Martela's POV
Andito kami ngayon ni Eric at Luis sa labas ng bahay. Di namin alam kung ano na ang nangyari kay Bianca at kung nasan na si Kim. Sana ay ligtas si Bianca. Kung ano anong paraan na ang ginawa namin para mabuksan ang pinto ngunit ayaw talaga nito bumukas. Ganun din ang ibang bintana na kaya naming abutin.
"Wala tayong magawa para matulungan si Bianca sa loob" malungkot na sabi ni Eric
Labis ang pagaalala naming tatlo dahil di namin alam kung ano na ang nangyayari sa loob. Di kami mapakali dahil baka mamaya ay kung ano na ang ginawa ni Kim kay Bianca.
"San na tayo pupunta?" Tanong ni Luis
"Wala naman tayong ibang mapupuntahan eh" sagot ni Eric
"Oo nga, tsaka wala tayong magagawa sa ngayon, kaya magaantay lang tayo dito sa labas." Sagot ko sa kanila
Pero mga ilang minuto na kaming nagaantay sa labas, di parin bumubukas ang pinto. At wala kaming naririnig na kahit anong ingay mula sa loob ng bahay. Nasan na kaya si Bianca at si Kim?
Makalipas ang ilang oras ay ayaw parin bumukas ng pinto. At wala paring dumarating na barko. Sana ay dumating na ang barko habang nandirito kami sa labas. Medyo pipikit pikit na sila Luis dahil sa antok at ilang oras na kaming nakaupo kakaantay sa barko.
"Hanggang kailan kaya tayo mananatili sa isla na to?" Malungkot na tanong ni Eric
"Sana makaalis pa tayo dito ng buhay" dagdag nya
Matapos ang ilang minuto ay napaluha ako sa tuwa sa aking nakita
"May paparating na barko!" Sabi ko sabay turo kung nasan yung barko at napatayo ako sa tuwa
Sa sobrang tuwa ko ay gusto kong tumalon. Nakita ko sa itsura ni Eric at Luis ang saya na nadarama nila.
"Sa wakas!" Sigaw ni Luis
"Lumapit na tayo, dahil baka mamaya ay bigla pang dumating si Kim" sabi ni Eric
Kaya pagkalapit nung barko sa isla ay naglapitan na rin agad kami. At nakita ko agad ang aking Mommy. Pero bago ko pa man siya pababain, ay sinabi ko na aakyat nalang kaming tatlo sa barko. Dahil delikado kung pabababain ko pa sya at di naman namin alam kung nasan na si Kim.
Pagsakay namin sa barko ay napayakap ako bigla kay mommy at nagsimula magtuloy tuloy ang aking pagiyak habang nakayakap sa kanya. Hanggang sa nagulat ako nang makitang may Pari rin sa barko. pero bakit kaya may kasama syang Pari? Napansin ko kaila Luis at Eric na nagtataka rin sila. Alam ba ni mommy na hanggang ngayon ay di parin kami tinitigilan ni Kylie? pagkabitaw ko sa pagkakayakap kay Mommy ay agad ko syang tinanong
"Mommy bakit may kasama kang Pari?" Pagtataka ko pero patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko
"Anak may kailangan kang malaman" wika ni Mommy
Bakas sa mukha ni Mommy ang takot at kaba. Pati kami ay kinabahan sa sinabi ni Mommy, lalong lalo na ako. Mukhang seryoso sya sa kanyang sasabihin
"Ano yun Mommy?" Agad kong tanong sa kanya
"Sa tingin ko ay ako ang dahilan kung bakit nagmumulto si Kylie" sabi ni Mommy
Dahil dito ay nagulat kaming tatlo nila Eric. Pero bakit nya naman nasabi na sya ang may dahilan? Ni hindi nya nga kilala si Kylie? Si Eric at Luis ay nakatingin lamang at walang imik
"Anong ibig mong sabihin Mommy?" Tanong ko ulit sa kanya
"Ni hindi mo nga kilala si Kylie?" Dagdag ko
Hanggang sa bigla nalang lumuha na rin si Mommy, pero hindi ko alam kung bakit
"Ako ang dahilan kung bakit sya namatay!" Sabi niya
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang