Part 54 - Wakas

3.7K 125 12
                                    

Martela's POV

Napasigaw ako dahil sa gulat ko nang biglang mabagsakan ng puno si Father. Pati ako ay muntik na nitong tamaan. Di ko alam ang gagawin ko. Kaya lumapit nalang ako kay Renz upang tignan kung buhay pa sya.

"Renz!!" Pagtawag ko sa kanya habang tinatapik tapik pa sya at inaalog. Pero hindi sya nagigising. Pero nakita ko naman na humihinga pa sya kaya alam kong buhay pa sya. Yung lupang nahukay ay nalalagyan na ng putik dahil sa lakas ng ulan.

"Kylie sana mapatawad mo kami dahil nagambala ka namin. At sana mapatawad mo na rin ang Mommy ko. At tulyan na sanang matahimik ang kaluluwa mo" paghingi ko ng tawad sa kanya

Pagkatapos ay binalik ko na lahat ng nahukay na lupa. Para muling matabunan ang bangkay nila Kylie. Kahit na medyo mahapdi pa ang kamay at braso ko ay ibinalik ko lahat ng lupa. Pagkatapos ay lumapit ako kay Renz, pati sya ay basang basa na ng ulan at nalalagyan na rin sya ng putik. 

Kaya naman iniupo ko sya at sinandal sa  may puno. Pagtingin ko sa paligid ko ay sobrang dilim talaga. Alam kong wala akong mapupuntahan dahil di ko makikita ang dadaanan ko. Kaya nanatili na lamang ako sa tabi ni Renz. Nakasandal din ako sa puno at nakapikit lang dahil sa takot. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Pagkadilat ko ay umaga na. Di ko alam kung anong oras na pero may liwanag na sa kapaligiran. Nakita ko si Renz na wala paring malay, hanggang sa naalala ko ang aking Mommy at naisip na balikan pa ulit sya. Nang nakita ko sya ay basang basa sya at may mga putik na rin. Alam kong patay na sya pero niyakap ko pa sya ulit sa huling pagkakataon. At nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

"Sorry Ma..." bigkas ko habang tuloy tuloy na tumutulo ang luha ko.

Matapos ko syang mayakap muli ay bumalik na ako kay Renz. Pero wala parin syang malay. Kaya inalog alog ko sya habang tinatawag ang pangalan nya. At natuwa ako ng bigla syang magkamalay.

"Anong nangyari?" pagtataka ni Renz

"Pinukpok ka ni Allyssa ng shovel sa ulo kagabi" sagot ko sa kanya

"Asan si Father?" Tanong nya

Hanggang sa sinabi ko sa kanya na patay na si Father.

"Ano?! Pati si Father?!" Gulat na tanong nya

"Oo. Nabagsakan sya ng puno" malungkot na sabi ko sabay turo sa may puno na nakabagsak.

"Pero teka lang, asan na si Allyssa?" Tanong nya

"Tsaka si Eric?" Dugtong nya

"Di ko rin alam eh" sagot ko sa kanya

Yun din ang pinagtataka ko. Nasaan kaya si Allyssa? Bakit bigla nalang syang nawala? Tsaka si Eric? Ano na kaya nangyari sa kanya? Pagkatapos ay niyaya ko si Renz na hanapin sila. Pagtingin ko kay Renz ay hinawak hawakan nya pa yung ulo nya, siguro ay masakit pa rin ito.

"Renz masakit pa ba?" Pagaalala ko

"Oo medyo masakit pa" sagot nya

Hanggang sa naisipan namin na hanapin sila. Maputik parin ang ibang nadadaanan namin. Ilang minuto na kaming naglalakad ng biglang makita namin si Allyssa. Pero sya ay walang malay

"All...." sisigaw ko dapat ang pangalan nya pero bigla akong pinigilan ni Renz

"Sandali" biglang pagtakip nya ng bibig ko

"Sigurado ka bang sya na yan at hindi si Kylie?" Tanong nya

"Siguro, dahil natapos naman ni Father yung sinasabi nyang dasal para matahimik na ang kaluluwa ni Kylie." Sagot ko sa kanya, at wala na syang nagawa nung lumapit na ko kay Allyssa

"Allyssa" pagtawag ko sa kanya, at ilang beses ko sya inalog bago sya magkaron ng malay

"Anong nangyari?" Tanong nya na parang walang kamalay malay

"Ikaw na ba talaga yan Allyssa?" Tanong ko

"Ha? Bat mo naman natanong yan? Syempre ako to" sagot nya na may pagtataka sa tanong ko

Nakahinga na kami ng maluwag nang malamang sya na nga talaga si Allyssa


Renz' POV

Nang malamang si Allyssa na nga sya ay kinwento namin sa kanya ang mga nangyari. Na sinapian ulit sya at namatay na rin sina Luis. Habang si Eric naman ay di namin alam kung nasaan. At muntik nang mapaluha si Martela ng mabanggit ang Mommy nya. Biglang naiyak si Allyssa marahil ay naisip nya na sya ang may kasalanan sa lahat

"Kasalanan ko kung bakit sila namatay" sabi ni Allyssa

"Ayan ka na  naman Allyssa! Tumigil ka! Wala kang kasalanan." sabi ni Martela

"Si Kylie ang may dahilan kung bakit sila namatay, hindi ikaw" dagdag ni Martela

"Guys kailangan na natin hanapin si Eric" pagyaya ko sa kanila

Pero nung tinutulungan na namin tumayo si Allyssa ay hindi sya makalakad. Kaya nasa gitna namin sya ni Martela upang matulungan sya. Hanggang sa may napuntahan kami na malapit na sa bangin. Pero nasan kaya si Eric?

"Baka nakabalik na si Eric sa bahay?" Tanong ko

Hanggang sa pagtingin namin sa ilalim ng bangin ay nakita namin si Eric, at pati sya ay patay na rin. Muli na namang napaiyak si Allyssa dahil may napatay na naman sya habang nasa katawan nya ang kaluluwa ni Kylie.

"Kailangan na nating umalis dito" sabi ni Allyssa habang humahagulgol

Kaya naman bumalik na kami. Medyo natagalan kami bago makabalik dahil mabagal lang ang paglakad namin dahil kay Allyssa. Maya maya pa ay nakita na namin yung barko na nandun pa rin. Di na kami nagisip pa at sumakay na agad kami sa barko. Pinaandar agad ito ni Martela at tuluyan na kaming nakaalis sa isla nila.

Sa isla kung saan ay dapat na magsasaya kami ngunit matinding takot ang dinulot sa amin.
Sa isla na inakalang paraiso, yun pala ay magiging isang bangungot.
At sa isla kung saan nasira ang buhay naming magkakaklase nang dahil sa SPIRIT OF THE GLASS.

-----------------------------------

Survivors : 3

Renz, Allyssa, Martela

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon