Paulo's POV
Lahat kami na nasa elevator ay natataranta sa loob dahil sa nangyari. Kitang kita namin ang pagkakaputol ng ulo ni GD. Nakita ko yung ibang mga kasama ko na naiiyak na sa takot. At yung iba ay di magawang tignan si GD.
May isa na namang namatay sa amin. Hanggang sa biglang bumukas na yung elevator sa 6th floor at may nurse na pasakay dito. Dahil sa nakita nyang dugo at putol na ulo ay napasigaw sya ng malakas. Ilang saglit lang ay naglapitan ang iba pang mga nurse pati na rin ang guard. Pinalabas nila kami sa elevator at kinausap tungkol sa nangyari.
"Anong nangyari dito?" Tanong nung guard
"Ayaw kami tigilan nung multo. Sya ang dahilan kung bakit naipit ang ulo ng kasama namin at naputol ang ulo nya" paliwanag ko
"Anong multo multo pinagsasabi nyo? Pwede ba tigilan nyo yang kalokohan nyo!" Sabi nung guard sa amin
"Pero totoo po! Isa isa nya kaming pinapatay!" Pagpupumilit ni Eric
"Alam nyo! Di totoo ang multo! Siguro kayo lang ang pumatay sa kasama nyo!" Hinala nung guard
"Hindi po!" Sagot ni Dhey
"Diba may cctv naman dito sa ospital na to. Bat di nyo tignan para makita nyo!" Sabi ni Keith sa guard
"Oo nga po. Para makita nyo na totoo ang sinasabi namin." Sabi ni Bianca
Sinama kami nung guard para makita ang cctv, ngunit nung papanoorin na namin ang nangyari ay di nakita si Kylie. Nakita lang na tumatakbo kami at nadapa si GD kaya naipit ang ulo nya sa elevator.
Kahit na di nya nakita si Kylie ay nakita nya naman na di kami ang may kasalanan kung bakit namatay si GD. Naawa yung guard sa amin. Sinabi nya na umuwi na kami dahil baka matrauma pa kami sa mga nangyari. At sila na daw ang bahala sa bangkay ni GD. Pero imbis na umuwi ay dumaretsyo kami sa 615.
"Oh buti andito na kayo." Sabi ni Edmar
"Bakit ganyan mga itsura nyo, anong nangyari?" Tanong ni Renz
"Patay na si GD!" Sagot ni Keith
"Ano!" Gulat nila
"Naipit yung ulo nya sa elevator, hanggang sa naputol ito" paliwanag ni Dhey at habang patuloy na tumutulo ang mga luha
"Si Migs din patay na!" Sabi naman ni Angela
"Kung ganun kailangan na natin makaalis dito, tara na" pagyaya ni Bianca
"Kahit san tayo pumunta susundan nya tayo!" Sabi ni Chen
"Kailangan matahimik na ang kaluluwa ni Kylie, ano ba ang dapat nating gawin?" Tanong ni Luis
"Isa lang ang naiisip ko" sabi ni Eric at lahat kami ay napatingin sa kanya
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya
"Kinakailangang bumalik tayo sa isla at tapusin ang spirit of the glass" sagot nya
Lahat kami ay napaisip sa sinabi ni Eric. Di naman pumasok sa isip namin dati na magspirit of the glass ulit dahil ang akala namin ay di na nagpaparamdam si KYLIE.
"Pero bakit kailangan sa isla pa?" Tanong ko
"Dahil dun unang ginamit ang ouija board at dun unang nagparamdam si KYLIE" paliwanag ni Nicole
"Pero teka, asan nga pala si Mark bat di nyo kasama?" Tanong ni Luis sa amin
"Pagdating namin sa bahay nila ay naabutan nalang namin na patay na sya!" Sagot ko kay Luis
Dahil dito ay mas lalo silang nangamba. Nagulat sina Allyssa dahil sila nalang ang di nakakaalam na patay na si Mark
"Kung ganun, ay kailangan na nating bumalik sa isla, ngayon na!" sabi ni Angela
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang