Part 51 - Pinto

3.1K 91 7
                                    

Martela's POV

Nandito lang kami ni Luis sa kwarto. Ayokong sumama dahil sa inis ko sa aking Mommy. Di ako makapaniwalang magagawa nya ang bagay na yun. At nagawa nya pang magsinungaling sa amin. Sinabi nya nung una na nagpakamatay si Kylie. Yun pala ay sya ang pumatay kay Kylie. Kahit na galit ako sa kanya ay ayoko pa rin namang may mangyaring masama sa kanya. Dahil kahit anong mangyari ay Mommy ko sya. Sana ay matapos na nila to ng makaalis na kami ng ligtas sa islang ito.

"Okay ka na ba Martela?" Tanong sa akin ni Luis

"Oo" sagot ko sa kanya sabay punas sa luha ko.

Buti nalang ay natigil na ko sa pagiyak ko.

"Bakit nga pala naisip mo na magpaiwan din dito?" Tanong ko kay Luis

"Natatakot ka sumama sa gubat noh?" Tanong ko ulit

"Hindi ah!" Sagot nya

"Eh bakit nga?" Tanong ko

"Dahil totoo naman ang sabi ng Mommy mo na delikado lalo na kung maiiwan kang magisa" paliwanag nya

"Ahh" sabi ko

"Pero kasi medyo natatakot rin ako" sabi nya

"O tignan mo." Sabi ko

"Alam ko di natin masisiguradong ligtas tayo dito. Pero mas manganganib tayo pag andun tayo sa gubat" paliwanag nya

Nagulat kami ni Martela nang may marinig na isang malakas na kalabog.

"Ano yun?" Takot na tanong ni Luis

"Parang yung pinto sa baba" sagot ko

"Pero sino namang magsasara ng ganun kalakas ng pinto? Baka nandyan na si Kylie" takot na takot na pagkakasabi ni Luis

Hanggang sa napatingin kami sa pinto nang may marinig kami ditong sunod sunod na pagkatok.


Eric's POV

Nang tumakbo si Allyssa papalayo ay agad kaming tumakbo papalapit sa Mommy ni Martela. Pero sa kasamaang palad, ay patay na sya. Himala nalang kung buhay pa sya sa nangyari sa kanya. Inalis namin sya sa pagkakasaksak ng leeg nya sa sanga ng puno, at inihiga namin sya sa lupa.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Renz

Di ko alam kung ano ba ang dapat naming gawin. Masyadong malawak tong gubat na to. Maaaring maligaw kami dito lalo na kung di namin alam ang patutunguhan namin

"Kailangan na natin mahanap kung saan nakalibing ang bangkay ni Kylie" sabi sa amin ni Father

"Pero ang Mommy po ni Martela ang nakakaalam kung saan banda dito sa gubat nakalibing si Kylie." Sagot ko kay Father

"Basta ang natatandaan ko sa sinabi nya, nung nandun pa tayo sa kwarto, ay sa puno daw na nakabagsak at sa tapat ng malaking bato" paliwanag ni Renz

"Oo nga, pero ang tanong ay kung san natin yun hahanapin dito?" Sabi ko sa kanya

"Hindi ko rin alam, baka maligaw pa tayo dito" sagot ni Renz

"Delikado kung ganun" sabi ko

"Dapat ay subukan natin itong hanapin. At kung sakaling napapalayo na tayo ng sobra ay bumalik tayo sa bahay upang humingi ng tulong sa mga kaibigan nyo" sabi ni Father

Sumangayon naman kami kay Father. Pero bago kami umalis ay kinapa ko muna ang bulsa ng Mommy ni Martela. At meron akong nakuhang cellphone dito. Mapapakinabangan namin to dahil malapit ng magdilim. Paniguradong lalo kaming maliligaw kapag wala kaming gamit na liwanag sa paligid.

Pagkatapos ay nilibot na namin ang gubat dahil nagbabakasakaling mahanap namin ang malaking bato na yun, kung saan nakalibing malapit si Kylie.


Luis' POV

Napatingin kami ni Martela sa pinto dahil sa sunod sunod na pagkatok dito. Nagbalik muli ang kaba sa aking dibdib.

"Wag nating bubuksan" sabi agad ni Martela sa akin

"Kung sina Eric yan, panigurado magsasalita sila" dagdag nya

Tama si Martela, panigurado ay si Allyssa ang nasa labas ng kwarto. 

Hanggang sa may ilang pagkatok ulit kaming narinig at nakita namin yung doorknob na gumagalaw. Na para bang may nagtatangkang magbukas nito.

at hindi lang yun. Meron kaming naririnig na umiiyak sa labas ng kwarto.

"Sino yun?" Pagtataka ko

"Parang si Allyssa" sagot ni Martela at pinakinggan namin ng maigi yung boses

"Guys tulungan nyo ko!" Nagulat kami ng marinig ang mga salitang yan. Si Allyssa ay humihingi ng tulong sa amin

"Buksan nyo yung pinto" pagmamakawa ni Allyssa at naririnig namin syang umiiyak

Bakas sa mukha ni Martela na di nya rin alam kung dapat ba namin itong buksan.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko

"Paano kung patibong lang pala yan, inaantay nya tayong lumabas ng kwarto" natatakot na sabi ni Martela

"Yun din ang nasa isip ko, pero paano kung si Allyssa na talaga sya?" Tanong ko sa kanya

Hanggang sa sinabi ko kay Martela na sisilip ako sa labas ng pinto. Bubuksan ko lang ito ng kaunti para makasilip sa labas.

Kaya naman dahan dahan ko tong binuksan. Pero habang sumisilip ako ay wala akong makitang tao sa labas. Pagkatapos ay nilabas ko yung ulo ko sa pinto para mas makakita ng maayos sa labas, pero walang tao sa labas. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, wala naman si Allyssa. Hanggang sa pagtingala ko ay nakita ko syang nasa itaas at nakatingin lamang sakin. Dahil sa takot ko ay papasok na dapat ulit ako, pero ayaw bumukas ng pinto. Lalo itong humihigpit pasara.

"Ma...Martela tulungan mo ko!" Pagtataranta ko

Nararamdaman kong sinusubukan nya rin buksan yung pinto. Pero mas lalo itong humihigpit. Nasasakal ako sa paghigpit nito. At hindi ko magawang makahinga ng maayos. 


Martela's POV

Pilit kong hinahatak pabukas yung pinto pero ayaw nito bumukas. Nasasakal na si Luis dahil naiipit ang leeg nya sa pinto. Di ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ko. Lalo na nung bigla nalang bumukas na yung pinto at si Luis ay bumagsak sa sahig. Pagkatapos ay nakita ko si Allyssa na nakatayo sa labas ng pinto at nakatingin lang sa akin. May hawak syang kutsilyo kaya napaatras ako. At nagulat ako sa ginawa nya. Bigla nyang sinara ng napakalas yung pinto. Tumama yung pinto sa ulo ni Luis.

"Wagggg" sigaw ko dahil sa gulat

Dahil di ko inaasahan na gagawin nya yun. Tapos ay ginawa nya pa ulit ito. Ilang beses nyang binukas sara yung pinto at pinapatama nya ito sa ulo ni Luis. Nakita ko na marami ng dugo ang tumutulo sa ulo nya. Halos mawarak na ito. Pero di pa rin tumitigil si Allyssa.

Napapikit nalang ako dahil ayoko nang makita ang nangyayari. Habang nakapikit ako ay nawala na yung tunog ng pagbukas sara ng pinto. Hanggang sa pagdilat ko ay nagulat ako dahil nasa harap ko na sya.

-----------------------------------

Dead : 27

Carlo, Dennis, Kimnel, Chester, Micoy, Aljericho, Boboy, Ginelle, Lanz, Bryan, Jaianne, Mark, Jaymar, Migs, GD, Nicole, Angela, Keith, Edmar, Paulo, Chen, Monique, Allein, Dhey, Bianca, Kim, Luis

Alive : 4

Renz, Allyssa, Eric, Martela

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon