Chapter Twenty: The Visit

3.5K 84 25
                                    

Natagpuan ni Yael ang sarili sa harapan ng libingan nina Celine at Israel. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. He just drive aimlessly and then he was here. Pero marahil ay ito ang pinakatamang lugar na puntahan niya pagkatapos ng lahat. Kailangan niyang harapin at kausapin si Celine. Simula ng dumating si Maggie sa buhay niya, ni hindi man lang niya nadalaw ang mag-ina niya. Buong atensyon at oras niya ay hawak ni Maggie.

At pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang ala-ala ni Celine tuwing hahagkan niya, tuwing yayakapin niya si Maggie. Tuwing nanaisin niyang makasama ang babae at hindi nya gustong mawala ito sa paningin niya. The heaven of being inside her was now dulled by guilt. Isang linggo na rin silang nakakabalik ni Maggie sa Manila at hindi pa sila nagkakausap ng masinsinan. Naging abala siya sa trabaho at ganon din ito dahil ilang araw din silang nawala.

Pero hindi pa rin niya mapigilang hanap-hanapin ang babae kahit kasama naman niya ito sa trabaho. He was hurting that at the end of the day, he was going home alone. Kapag gigising siya sa umaga ay aabutin niya si Maggie pero pagkadismaya lang ang nararamamdaman niya dahil panaginip lang pala na katabi niya sa pagtulog ang babae. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang sikilin ang nararamdaman niya kay Maggie.

He needed an intervention. He needed forgiveness. Kailangan niyang humingi ng sorry kay Celine. Nahihirapan siya sa buhay na wala si Maggie sa tabi niya. Gusto niyang bumalik sa panahong magkasama sila bente-kuwatro oras ni Maggie katulad noong nasa Baler sila. He wanted to start a new future with her. Gusto niyang maging maligaya ulit. Ayaw na niyang gumising sa umaga na hindi si Maggie ang una niyang nakikita.

But he knew that he needed to put a brake on things, to think, to reflect, and to stop feeling guilty. Isa pa, hindi fair na magcommit siya kay Maggie na hindi pa siya tuluyang namamaalam kay Celine at sa nakaraan nila. At kailangan niya itong gawin para sa kaligayahan niya, para kay Maggie. Alam niyang walang kasiguraduhan kung parehas sila ng nararamdaman ni Maggie, pero handa siyang gawin ang lahat para mahalin din siya ng babae.

He felt her happiness while they were in Baler. Hindi rin naman nakaligtas sa kaniya ang mga sulyap ni Maggie kapag akala nito ay hindi siya nakatingin. Ang mga tingin nitong puno ng pag-aalala at pagkagiliw. Magandang simula iyon, at gusto niyang maging positibo. He can make her fall in love with her. Isa pa, hindi naman siya papayag na mapunta ito sa ibang lalaki. She is his sultry siren.

Niyuko niya at hinaplos ang lapida ni Celine. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha pero hindi niya iyon pinansin. Inilabas niya ang lahat ng dalahin niya sa dibdib sa libingan ni Celine.

"Bakit mo ako iniwang malungkot, nag-iisa? Hindi ko inasahang gagawin mo ito sa akin, pero nangyari. Ang tagal ng hindi kita kasama, ang tagal mo ng wala sa piling ko, pero hindi ko pa rin mabitiwan ang ala-ala mo. Napakahigpit pa rin ng kapit ko, at hindi ko alam kung makakabitiw pa ba ako. Hindi ko pa alam noon kung paano ka tuluyang talikuran, Celine. Hindi ko alam kung paano magpapasok ng iba sa puso ko gayong ikaw lang ang laman nito sa napakatagal na panahon.

"Pero may isang babaeng dumating para gustuhin kong muling sumubok. Tulungan mo akong muling sumugal. Gusto kong maging masaya ulit. Help me be happy again. You made me happy, we were happy, but now I want her. I want to make Maggie happy. Gusto kong kalimutan na ang lahat ng guilt, ang lahat ng galit at sakit dahil sa pagkawala mo. Matagal na akong panahong namuhay sa dilim, walang liwanag at hindi nananabik sa bagong umaga.

"Kasama mong inilibing ang puso ko, Celine, patay na at hindi humihinga. I was aching for your presence every fucking seconds of my life. A life which is not worth living for. I never even think that time can heal my broken heart. Walang kahit anong milagro marahil ang makakatigil sa sakit na nararamdaman ko. But I saw a light, a shining light amidst the blackness of my world. At unti-unti nitong binibigyan ng liwanag ang puso ko. And then I found out that my heart was not dead after all.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon