadistic streak in his eyes. Its like he thrive in the pain of others. Sobra ang galit at depression ko na habang tumatagal ay hindi pa rin sila nahuhuli. Isang taon ang lumipas ng makatanggap ang mga pulis ng tip.
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...