Part 24 - Elevator

3.7K 95 4
                                    

Allyssa's POV

Pagkagising ko ay di ko alam kung nasaan ako. Pero parang nasa ospital ako. Asan kaya sila mommy?

At naalala ko yung nangyari sakin. Nalaglag ako sa hagdanan dahil kay Kylie!! Di pa rin sya natatahimik!

Hanggang sa biglang nagpatay bukas yung mga ilaw. Natakot ako dahil mukhang andito na naman si KYLIE. Sinubukan kong tumayo pero ang sakit ng paa ko. Napilayan yata ako dahil sa pagkakabagsak ko sa hagdan. Hanggang sa napasigaw nalang ako ng malakas dahil biglang bumukas yung pinto at may pumasok sa loob ng kwarto.

Luis' POV

Biglang tumigil yung elevator at patay ang mga ilaw. Sobrang dilim sa loob. Ayoko namang buksan ang cellphone ko para gamiting pang ilaw dahil baka matakot ako pag nakita kong nandito sa loob si KYLIE. Pumikit nalang ako at pinagsiksikan ko ang sarili ko sa sulok. Pinagpipipindot ko lahat ng button sa elevator.

Hanggang sa biglang umandar na yung elevator pababa at bumukas na rin ang ilaw. Dahil dito ay nakahinga na ko ng maluwag. Hanggang sa pagbukas ng elevator ay napasigaw ako dahil nagulat ako sa nakita ko.

Allyssa's POV

Napasigaw ako dahil sa takot. Pero nung pumasok na sya ay si Kim lang pala ito.

Nakita ko syang parang takot na takot at sinara nya agad yung pinto pagkatapos ay nilock nya ito.

"Bakit anong nangyayari?!" Tanong ko sa kanya

"Nandito si KYLIE! Pinatay nya si Migs!" Sagot nya sakin, halata sa kanya na natatakot pa rin sya

"Kailangan na natin umalis dito" pag aya nya

"Pero di ko kaya! Napilay yung paa ko" paliwanag ko sa kanya

"Kung ganun, kailangan antayin nalang muna natin makarating dito yung mga kaklase natin" sabi nya

"Lahat sila pupunta dito? Bakit?" Tanong ko

"Oo, dahil mas hindi tayo ligtas pag hiwa hiwalay tayo. Tsaka patay na rin si Jaymar!" Paliwanag nya

Di ako makapaniwalang isa isa na naman kaming pinapatay ni KYLIE. Pero nasabi ko nalang sa sarili ko na maswerte ako dahil di pa ko namatay nung nalaglag ako sa hagdanan. Hanggang sa biglang nagpatay bukas na naman ang mga ilaw. At yung kamang hinihigaan ko ay gumagalaw. Takot na takot kami ni Kim at di namin alam ang gagawin.

"Tulong!!" Pagsisisigaw ko

Hanggang sa nakita ko nalang si Kim na bumagsak sa sahig.

"Kim!!" Pagsigaw ko sa kanya

Pero di sya gumagalaw. Di ko rin naman sya malapitan dahil di ako makatayo. Hanggang sa biglang tumigil na ang pag uga ng kama ko at nanatili nalang na nakabukas ang ilaw. Tinatawag ko si Kim pero parang wala syang malay.

Luis' POV

Siguro ay kung ano ano ang naiisip ko habang nasa loob ng elevator. Sa sobrang takot ko ay napasigaw ako nung may nakita akong papasok sa elevator. Yun pala ay sina Martela na ito. Siguro ay nagulat si Martela sa sigaw ko kaya nasampal nya ako.

"Aray!" Gulat na sigaw ko

"Ay sorry. Ginulat mo ko eh. Kala ko si Kylie ka na eh." Paliwanag nya

"Mukha ba kong multo?" Tanong ko sa kanya

"Tara na sa taas dali! Baka kung ano na nangyayari kaila Allyssa" sabi ni Monique

Hanggang sa pumasok na kaming lahat nila Martela, Renz, Edmar, Chen, Allein, Nicole, Monique at Angela sa elevator

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon