Chapter Two: Nine Years Ago

3.7K 83 1
                                    

"Nervous?" Tanong ni Dash.
Nilingon ni Yael ang kaibigang nakatayo sa tabi niya, sa tabi nito ay nakatayo din sina Russell, Nico at Ace, na tumatayong mga best man niya. Hindi pangkaraniwan ang magkaroon ng apat na best man pero hindi niya gustong mamili sa apat na kaibigan kaya lahat na lang sila. Kung nandito si Rose, tiyak na ito ang maid of honor ni Celine pero napakatagal na noong huli nilang makita ang babae. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Ace, at kahit hindi magsalita ang kaibigan, alam nilang lahat na sobra pa rin itong nasasaktan sa ginawang pag-iwan dito ni Rose ng walang paalam. A bit. Pag-amin niya.
Inilibot niya ang paningin sa simbahan at sa mga taong naroroon. Ninenerbyos nga siya at pinagpapawisan ang palad niya. Pero dahil iyon sa excitement na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Tumutugtog na ang wedding march at naglalakad na ang mga sponsors at wedding entourage. Ilang minuto na lang ay maglalakad na si Celine sa aisle na inihahatid ng Daddy nito patungo sa dambana, patungo sa kaniya.
Hindi siya makapaniwalang naririto na sila sa sandaling ito ng buhay nila. Ang pag-iisang dibdib nila ng babaeng mahal niya at ang makakasama niya hanggang sa pagtanda. Pagkatapos ng graduation sa RU ay nagpunta silang limang magkakaibigan kasama si Celine sa US. Lahat silang lima ay kumuha ng dalawang taong MBA sa Harvard, habang si Celine ay Medicine naman ang kinuhang kurso. Doon na rin sila nag-intern habang hinihintay na magtapos si Celine.
Nagpropose siya kay Celine noong apat na taong anibersaryo nila. Umuwi sila ng Pilipinas at plinano ang kasal. And today, on their fifth year anniversary, they are going to get married. Sobra ang nararamdaman niyang kasiyahan. He was complete and contented, very much contented. Kung may nararamdaman man siyang kalungkutan ay iyon ang bagay na wala ang mga magulang niya para saksihan ang pinakamaligayang sandali sa buhay nila. Namatay ang mga ito sa isang plane crash.
They were supposed to visit him in the States to celebrate with him and Celine for their engagement. Pero hindi na iyon nangyari. And now, hes the Chairman and CEO of FGC. A very, very big responsibility. Pero tinangay ng hangin ang lahat ng laman ng utak niya noong bumungad si Celine sa bukana ng simbahan at dahan-dahan itong naglakad sa aisle na inihahatid ng Daddy nito. Nahigit niya ang paghinga at ang buong atensyon niya ay naririto. She was a vision, a very beautiful vision. Ilang sandali pa ay nakalapit na sa kaniya ang mag-ama at ipinagkakatiwala na sa kaniya ng matandang lalaki ang anak nito.
"Take care of my daughter, Yael." Bilin ng Daddy George.
"Yes, sir. I definitely will." Puno ng kasiguraduhan na pangako niya sa matandang lalaki.
Good. Tumango-tango pa ito bago tuluyang ibinigay sa kaniya ang unica hija nito.
Inabot niya ang kamay ni Celine at pinisil niya ang palad nito. She was radiating so much, and that made him grin so wide his face might split. Maluwang siyang napangiti noong magsimula ng magsalita ang officiating priest. Excited na siyang matapos ang kasal ang maging ganap na Mrs. Celine Figueroa ang babae. Kung puwede lang niyang pabilisin ang kasal ay ginawa na niya pero matiyaga siyang naghintay na matapos ang bawat bahagi ng kasal.
"Yael, do you accept Celine as your lawfully wedded wife, to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honor, comfort, and cherish her from this day forward, forsaking all others, keeping only unto her for as long as you both shall live?" Malakas na tanong ng officiating priest sa kasal nila ni Celine, noong dumating na sila sa puntong iyon.
"Yes, I do." Yael solemnly said and looked lovingly at Celines shining eyes. May namumuong luha sa mga mata nito. Tears of happiness for sure. Iyon din kasi ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. So much happiness that his chest might burst.
"Celine, do you accept Yael as your lawfully wedded husband, to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honor, follow, and cherish him from this day forward, forsaking all others, keeping only unto him for as long as you both shall live?" Baling ng pari kay Celine.
"I love you." Hindi niya maiwasang masabi sa babae habang ito naman ang tinanong ng pari.
"I do, too." Wika ni Celine sa paraang sinasagot nito ang tanong ng pari at sinasabi rin nito sa kaniyang mahal din siya nito.
Bahagyang ngumiti ang pari bago nito ipinagpatuloy ang kasal hanggang sa sandaling ideklara na sila nitong mag-asawa na at puwede na niyang halikan ang asawa niya. Mabilis niyang inangat ang belo ng babae at hinalikan ito sa labi kasabay ng palakpakan ng mga bisitang sumaksi sa kasalang iyon.

RANDY's Sweetheart 05: DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon