Pearl Street, Gwendolyn Ville – Three Years Ago
"Good night, baby. Sweet dreams." Hinalikan ni Celine sa pisngi si Israel habang itinaas naman ni Yael ang kumot ng anak.
"Night, son. Sleep well." Yumuko rin si Yael at hinalikan sa noo ang anak.
"Night, Daddy, Mommy," wika ng bata bago nito niyakap ang isang malaking unan.
Bago sila lumabas ng kuwarto ay pinatay ni Yael ang ilaw at hinila pasara ang pinto. Saka sila pumasok ni Celine sa katabing master bedroom. Hinubad ni Celine ang suot nitong robe at ipinatong iyon sa nadaanang sette, saka ito umupo sa gilid ng kama at ipinagkrus ang mga hita saka nanunukso siyang nginitian. Tumaas ang suot nitong nightee at tumambad sa kaniya ang napakaputi nitong hita. "So, Israel is sleeping. Anong gagawin natin?" She coyly asked.
Maluwang siyang ngumiti at dahang-dahang nilapitan ang asawa. Lumuhod siya sa harapan nito at hinalikan ito sa tuhod bago niya tiningala ang asawa. Tumaas ang isang niyang kamay at sinapo niya ang leeg ng babae at pinayuko ito. They their lips met with open mouthed kisses. Itinulak niya pahiga si Celine at umibabaw siya rito.
He pressed his manhood on the vee of her thighs and Celine moaned. Lalo niyang pinalalim ang halik na ginantihan ni Celine ng buong tindi. Gumapang ang kamay niya sa ilalim ng nightee nito pero natigilan siya ng makarinig ng malakas na kalabog. Mabilis siyang humiwalay sa asawa.
"What's that?" Nanlalaki ang matang wika ni Celine.
"Shhh, relax. I'll check." Mabilis siyang humakbang patungo sa pinto pero bago pa man siya makalapit ay bigla iyong bumukas. Limang lalaking nakajacket na itim at may itim na black robber mask ang sunod-sunod na pumasok. Ang apat dito ay may hawak na mga baril na nakatutok sa kanila ni Celine. May silencer ang mga baril at mga de-kalibreng armas ang mga iyon. Mabilis siyang napaatras at pumuwesto siya sa harapan ni Celine. Naramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Celine sa likod niya at ang nanginginig nitong katawan.
"Sino kayo? What do you want?" Tanong niya. Hindi niya maiwasang matakot para kay Celine at kay Israel na natutulog sa kabilang kuwarto. Hindi niya inaalis ang tingin sa limang lalaki. Halos magkakasingtaas ang mga ito, apat ang malalaki ang katawan na parang tangke maliban sa isa na halos kasingkatawan niya. His thoughts was running wild, checking for exits, for ways to survive.
Sa itsura ng mga ito, alam niyang walang gagawing mabuti ang mga lalaki. At napakalakas ng tibok ng puso niya dahil sa takot at pag-aalala para sa mag-ina niya. And the odds was not really in his favor, it was five big goons with gun against him. Nag-iisa lang siya at may-inang inaalala.
Tumawa ang isang lalaki. "Want? Want daw mga brod." Lumingon-lingon pa ito sa mga kasama na nagtawanan din.
"If you want money, ibibigay ko. Umalis lang kayo sa bahay. Kahit magkano." He bargained.
"Hhhmmm," wika muli ng lalaki na siyang mukhang lider ng mga ito. "Kahit magkano."
"Oo. Sabihin mo kung magkano at ibibigay ko." Pilit niyang pinakalma ang boses. Kahit buong kayamanan niya ibibigay niya sa mga ito.
"Isang daang milyon. Cash." Mabilis na sagot ng lalaki.
Napailing siya. "Wala akong ganiyang kalaking halaga sa bahay na ito. Check lang ang maibibigay ko."
Tumawa muli ang lalaki. "Checke? Anong akala mo sa akin, tanga? Para pumunta sa bangko at magpa-encash ng cheke mo?"
"But I told you. Wala akong ganiyang kalaking halaga sa bahay na ito. I only have ten million sa safe. Puwede rin ninyong kuhanin ang mga alahas ng asawa ko. You can even take my cars. Ibibigay ko ang susi, basta umalis na lang kayo."
BINABASA MO ANG
RANDY's Sweetheart 05: Destiny
RomanceAvailable now in e-book and soon to be on print (12-11-17): https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/4319/RANDY%E2%80%99s-Sweetheart-Series-5;-Destiny---RSS00005 This is the fifth and final book of RANDY's Sweetheart Series. This is about...