Kim's POV
Pagkagising ko ay nakita ko si Allyssa at si Bianca na tulog pa. At naisip ko na bumaba na ko. Kaya bumangon na ko at bumaba na.
Pagbaba ko ay nakita ko na meron ng nakahain na pagkain. Luncheon meat ulit. Sabi ni Allein na magkanya kanyang kuha nalang. Dahil nagugutom na ko ay kumain na ko. Pero dahil nga konti nalang ang mga de lata namin ay di ganun kadami ang kinain ko. Ayoko namang maubusan ng pagkain yung iba kong mga kasama.
Naisip ko si Allyssa na baka di na sya bumaba dahil mahihirapan lang sya. Kaya ako na ang kumuha ng kakainin nya at umakyat na ko sa kwarto namin. Pagakyat ko ay gising na si Allyssa pero nakahiga pa rin sya.
"Allyssa papatong ko nalang dito yung pagkain mo sa mesa ha." Sabi ko sa kanya
Sa bawat isang kwarto kasi ay may tatlong kama at sa gilid nito ay may mga malilit na lamesa. Dun ko nilagay ang pagkain ni Allyssa. Dati ay ay iisa lang ang kama sa bawat kwarto, siguro ay pinalitan ito ng magulang ni Martela. Pagkatapos ay ginising ko si Bianca at sinabi kong may pagkain na sa baba. Tapos ay lumabas na ulit ako ng kwarto at bumaba na sa living room.
"Gising na ba sina Bianca?" Tanong sakin ni Keith
"Oo gising na, sinabihan ko sya na bumaba na. At si Allyssa naman ay binigyan ko na ng pagkain sa loob" sagot ko kay Keith
"Sila Paulo, Chen at Angela? Tulog pa ba yung mga yun?" Tanong ni Monique
"Ewan ko, siguro" sagot ko sa kanya
"Gisingin nyo na nga at tanghali na. Baka maubusan pa sila ng pagkain dito." Utos ni Allein
Pero wala ni isa sa amin ang umaakyat para puntahan sila sa kwarto at gisingin
"Sige na nga, ako na nga aakyat para gisingin sila" Napilitang sabi ni Dhey pero pati ako ay sumama na rin sa kanya
Pagbukas naming ng pinto ay nakita namin na tulog pa nga sila.
Una naming ginising ay si Chen. Pagkatapos ay si Paulo. Pero bago sila magising ay nakailang tapik pa kami sa kanila.
"Gumising na kayo, tanghali na" sabi ni Dhey sa kanila.
Pagkatapos ay gigisingin na namin si Angela. Nakaharap sa gilid yung ulo nya kaya nung una ay di namin makita kung gising na ba sya, pero paglapit namin ay nakita namin na nakadilat sya, at parang di na sya humihinga. Dahil dito kaya tuluyan na kaming napasigaw ni Dhey ng malakas
Keith's POV
Dahil sa narinig naming sigaw nila Kim ay marami sa amin ang napatakbo sa taas para malaman kung anong nangyari sa kanila.
"Anong nangyari?!" Tarantang tanong ni Martela.
"Si Angela!!" Pagsisigaw ni Dhey na natatakot. At tinuturo turo yung katawan nya
Pagkatapos ay lumapit kami kay Angela at nakitang hindi na sya humihinga
"Pero anong nangyari?" tanong ko sa kanila.
"Hindi ko alam?!" sagot ni Paulo na natatakot dahil may namatay nanaman at kasama pa nila sa kwarto.
"Pero diba kayo ang kasama nya sa kwarto na to?!" Tanong ni Martela.
"Oo, pero di namin alam na may nangyari na sa kanya! Wala naman akong naramdaman kagabi." sagot ni Paulo. Halata sa mukha nyang ninenerbyos sya dahil sa mga nangyari.
"Ikaw ba?" Tanong ni Paulo kay Chen.
"Wala din akong naramdaman o kahit narinig manlang." Paliwanag ni Chen
Pagkatapos ay lumapit ako kay Angela. Nakita ko na wala syang kahit anong saksak. At nakita ko na namumula yung leeg nya na para bang sinakal ito. Naisip ko na maaaring yun ang kinamatay nya.
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang