Monique's POV
Lahat kami ay kanya kanyang isip ngayon kung ano ba ang gagawin namin, maaari kasing pare pareho kaming mamatay pag lumubog ang barko na sinasakyan namin.
"Ano nang gagawin natin?!" Pagtatarantang tanong ni Dhey
"Ayoko pang mamatay" sabi ni Angela na medyo naiiyak na
Mas mabuti ba kung tatalon nalang kami dito?? Kaso pano yung mga di marunong lumangoy
"May naisip akong paraan" sabi ni Chen
"Ano yun??" Tanong namin
"May mga life vest ba kayo Martela?" Tanong ni Chen kay Martela
"Oo meron" sagot nya
"Kuhain mo, kailangan natin yun, lalangoy nalang tayo papunta sa isla" paliwanag ni Chen
Pagkatapos ay umalis na si Martela kasama sina Paulo at Edmar para kuhain yung mga life vest na gagamitin namin
"Ano? Sigurado ka ba dyan?! Hindi ba delikado?!" Tanong ni Kim
"Bakit may naiisip ba kayong ibang paraan?" Tanong ni Chen
"Guys tama si Chen, wala na tayong iba pang magagawa" pag sang ayon ni Keith kay Chen
"Kim, mas delikado kung magiistay lang tayo dito sa barko." Sabi ko sa kanya
"Oo nga, wala ring mangyayari satin" pagsangayon ni Allein
"Pero pano si Allyssa, mahihirapan sya makalangoy" pagaalalang sabi ni Renz
At nung tinignan namin si Allyssa ay naiiyak na sya. Natatakot sya sa maaaring mangyari
"Iwan nyo nalang ako" biglang sabi nya
"Ha?? Sira ka na ba?? Bat ka naman namin iiwan dito" tanong ni Martela
"Magiging pabigat lang ako sa inyo, iligtas nyo nalang sarili nyo, kesa intindihin nyo pa ko" paliwanag nya
"Tumigil ka Allyssa!! Walang maiiwan dito!" Pagpigil sa kanya ni Bianca
"Magtutulong tulong tayo para kay Allyssa." Sabi ko sa kanila
"Pero paano?" Napapaisip na tanong ni Dhey
"Habang nakalife vest sya ay hahawak rin sya sa salbabida. Nang sa ganun ay mahahatak natin sya" paliwanag ni Chen
Maya maya pa ay dumating na sina Martela, Paulo at Edmar at dala dala na yung mga life vest. Kaya nagkanya kanyang suot na agad kami nito.
Chen's POV
Ito lang ang paraan para di kami mamatay. Kailangan ay lumangoy kami papunta sa isla. Tutal ay di naman na ganun kalayo yung isla. Sana ay makarating kaming lahat sa isla ng ligtas.
Pero bago kami magsimulang lumangoy ay kinakailangang masigurado muna namin na dala na namin ang lahat ng importanteng gamit.
Kaya kinausap ko si Eric dahil baka mamaya ay maiwan pa ang gagamitin namin para sa spirit of the glass
"Eric nakuha mo na ba yung ouija board?" Tanong ko
"Oo, pati yung glass andito na rin" sagot nya
At dinouble check pa yung bag na dala nya.
"Pero diba nabasag na yung glass na ginamit natin dati?" Tanong ko ulit
"Oo nabasag na, pero iba na tong glass na gagamitin natin. Nakuha ko rin to sa gamit ng mga pinsan ko. Pati holy water may dala rin ako." Paliwanag nya
"San ka nakakuha ng holy water?" Pagtataka ko
"Sa bahay, meron kami" sagot nya
Nang lahat kami ay nakapagsuot na ng life vest ay naghanda na kami para tumalon sa dagat.
"Tatalon ba talaga tayo?? Di ako marunong lumangoy!" Pagtatarantang sabi ni Kim
"Kaya kailangan ay may kasama tayo sa pagtalon natin. Yung mga di marunong lumangoy ay dapat tumabi sa mga marunong lumangoy." Paliwanag ko
"Tsaka di naman tayo lulubog kasi may mga life vest tayo eh" dagdag ni Martela
Marami sa amin ang marunong lumangoy. Konti lang ang hindi marunong. Pero tama nga si Martela, hindi naman kami lulubog dahil may mga life vest naman kaming suot.
Si Allyssa ay nakaakbay sa amin ni Paulo para di sya mahirapan sa pagtalon. Hanggang sa lahat kami ay tumalon na sa dagat. Si Allyssa lang dapat ang nakakapit sa salbabida pero dahil natataranta si Kim ay dalawa na sila ni Allyssa na nakahawak sa salbabida.
"Guys!!!" Pagtatarantang sigaw ni Kim
Nagtulong tulong nalang kami para mahatak sila, pati narin yung iba pa naming mga kaklase na di marunong lumangoy.
Mga ilang minuto din kaming lumangoy bago makarating sa isla. Buti nalang ay walang nangyari sa amin na masama. Pagdating sa isla ay napahiga muna ang marami sa amin bago pumasok sa bahay dahil sa pagod. Pero pagkatapos ng ilang minuto ay naghanda na kami para simulan na ulit ang spirit of the glass.
Bianca's POV
Kahit na basang basang pa kami ay pumasok na kami sa bahay para magspirit of the glass. Wala ng oras para magpahinga dahil kailangan na naming tapusin ang spirit of the glass. Tsaka yun naman talaga ang dahilan ng pagpunta namin dito eh.
Inalalayan nalang ni Paulo at Chen si Allyssa papasok sa bahay. Sa lamesa namin napagisipan mag spirit of the glass para di mahirapan si Allyssa sa sahig. Ang nakahawak ulit sa glass ay kaming pito nila Martela, Eric, Luis, Renz, Allyssa at Kim. Hanggang sa sinimulan na namin ang pag spirit of the glass.
"Tinatawagan namin ang ispirito ni KYLIE"
"Kung nandito ka, magparamdam ka"
Nung una ay ang tahimik lang at parang walang nangyayari, pero nagulat kami ng biglang kumalabog yung pintuan. Bigla itong bumukas at nagpatay sindi na ang mga ilaw.
"KYLIE, nandito ka na ba?"
"KYLIE, nandito ka na ba?"
Hanggang sa biglang gumalaw yung glass papunta sa Yes.
Pagkatapos ay nakaramdam kami na parang ang lamig lamig.
At napatingin kaming lahat kay Monique dahil sinabi nya na nakikita nya si KYLIE
"Ano? Asan?" Tanong ni Kim na halatang natatakot na
"Nasa pagitan ni.... Allyssa... at Kim" utal utal na sabi ni Monique
Dahil dito ay natakot kami, lalo na si Allyssa at Kim
"Wag natin syang pagusapan, nagagalit sya" sabi ni Monique
Kaya kahit na kinakabahan ay tinuloy na namin ang pagspirit of the glass
"Basta guys dapat walang magpapanic, tapusin nyo na yung spirit of the glass" sabi ni Monique
"KYLIE, gusto sana naming humingi ng tawad sayo dahil nagambala ka namin" sabi ni Martela
"Sana mapatawad mo kami sa pag gambala sayo at sana matahamik na ang kaluluwa mo" dagdag ni Eric
Pagkatapos ay ginalaw namin yung glass papunta sa GOOD BYE. At nanatili nang nakabukas yung mga ilaw.
"Tapos na ba yun?" Tanong ni Paulo na nakatingin kay Eric
"Hindi ko alam eh" sagot ni Eric
"Nakikita mo pa ba si KYLIE?" Tanong ko kay Monique
"Wala na sya" sagot ni Monique
"So ibig sabihin tapos na talaga?" Tanong ni Kim
"Siguro. Hindi ko rin alam" sabi ni Monique
Pagkatapos ay tinago na namin sa isang lugar yung ouija board pati yung glass.
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang