Part 36 - Papatayin???

3.3K 86 3
                                    

Renz' POV

Nagulat kaming lahat sa naisip ni Allein na papatayin si Kim. Ano bang tumatakbo sa utak nya ngayon at yun ang naisip nyang gawin. Panigurado ay dahil sa nangyari kay Monique

"Ano?! Seryoso ka ba sa naiiisip mo Allein?!" Gulat na tanong ko sa kanya

"Oo seryoso ako" sagot nya

"Bakit may naiisip ba kayong ibang paraan?" Tanong nya sa amin

"Gawin natin yung katulad ng ginawa ni Bianca kay Allyssa" sagot ni Luis

"Pero tama si Martela, konti nalang yung holy water natin. Paano kung sumapi pa ulit si KYLIE sa iba?" Pagaalala ni Eric

"Tsaka wala naman kayong naiisip na ibang paraan para matigil na talaga si KYLIE eh" sabi ni Allein

"Pero hindi naman pwedeng patayin nalang natin si Kim!" Galit na sabi ni Bianca

Hanggang sa lahat kami ay biglang napatingin kay Kim dahil bigla syang nagsalita ng iba parin ang boses

"Pag nakawala ako dito papatayin ko kayang lahat!" Sabi ni Kim habang nakangiti at nakatingin lang sa aming lahat. Ang creepy nung ngiti nya

Dahil dito ay kinilabutan kami sa sinabi nya

"Tignan nyo na! Papatayin nya tayo! Kaya dapat patayin na natin sya" Pagtatarantang sabi ni Allein

"Hindi! Hindi natin papatayin si Kim" pagkontra ni Martela kay Allein

"Pero pano kung eto lang ang paraan para matapos na talaga lahat ng to?" Tanong ni Allein

"Sa tingin ko ay papayag naman si Kim na maging sakripisyo sya para maligtas na tayong lahat" dagdag ni Allein

"Pero pano tayo nakakasiguradong eto ang paraan para matigil na si KYLIE?" Tanong ni Renz

"Oo nga, pano kung magpatuloy pa rin sya sa pagpapatay nya? Edi pinatay lang natin yung kaklase natin para sa wala" sabi ni Luis

"Pagisipan muna nating lahat to ng mabuti" sabi ni Eric

"Basta walang papatay kay Kim!" Desididong sabi ni Martela

Pero ano nga ba talaga ang plano namin, kung hindi nga papatayin si Kim, ano kaya ang pwedeng gawin para matigil na ang pagpapatay ni KYLIE. Kaya pati ako ay napapaisip sa sinabi ni Allein. Di ko alam kung tama ba talaga ang gagawin na yun pero wala rin naman kasi kaming ibang magagawa para mapatahamik na ang kaluluwa ni KYLIE.

Allein's POV

Nung una ay galit na galit ako kay Kim dahil pinatay nya si Monique. Pero nung nalaman kong si Kylie pala ay nakasapi sa kanya, naisip ko na wala namang kasalanan si Kim.

Pero naisip ko na baka ang paraan para matigil na si Kylie ay kung papatayin sya sa kung saan sya nakasapi ngayon. Di ko alam kung ito ba talaga ang paraan pero wala rin naman silang maisip na ibang gagawin. Alam kong walang papayag sa gusto ko dahil magsasakripisyo kami ng buhay ng isa sa mga kaklase namin. Ang buhay ni Kim.

Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin yung kutsilyo. Siguro ay papatayin ko nalang si Kim kapag nakakita ko ng tamang pagkakataon. Alam kong lahat sila ay magagalit sakin, pero kung maiiligtas ko naman ang buhay ko at ang buhay nila ay ayus lang sakin kahit kasuklaman nila ako.

"Allein, akin na yung kutsilyong hawak mo" utos ni Luis

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Baka kung anong gawin mo" paghihinala ni Martela

"Wag kayong magalala, di ko sasaksakin si Kim" mahinahong sabi ko sa kanila

"Siguraduhin mo lang" sabi ni Luis

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon