Chen's POV
Pagbukas ng ilaw ay nakita nalang namin si Paulo na patay na. Dahil dito ay lalo na naman kaming pinangunahan ng takot.
"Paulo?!?!" Gulat na sigaw ng marami sa amin
Nakikita ko sa mga mukha nila na takot na takot na sila. Pati ako ay sobrang natatakot dahil konti nalang kaming natitira. Ano ba talaga ang dapat naming gawin para matigil na ang pagpapatay samin ni KYLIE. Natapos naman na namin yung spirit of the glass.
"Ano nang gagawin natin ngayon?!" Tarantang tanong ni Bianca
"Hindi nya tayo titigilan. Isa isa nya tayong papatayin!" Takot na sigaw ni Kim na ngayon ay umiiyak na
"Kinakailangan natin mahuli si Allyssa" sabi ko sa kanila
Pagkatapos ay nakita ko si Allein na pumasok ulit sa kwarto at kumuha ng kumot. Yun pala ay para ipangtakip nya sa bangkay ni Paulo.
"Ngayon palang ay kailangan na nating mahanap yung tali" sabi ni Allein pagkatapos takpan ng kumot yung bangkay ni Paulo
"Kung ganun, ay dapat pumunta na tayo sa 3rd floor. Walang maiiwan satin dito dahil hindi natin alam kung nasan si Allyssa" sabi ni Martela
"Oo tama, mas mabuti nang sama sama tayo para mabantayan natin ang isat isa" pagsangayon ni Eric kay Martela
Kaya kahit na namumugto pa ang mata ng iba sa amin dahil sa pagiyak sa pagkamatay ng isa na naman naming kaklase, ay nagakyatan na kami papunta sa 3rd floor.
Habang papaakyat ay tumitingin tingin kami sa paligid dahil hindi namin alam kung nasan si Allyssa. Halos lahat kami ay magkakadikit dahil sa takot na nararamdaman.
"Makakaligtas pa ba tayong lahat??" Problemadong tanong ni Luis
"Oo, makakaligtas tayo" sagot ko nalang sa kanya kahit na hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming mga natitira
Nang nakaakyat na kami sa 3rd floor ay nakita namin na parang wala naman si Allyssa dito. Kaya nagsimula na kaming isa isahin ang mga kwarto para maghanap ng mga bagay na pwede magamit para matali si Allyssa.
"Ano ba to Martela? Bakit andaming mga babasaging bote dito sa isang kwarto?" Tanong ni Bianca
"Di ko alam. Dyan siguro tinatambak nila mommy at daddy yung mga bote na nagagamit namin dati" paliwanag ni Martela
Pagkalipas ng ilang minutong paghahalungkat ay marami kaming nakitang tali.
"So ano nang balak nating gawin?" Pagtatakang tanong ni Renz
"Oo nga, pano natin sya matatali?" Tanong ni Monique na nagtataka rin
"Kailangan alerto kayo sa paligid" sabi ni Martela
"Basta pag nakakita kayo ng pagkakataon, itali nyo na agad sya" sabi ko
"Kailangan magtulong tulong tayo sa pagtali sa kanya dahil malakas sya" dagdag ko
Kim's POV
Pagkatapos mag usap usap ay bumaba na kaming lahat sa may bandang living room upang hanapin si Allyssa. Kinakailangan na namin mapaalis sa katawan nya si Kylie. Kahit na takot kaming lahat ay kailangan namin tong gawin.
Medyo naiinis na nga sila sakin dahil sa sobrang matatakutin ako na nawawalan na ko ng pagasa mabuhay pa.
Pagbaba namin sa living room ay nakita namin sya na nakatalikod.
"Si Allyssa" bulong ko sabay turo kung nasan sya
Nakita din naman sya nila Chen at dahan dahang naglakad papalapit sa kanya para matali sya. Pero nung malapit na syang matali nila Chen ay bigla nalang syang tumakbo.
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang