Chapter Ten: 'Till Death Do Us Part

2.9K 77 8
                                    

Ito ang pangalawang pagkakataong nakasaksi ng aktuwal na kasalan si Maggie. This time, it was outside and the nature - the tall palm trees, the blue sky, the white sand, the setting sun and the pristine water - were among the witnesses on this solemn occasion that lovely Sunday afternoon. Papalubog na ang araw at hindi ganoong kalamig ang simoy ng hangin. Beach semi-formal ang theme ng sunset wedding na ito. Ang nagtataasang mga puno ng palm ay may mga nakataling puti at mahabang sash na may malalaking arrangements ng fresh flowers.

Sa pinakadulo kung saan unang tatayo ang bride bago maglakad sa aisle ay may malaking arched wire trellis na may mga tropical flowers at palm branches na nakapalibot. May nakalatag na red carpet sa aisle at sa magkabilang gilid ay may trail ng shells at mga free standing posts din na may mga flowers and ferns. Ang mga upuan ay napapatungan ng sky blue fabric at may nakatali ring mga bulaklak at naka-position ng semi-circle.

At the front is a make-shift pergola that will serve as the altar and where the bride and groom will exchange their vows. May mga naka-drape doong sky blue and pastel pink fabrics na siyang motif ng kasal. Nakatayo si Ace doon at sa tabi nito ay nakatayo ang apat na mga kaibigan na nagsisilbing mga best man. Nalaman niyang ang lahat ng lalaki ay naging best man ng bawat isang ikinakasal. Sa kasal ng limang lalaki ay laging apat ang best man ng groom. At nakakatuwang tradisyon iyon, kakaiba, at kitang-kita ang pagiging close ng mga ito na parang magkakapatid.

Ace was looking handsome and very glad and wearing a custom summer suit with a linen ivory shirt without ties, khakis and sandals. The best men were wearing white linen shirts, khakis and sandals as well, with pinned silk rose boutonniere on their shirts. Kung tutuusin, simple lang ang theme ng kasal kung ikukumpara sa magarbong kasalang nasaksihan niya noong kasal nila Yael at Celine noong eleven years old siya. Walang engrandeng mga gowns at suits.

Kakaunti lang ang mga tao at ayon kay Rose, pili lang ang mga bisita, ilan sa mga ito ay madre na dating kasamahan ni Rose mula sa kumbento. Semi-formal lang din ang suot ng mga bisita maliban sa mga madreng naka-abito. Ang mga bridesmaid, ang mga asawa ng mga best men, ay nakasuot ng mga summer dresses with sky blue and pastel pink as colors. Ang ilang bisitang lalaki ay nakasuot ng Hawaiian Shirts, ang mga babae naman ay soft and pastel summer dresses. Ganoon din ang suot ng mga batang flower girl at ang cute na cute na ring bearer na si Nat-Nat.

The bride is wearing an airy and vivacious white bridal gown with re-embroidered lace and a high-low hemline, with a scooped, strapless neckline and delicate pearl and crystal beading and corset back. Hindi mahaba ang train kaya hindi iyon sumasayad sa lupa at sa paa naman nito ay isang pares ng flat, dressy sandals. May hawak din si Rose na fuchsia and pink confetti rose silk bouquet. Walang suot na veil si Rose, sa halip sa ulo nito ay may nakapatong na dark pink ranunculus and white daisy flower crown. She is a really a beautiful bride.

Ang laylayan ng bridal dress ay banayad na nililipad ng hangin habang naglalakad si Rose na inihahatid ng Dada at Papa nito. Kahapon ay nabanggit ni Rose ang tungkol sa gay parents nito at nasa boses at mukha ng babae ang pagmamahal at pagmamalaki sa mga ito. At ngayong nasa tabi na ng bride ang mga ama nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit. Kitang-kita sa dalawang lalaki ang pagmamahal ng mga ito kay Rose. Dalawang ama ang buong pusong nagmamahal kay Rose, habang siya ay hindi niya naranasan ng buong-buo ang pagmamahal ng sariling ama. Ipinilig niya ang ulo, isa itong masayang okasyon. Hindi dapat siya nag-iisip ng mga malulungkot na bagay.

Ibinalik niya ang atensyon sa kasal. Hindi maalis-alis ni Ace ang mga mata kay Rose habang naglalakad ito sa red carpet, kitang-kita sa mga mata nito ang pagmamahal, excitement at kasiyahan habang papalapit ang babae sa pergola. Hindi niya maiwasang makadama ng inggit kay Rose. She had her dream man and her dream wedding.

Hindi niya maiwasang mapatingin-tingin kay Yael sa buong durasyon ng kasal. Nakikita niyang masaya ito para sa kaibigan, pero nakikita rin niya ang lungkot na pilit nitong itinatago. At hindi niya maiwasang masaktan para sa lalaki. Sa lungkot na nakikita niya sa mukha nito, alam niyang naalala niya ang kasal nito at ng namayapang asawa.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon