Chapter Seventeen: Worst Case of Blue Balls

2.5K 66 0
                                    

"I can't believe that I fell asleep." Hindi makapaniwalang wika ni Yael habang bumababa sila ng burol. Kung hindi pa siya niyugyog ni Maggie at sinabing mataas na ang araw ay hindi siya magigising. It was the most peaceful sleep he ever had since her lost Celine and Israel. Walang bangungot na bumisita sa kaniya. It was just like he was being put to sleep in a soft cloud and the angels were guarding him.

At aaminin niyang nakatulong si Maggie. Hindi niya alam na napakasarap palang matulog sa kandungan nito. He was looking forward to sleeping and wake up in his bed with Maggie at his said. Siguradong maitataboy din palayo ng babae ang anumang mga bangungot na dadalaw sa kaniya.

"Oo nga eh. Ang lakas pa ng hilik mo. Dinig na dinig sa katahimikan ng lugar."

Nilingon niya ang babae, nauuna siya rito sa pagbaba. Hindi naman sila nagkakalayo dahil hawak niya ang kamay nito. Simula ng makatulog siya hanggang sa magising ay hindi na niya binitawan ang kamay ng babae. "I'm not snoring!" Indignant niyang sagot.

Tumawa ito. "Oo, kaya. Ang lakas!"

"Am not!" Muli pa rin niyang pagtanggi.

Humalakhak si Maggie at hindi niya rin mapigilang matawa. Para siyang batang nagtatrantums. He didn't know that he have it with him to do that. Mga toddlers lang ang may kakayahan at karapatang magtantrums. "Fine. Oo na." He conceded.

Nangislap ang mata ni Maggie at mukhang sobra nitong ikinatuwa ang pagbibigay niya. Well, he will always concede if that means he will always see the happiness and shine in her eyes. Nagpatuloy sila sa pagbaba at dahil mataas na nga ang sikat ng araw ay nagpasya na rin silang bumalik. Nabanggit din ni Manong Emil na hindi rin advisable na magpahapon sa lugar dahil matarik nga ang bababain nila pabalik sa Costa Pacifica.

Nang makarating sa van ay ginising nila si Manong Eli na mukhang nagsi-siesta. Akala nila ay tuluyan na silang aalis ng lugar pero dinala sila ni Manong Eli sa tinatawag nitong Artist's Village. Isa iyong may kalakihang structure kung saan nakadisplay ang mga artwork ng mga local na artists.

Nang makapasok sa loob ay hindi niya maiwasang humanga. It was an almost open place wherein the backdrop was the greens of the forest. Ang lahat ng furniture sa loob ay gawa sa iba't ibang klase ng kahoy, katulad ng mga desk, cabinets, upuan at isang higaan na may apat na posteng gawa rin sa kahoy.

Inisa-isa nila ni Maggie ang mga nakasabit na mga art work at masasabi niyang kahanga-hanga ang mga iyon. Sandali silang nagpalipas ng oras doon at lalo pa at sila lang ang tao. Pagkatapos doon ay sandali silang dinala ni Manong Eli sa PAG-ASA Weather Station at pinicture-an sila ni Manong Eli sa malaki at bilog na radar. Paalis na sila doon ng bumaling sa kanila ang tour guide nila.

"Gusto ninyo bang makita ang Hanging Bridge?"

"May hanging bridge rito?" Tanong ni Maggie.

"Opo, Ma'am. Pero huwag kayong mag-alala. Matibay ang pagkakagawa ng tulay."

"Cool! Sige, punta tayo." Wika ni Maggie.

At katulad nga ng pangako ni Manong Eli, the bridge was sturdy enough. Mula rin doon ay kitang-kita ang tranquility ng Baler. Nakikita niyang nag-enjoy din doon si Maggie. Hindi naman sila nagtagal at umahon na sila sa bundok pabalik sa resort.

"Wow! Ang gandang experience noon." Wika ni Maggie na nakaupo sa paanan ng kama, hinubad nito ang sneakers nito at humiga ito. "Nakakapagod pero sulit."

Lumapit siya sa babae at niyuko ito, nakapikit ito at may ngiti sa mga labi. "Want to take a nap? Gigisingin na lang kita kapag dinner time na."

Mabilis itong nagmulat ng mata at mabilis ding bumangon. "Nap?"

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon