Part 5 - Simula Na

8.4K 229 8
                                    


Luis' POV

Lahat kami ay nasa kani kanila nang kwarto. Medyo kinakabahan at kinikilabutan pa kami sa mga nangyari. Kasama namin sa kwarto si Allyssa at Kim. Hanggang ngayon ay hindi parin sila nagigising.

"Bakit kailangan kasama natin yung dalawang nahimatay?" Tanong ni Martela na may halong biro

"Baka mamaya andito rin yung multo, kasama natin" sabi ni Eric

"Wag nga kayong magbiro ng ganyan" pagsita ko sa kanila

Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig manood ng horror movies pero takot na pagkatapos

"Uy si Luis, natatakot" pang-aasar ni Martela

"Luis sino yung nasa tabi mo?" Tanong ni Eric

"Putek tumigil nga kayo." Pagsita ko sa kanila dahil bumibilis yung tibok ng puso ko

"Tara na matulog na tayo" aya ni Martela.

Kaya natulog na kami. Isa lang ang kama sa bawat kwarto, pero malaki ito kaya kasya kaming lima.

*Day 2*

Nang nagising ako ay tulog pa rin sila,  si Martela palang ang gising. Nagkekwentuhan kami ni Martela tungkol sa nangyari kagabi ng biglang nagising si Allyssa.

"Anong nangyari?" tanong ni Allyssa na parang nagtataka

"Pano ko napunta dito sa kama?" Dagdag nito.

"Hinimitay ka kasi kagabi Allyssa, kaya binuhat ka nalang nila Mark papunta dito." paliwanag ni Martela

"Eh pano yung sa spirit of the glass? Natapos nyo ba?" Tanong nito na medyo nag-aalala

"Hindi eh, pero wag ka mag-alala wala namang mangyayaring masama sa atin" sabi ko sa kanya para kumalma sya

Hanggang sa ilang saglit lang ay nagising na rin si Eric at si Kim. Halata kay Kim na parang nagtataka rin sya kaya pinaliwanag din namin sa kanya lahat ng nangyari kagabi, pagkatapos ay nagsibabaan na kami dahil oras na para maglunch at tanghali na kami nagising.

Chester's POV

Nandito na kaming lahat sa baba at sabay sabay kumakain. Nagawa naming pagkasyahin ang sarili namin dahil medyo may kalakihan rin naman ang lamesa nila Martela. Habang kumakain ay di namin maiwasang mapagusapan ang nangyari kagabi

"Sigurado ba kayo na hindi tayo mumultuhin nung multo kagabi?" Tanong ni Micoy

"Hindi naman siguro" hinala ni Bryan

"Tsaka kung mumultuhin nya tayo, edi sana kagabi pa" dagdag ni Aljericho

"Alam nyo guys, wag nalang natin pag-usapan, kasi mas lalo lang tayong matatakot" sabi ni Jaianne

"Oo nga tama, kumain nalang tayo" sabi ko sa kanila

Ramdam ko sa iba sa kanila na natatakot parin sila sa mga maaaring mangyari, pero di nalang nila iniisip para mapakalma ang mga sarili nila. Matapos namin kumain ay kung ano anong paglilibang ang ginawa namin. Yung iba ay naglalaro ng monopoly, yung iba naman ay naglalaro ng Uno cards, at yung iba ay nanonood ng mga movies. Yun lang ang mga ginagawa namin hanggang sa nagdinner na kami. Pagkatapos magdinner ay niligpit na ang mga pinagkainan at mga ilang saglit lang ay nag-akyatan na rin kami sa aming mga kwarto dahil gusto na nilang matulog ng maaga.

Dhey's POV

Ilang oras na kong nakapikit dito sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Tinignan ko yung mga kasama ko at nakita kong tulog na tulog na sila. Kaya ang naisip ko nalang na gawin para antukin ako ay ang mag laro sa cellphone. Hinanap ko yung cellphone ko pero di ko mahanap. Patay! Naiwan ko yata sa baba yung cellphone ko. Si Bianca ang katabi ko kaya ginising ko sya.

"Bianca" sabi ko habang kinakalabit sya

"Bianca"

"Oh?" Tanong ni Bianca na medyo naiinis dahil nasira ang tulog nya

"Samahan mo ko sa baba, sige na pls" pagmamakaawa ko sa kanya

"Ikaw nalang, kaya mo na yan" sabi ni Bianca sabay natulog na ulit

Kaya wala na kong nagawa kundi ang bumaba mag isa. Paglabas ko ng kwarto ay madilim sa labas, kaya binuksan ko ang ilaw, pagkatapos ay bumaba na ko sa hagdan. Nagmamadali akong hanapin ang cellphone ko. Buti na lang ay nakita ko kaagad to.

Hanggang sa natakot ako dahil may narinig akong bumubulong sa tenga ko. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Magisa lang ako. Dahil dito ay napatakbo agad ako.

Pero nung paakyat na ko sa hagdan ay natapilok ako kaya napadapa ako sa bandang hagdan. At nung tatayo na ako ay nagulat ako dahil pagtingala ko, may taong nakatayo sa harap ko. Dahil dito ay napasigaw ako.

"Dhey bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Carlo

"Ay Carlo ikaw lang pala yan, akala ko kung sino na" sabi ko sa kanya, halata parin sa pagsasalita ko na kinakabahan ako.

"Bakit ka ba tumatakbo?" Tanong ni Carlo sakin

"Parang may narinig kasi ako, teka ano ba ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, nauuhaw kasi ako, pupunta kong kusina para uminom." Paliwanag nya sakin

"O sige na, pupunta na ko sa kwarto ko" paalam ko sa kanya

Hayy grabe, kaya ayoko magisa eh, kung ano ano naiisip at naririnig ko

Carlo's POV

Pumasok na si Dhey sa kwarto nya, ako naman pababa palang. Medyo natawa ako sa kanya kasi makikita mo sa itsura nya na takot na takot sya. Masyado kasi silang nagpapaniwala sa multo. Pagkatapos ay dumaretsyo na agad ako sa may kusina. Ang una kong kinuha ay ang baso, pagkatapos ay binuksan ko yung refrigerator para kuhain yung pitsel ng tubig.

Nanatili lang nakabukas yung pinto ng ref habang nilalagyan ko ng tubig yung baso. Nang mapuno ko na ang baso ay binalik ko na ang pitsel at sinarado ko na ang pinto ng ref. Pagkasarado ko ng pinto ay nagulat ako dahil may nakita akong babaeng nakatayo. Nakakatakot ang itsura nito. Dahil sa gulat ay nabitawan ko yung baso at ito ay nabasag.

Napatakbo ako sa pinto, lalabas dapat ako pero ayaw nito bumukas. Kaya kinalma ko nalang ang sarili ko at bumalik sa kusina. Wala na yung babae dun, ang ginawa ko ay kumuha ako ng kutsilyo.

Hanggang sa napatingin ako sa may bandang salamin, nakita ko na nasa likuran ko yung babae. Nakakatakot talaga ang itsura nito, kaya humarap ako patalikod, pero nawala na naman yung babae. Dahil dito ay nabitawan ko na yung kutsilyo dahil sa takot at tumakbo na ko papunta sa kwarto. Nang nakaakyat na ko sa hagdan ay nagulat nalang ako nang makaramdam ako ng tumusok sakin sa tyan

Bigla nalang ay may sumaksak sa akin. Nakita ko na ito ay yung babae. Pagtingin ko sa tyan ko ay may kutsilyong nakasaksak sakin. Yung kutsilyo na hawak ko kanina! Bigla akong nanghina at bumagsak ako at gumulong gumulong pababa sa hagdan.

-------------------------------------

Dead : 1

Carlo

Alive : 28

Bianca , Kim, Martela, Luis, Allyssa, Eric, Renz, Dennis, Dhey, Edmar, Lanz, Boboy, Kimnel, GD, Angela, Chen, Aljericho, Paulo, Keith, Allein, Jaymar, Jaianne, Chester, Ginelle, Bryan, Mark, Migs, Micoy

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon