"Here. Katulad ng nasa contract." Tumayo si Yael pagkatapos nitong pumirma at lumapit ito muli sa desk. May kinuha ito roon at sinulatan. Muli itong lumapit sa kaniya at inabot ang isang papel.
Alanganin niya iyong inabot at tinitigan. Tumataginting na dalawang milyong piso ang nakasulat sa cheke. Napalunok siya at gusto niyang mapaiyak sa tuwa sa napakalaking perang hawak niya. Napakalaki ng maitutulong niyon sa kaniya at hindi na niya iisipin pa kung saan siya kukuha ng pera.
Makakatulog na siguro siya ng maayos na hindi napupuyat sa kakaisip kung ano na naman ang gagawin niya para magkapera kinabukasan. Mahigpit niyang hinawakan ang cheke na para bang liliparin iyon palayo kapag hindi niya iyon ginawa. Hindi niya gustong magising at mapagtantong panaginip lang pala ang lahat.
"Okay. Since everything is done, let's go."
Bumalik ang atensyon niya kay Yael nang magsalita ito. Hawak na nito ang folder. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Maggie sa lalaki.
"Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Sa tingin ko ay pabalik na sila sa mula sa pagsundo sa mga asawa nila."
"Hah?" Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. "A-anong sasabihin mo sa kanila? Saka, siguro ay dapat na akong umalis lalo pa at hindi naman ako imbitado sa kasal."Tinitigan siya nito. "You just read it in the contract. You'll be my companion in this wedding. Bakit gustong-gusto mong umalis, may naghihintay ba sa 'yo?" Nagsalubong ang kilay nito. "Know what, I think I forgot something important here. I didn't even ask if you have a boyfriend."
Humalukipkip siya. "Hindi ako pipirma ng ganitong klase ng kontrata kung may boyfriend ako, Mr. Figueroa."
Maluwang itong ngumiti na para bang hindi ito nakasimangot kanina. Hindi niya siguro maiintindihan ang mabilis na pagbabago ng expression ng mukha nito.
"Then it is all right that I forgotten to ask about it." Wika nito at nagpatiuna na palabas sa kuwarto.
Walang nagawang sumunod na lang siya dito. "K-kung pupunta ako sa kasal, wala akong susuotion." Hindi niya maiwasang sabihin iyon para subukang baguhin ang isip ni Yael. Ang totoo, nahihiya siyang makilala ang mga kaibigan ni Yael. Nandoon ang lahat ng mga ito noong lumabas siya sa kahon na wala na halos saplot sa katawan.
Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kaniya, buhay niya ito at desisyon niya kung ano ang gusto niyang gawin. But for some reason, she wanted respect and acceptance from Yael's friends. Hindi niya gustong isipin ng mga ito na marumi siyang babae, katulad ng hindi niya rin gustong ganoon ang isipin ni Yael sa kaniya.
"Hindi iyan problema," itinulak ni Yael pabukas ang pinto sa main B&B at sinenyasan siya nitong pumasok. Sumunod ito sa kaniya at isinarado ang pinto. "I'll order one for you. Narito na iyon mamayang hapon."
Hindi siya sumagot. Siguro nga ay hindi iyon problema para sa lalaki, hindi ba nga at magdamag lang ay nabigyan na siya nito ng susuotin? Pero hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang lumitaw si Vince mula sa kung saan.
"Maggie!" Mabilis itong lumapit sa kaniya, puno ng pag-aalala ang mukha nito. Nagulat siyang malaman na concern pala ang lalaki sa kaniya gayong hindi naman sila lubusang magkakakilala.
"Okay ka lang? What happened? You know Yael?" Sunod-sunod nitong tanong.
"I told you I know her." Nakasimangot na naman si Yael.
Kumunot ang noo ni Vince. "Hindi mo iyon sinabi." Saka ito muling bumaling sa kaniya. "Maggie?"
Tumingin siya kay Yael bago niya ibinalik ang tingin kay Vince. "Oo, kilala ko siya. Pero---"
Pinutol ni Yael ang pagsasalita ni Vince. "Vince, she said yes already. Everything last night is a mistake. Just let it go, okay?"
Yael fiercely stared at Vince, daring him to contradict him. At mukhang walang magagawa si Vince kung hindi sundin ang sinabi ng nakakatandang lalaki.

BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...