Part 1 - Holy Week / Outing

19.5K 428 24
                                    

Holy Week na, kaya paniguradong isang linggong walang pasok ang mga estudyante. Bago pa man dumating ang holy week ay nagplano na ang 29 na magkakaklase na magbabakasyon muna sila sa isang isla. May kaklase silang ang pangalan ay Martela, ang pamilya nya ay may-ari ng isang isla. Sinabi ni Martela na walang mga tao dun sa isla nila, at wala rin ang mga magulang nya dun ng isang linggo. Kaya paniguradong mageenjoy silang magbabarkada dahil sila lang ang tao sa pupuntahan nila. Nang nagsimula na ang holy week ay nag-impake na sila at nag-antayan sila sa iisang lugar hanggang sa makompleto na sila.

Martela's POV

Nandito na ko ngayon malapit sa sakayan ng mga barko. May sarili kaming barko at yun ang gagamitin naming magbabarkada papunta sa isla namin. Masasabi kong blessed ako kasi mayaman ang pamilya ko, pero kung konti lang kayo sa malaking bahay eh talagang malungkot.

Excited na ko dahil paniguradong magiging masaya ang linggo namin sa isla. Pero kahit na gusto ko nang pumunta doon ay di pa kami makakaalis dahil di pa kami kumpleto.

"Sino pa ba mga kulang?" Tanong ko sa aking mga kaklase na andun na at tinitignan ko kung sino ang mga wala pa.

"Ah hindi ko alam eh." Sabi ni Allyssa at tumingin tingin din

"Binilang ko tayo na nandito na, 25 na tayo. Ibig sabihin 4 nalang kulang." Sagot naman ni Allein.

"Wow Allein, talagang bilang na bilang mo ha." Pang-aasar ni Allyssa kay Allein.

"Napaghahalataang excited" sabi ni Edmar kay Allein.

"Eh kanina ko pa kasi gusto umalis, kaya lang ang tagal naman makumpleto, sino pa ba mga kulang?" Tanong ni Allein

"Si Dhey at Eric wala pa." wika ni Bryan

"Pati si Renz at Migs." Sabi naman ni Chen

"Si Renz paniguradong nawawala na naman yun" sabi ni Bianca

Dahil si Renz ay talagang maliligawin sa direksyon, at madalas ay sya ang nalalate sa mga gala namin. Sya lagi ang paVIP!

"O sige tatawagan ko nalang sila para makaalis na tayo agad." Sabi ni Ginelle.

"Naks Ginelle, andaming load!" Sabi ni Kimnel habang tumatawa.

"Ako pa! Eh lagi akong nakaunli!" Pagmamayabang ni Ginelle.

Hanggang sa dumating na si Dhey.

"Hay nako Dhey, bat antagal mo?" Tanong ni Kim.

"Alam mo naman, nagayos ayos pa ko, tas di ko kasi alam susuotin ko ngayon hehehe." Biro ni Dhey.

Si Dhey kasi eh yung taong gusto laging maayos lalo na pagdating sa mga picture

Renz' POV

Hala asan na ba ko? Naliligaw na naman yata ako. Lagot na naman ako nito kaila Bianca, aasarin na naman ako nun na lagi akong naliligaw. Baka mamaya ako nalang inaantay nila. Pero pano ko pupunta dun? Buti na lamang ay may nakita kong tindahan.

"Uhm ate, pwede po ba magtanong?"

"Ano yun iho?"

"Alam nyo ba kung saan yung mga sakayan ng barko na malapit dito?"

"Ahh dyan lang yun iho, dumaretsyo ka lang dyan sa daanan na yan, malapit na lang yan dito."

"ah sige salamat po"

Buti na lang alam ni ate kung saan yun. Kaya nagmadali ako, tinakbo ko na ang daan para mabilis makapunta dun. Hanggang sa nakarating na nga ako, at nakita ko si Eric na parang kararating lang din.

"Oh bat antagal mo din?" Tanong ni Luis kay Eric

"May nakita kasi ako na gamit ng pinsan ko, eh mukhang masayang laruin, kaya dinala ko. Humanap pa kasi ako ng medyo malaking bag kaya natagalan ako." Sabi ni Eric

"Anong laro?" Pagtatanong ni Luis

"Di sya talagang laro. Pero basta." Wika ni Eric

Wow naman, may pasuspense pa si Eric sa larong sinasabi nya, ayaw pa sabihin

"Kumpleto na ba tayo?" Dagdag nito

"Wala pa si Renz tsaka Migs" sagot ni Bianca

Hanggang sa nakita ako ni Carlo

"Oh ayan na pala si Renz eh" sigaw nito

"Hay nako Renz! Naligaw ka na naman noh?" Tanong ni Bianca na may halong pang-aasar.

"Oo. Sorry, atleast di ako yung huling dunating!" wika ko habang tumatawa

Third Person's POV

Pagkatapos dumating ni Renz ay saktong dumating na rin si Migs sakay ng isang sasakyan.

"Guys sorry natagalan ako." Sabi ni Migs

"Ok lang" sabi ni Martela

"Ang mahalaga eh nakapunta ka parin" dagdag ni Martela

"Syempre, basta gala, go lang ako" sagot ko sa kanya ni Migs

"Oh halika na sa barko" dagdag ni Martela at inaya na ang mga kaklase nya sa barko.

Dahil kumpleto na sila ay nagsakayan na silang lahat sa barko. Ang nagmamaneho ng barko ay tito ni Martela. Ihahatid lang sila nito sa isla pagkatapos ay aalis rin ito agad, pero babalik ito sa isla pagkatapos ng isang linggo para sunduin sila.

"Hay salamat paalis na tayo!" Sigaw ni Allein na mahahalata mong kanina pang atat na atat makaalis

"Oo nga, excited na rin ako!" Pagsangayon sa kanya ni GD.

Hanggang sa lahat sila ay nagsigawan dahil sa saya at dahil paniguradong excited na makarating sa isla

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon