Part 15 - Isang Araw Nalang

4.4K 127 5
                                    

*Day 7*

Dhey's POV

Pagkagising na pagkagising ko ay nakita kong maliwanag na. Umaga na pala. Kaya nagdasal agad ako.

Nagpasalamat ako dahil hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. At dahil bukas ay alam kong darating na yung susundo sa amin. Matapos magdasal ay tumayo na agad ako at nakita ko rin naman na halos lahat ng mga kasama ay nagsipagtayuan na rin.

"Guys, makakaalis na tayo dito bukas" sabi ko sa kanila. Bakas sa mukha ko na medyo naeexcite na ko. Masaya ako dahil makakaalis na kami dito. Pero malungkot din naman ako dahil marami na sa amin ang nawalan ng buhay.

"Oo nga eh Dhey, konting tiis nalang" sabi ni Lanz

Kahit na di naman namin kaclose yung iba eh masakit parin makita na may mawala sa kakilala mo. Lalo na eh kung makikita mo pa ng harap harapan

Pagkatapos ay sabay sabay na kaming nag lunch. Pagkatapos kumain ay naisipan naming magimpake na. Sama sama kaming lahat na umakyat sa 2nd floor para kuhain ang iba pa sa mga gamit namin. Inayos na agad namin lahat ng gamit na dadalhin para handa na kaming umalis pagdating ng susundo sa amin bukas. Nang naayos na ang mga dadalhin namin ay binaba na agad namin ito at nilagay namin lahat sa iisang lugar.

"Anong oras ba tayo susunduin dito bukas?" Tanong ni Angela

"Umaga" sagot ni Martela

"Siguro mga 9 andito na yun" dagdag ni Martela

"Buti nalang makakaalis na rin tayo dito" sabi ni Bryan

"Paniguradong ligtas na tayo nun" sabi ni Chen

"Kaya bago dumating ang susundo sa atin ay kailangan doble ang pagiingat natin" sabi ni Edmar

"Oo nga tama si Edmar" pag sangayon ni Jaianne

Kaya wala na sa amin ang humihiwalay. Maliban nalang kung mag ccr. Pero pag nagccr kami ay sinisigurado naming may kasama kami. Kung ano ano nalang ang ginagawa namin para malibang. Hanggang sa nag gabi na. Ilang oras nalang ay darating na ang susundo sa amin. Kaya inagahan namin ang pagkain ng dinner para maaga kaming makatulog. Dahil gustong gusto na talaga namin makauwi. Hanggang sa ilang saglit lang ay nakita kong marami na sa amin ang natutulog. Kaya pati ako ay natulog na rin.

Lanz POV

Halos tulog na lahat ng mga kasama ko. Ako naman ay ilang minuto nang nakadilat. Di ako makatulog. Buti ay nagagawa parin nilang makatulog pagkatapos ng kahat ng nangyari s amin. Kasi ako ay di talaga makatulog dahil sa mga gumugulo sa isip ko

Hanggang sa nakaramdam nalang bigla ako na sumakit yung tyan ko. Di ko alam kung dahil ba sa kinain ko o talagang sumasakit lang ito. Naisip ko na baka naccr lang ako, kaya naisip ko na pumunta sa banyo.

"Tae! Ba't naman ngayon pa ko magkakaganto" pagangal ko sa sarili

Pero natatakot ako pumunta magisa dahil baka nga may mangyaring masama sakin. Baka mamaya patayin pa ako ni KYLIE. Kaya tinignan ko kung sino mga gising pa. Nakita ko na si Jaymar at Mark ay gising pa. Kaya nagpasama ako sa kanila.

"Jaymar, Mark" pagtawag ko sa kanila

"Oh? Bakit?" Pagtataka nila at napatingin sakin

"Samahan nyo naman ako" pakiusap ko sa kanila

"Saan?" Tanong ni Jaymar

"Sa Cr, aantayin nyo lang naman ako sa labas ng pinto" sagot ko

"Dudumi ka noh?" Tanong ni Mark

"Di ko rin alam eh, talagang ang sakit lang ng tyan ko" paliwanag ko

Pumayag naman sila na samahan ako kaya pagkapunta dun ay pumasok na ako sa loob habang sila ay nasa labas. Pero ilang minuto na kong nasa cr, parang di naman yata ako nadudumi.

"Hayyy, sobrang sakit lang talaga ng tyan ko!"

Kaya nagayos na ko ng suot ko at lalabas na dapat. Pero paglapit ko sa pintuan ay ayaw nitong bumukas

"Huyy!! Wag kayong nagbibiro ng ganyan! Buksan nyo to!" Sigaw ko kay Jaymar at Mark

Kung nagbibiro man sila ay hindi nakakatawa. Pero naisip ko na mas mabuti ng nagloloko lang sila kaysa totoo talagang nalock na ako dito.

Mark's POV

Nagulat kami sa sinabi ni Lanz na buksan daw namin ang pinto. Eh hindi naman namin hawak hawak yung pinto.

"Hindi namin hawak yung pinto" sigaw ni Jaymar

"Tsaka ikaw lang ang makakapaglock nyan kasi ikaw yung nasa loob" paliwanag ko

"Pero ayaw bumukas ng pinto. Hindi naman naka lock" rinig naming sigaw ni Lanz

Kaya sinubukan namin ni Jaymar na buksan yung pinto pero ayaw talaga nya bumukas. Kaya ang naisip ko ay sirain nalang ito. Pero ilang saglit lang ay nagulat nalang kami ni Jaymar ng biglang may tumunog sa loob ng banyo na para bang may nabasag.

Lanz' POV

Nang ayaw talaga bumukas ng pinto ay kinakabahan na ko. Totoo ba tong nangyayari sakin? O nananaginip lang ako. Lumapit ako sa may gripo at naghilamos. Pilit kong ginigising ang sarili ko dahil baka sakaling nananaginip lamang ako.

May malaking salamin sa banyo. Kinakausap ko na ang sarili ko sa salamin na sana ay panaginip lang ito. Natatakot na ko dahil maaaring ako na yung sunod na patayin ni Kylie. Ayoko pang mamatay. Naiiyak nalang ako dahil sa takot. Hanggang sa pagtingin ko sa salamin ay nakita ko si Kylie na nasa likuran ko.

Kaya napaharap agad ako sa likod ko. Pero paglingon ko ay wala naman sya. Kaya humarap ulit ako sa salamin. Pero pagharap ko sa salamin ay nakita ko na naman sya na nasa likod ko na ulit at bigla nalang nyang hinampas yung mukha ko sa salamin.

Sobrang lakas ng pagkakahampas ng muka ko sa sahig. Dahil dito ay nabasag ang salamin at bumagsak ako sa sahig. Nagkaron rin ng bubog ang mukha ko at nararamdaman ko ang mga dugong tumutulo sa mukha ko. Nahihilo ako dahil sa pagkakatama ng ulo ko.

Parang nanghina ako nung mga oras na yun at di ako makatayo. Pagkatapos ay unti unting lumalapit si Kylie habang may hawak hawak syang bubog mula sa salamin na mahaba at matulis.

"Wa.....waaaag"

Jaymar's POV

Nang narinig namin na may nabasag sa loob ay sinisigaw namin ang pangalan nya at tinatanong kung anong nangyayari. Pero di sya sumasagot. Kaya tumakbo kami papunta sa mga kasama naming natutulog at ginising namin sila.

"Guys, gumising kayo!" sigaw ko sa kanila

"Bakit? Anong meron?" Tanong ni GD

"Wag nyo sabihing may namatay na naman?!!" Pagtataranta ni Dhey

"Wala! Pero baka may mangyari kay Lanz!" Sagot ko

"Si Lanz ay nasa loob ng banyo. Parang may nangyayari na sa loob. Tsaka di namin mabuksan yung pinto" sabi ni Mark

"Dali puntahan na natin sya" sabi ni Keith

Kaya pumunta na agad kami sa banyo. Pero ayaw pa rin mabuksan ng pinto at di pa rin sya sumasagot. Kaya napagdesisyunan namin na sirain na talaga yung pintuan. Sabay sabay naming tinutulak ang pinto para bumukas ito. At sinisipa rin namin ng malakas yung pintuan. Pati katawan namin ay ginagamit na rin namin pangtulak mabuksan lang ang pintuan.

at nang bumukas na ang pintuan ay nakapasok na kami sa banyo. Marami sa amin ang napasigaw dahil sa gulat sa nakita namin, lalo na yung mga babae.

"Bakit kailangang mangyari to satin?!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Kim

Nakita namin si Lanz na nakahiga at wala ng pagasang buhay pa sya dahil sa lagay ng itsura nya.

Sya ay nasa sahig at puro dugo at bubog ang mukha nya. Pagkatapos ay may matulis na bubog mula sa salamin na nakatusok sa leeg nya.

-----------------------------------

Dead : 9

Carlo, Dennis, Kimnel, Chester, Micoy, Aljericho, Boboy, Ginelle, Lanz

Alive : 20

Bianca , Kim, Martela, Luis, Allyssa, Eric, Renz, Dhey, Edmar, GD, Angela, Chen, Paulo, Keith, Allein, Jaymar, Jaianne, Bryan, Mark, Migs

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon