Kimnel's POV
Hay salamat at nakumpleto na kami. Isa ako sa mga naunang dumating, kasama yung mga bestfriend ko na sina Carlo at Dennis. Magkakalapit lang bahay naming tatlo kaya talagang close na kami sa isa't isa.
Mula bata kasi ay nakakasama ko na sila kaya para ko na silang mga kapatid.
Sa totoo lang ay naiinip na rin ako katulad nung iba dahil nga aga namin. Pero yung iba kasi ay mga pa-VIP, filipino time kumilos. Pero ayus na kasi makakaalis na kami.
Nandito na kami ngayon sa barko nila Martela. Grabe ang laki, kasya talaga kaming lahat dito, tapos may mga kwarto pa, pwedeng matulog hangga't wala pa kami sa isla nila. Pero dapat malaman ko muna kung ilang oras ba yung byahe
"Martela, ilang oras byahe papunta sa inyo?" Pagtataka ko
"Uhm, mga dalawang oras yata, di ko sure. Ang tagal ko na kasing di nakakapunta dun eh." Sagot ni Martela
"Ah sige sige, pwede ba pagamit muna ng isang kwarto? makikitulog muna ko" paalam ko sa kanya
Dahil ang aga aga kong gumising para dito, at hindi rin ako masyado nakatulog kagabi kasi excited ako
"Ano ka ba? Syempre pwede naman. Samin naman to tsaka marami namang kwarto dyan. Kaya nga barko namin ginamit natin eh" sabi ni Martela habang nakangiti
"Ah sige salamat" sabi ko naman
Kaya pinuntahan ko sila Dennis at Carlo, inaya ko silang magpahinga muna.
"Oy tara magpahinga muna tayo sa kwarto" sabi ko sa dalawa
"Pwede ba?" Tanong ni Carlo
"Nagpaalam ka ba kay Martela?" dugtong ni Dennis
"Oo nagpaalam ako, pwede daw" sagot ko sa kanila
Kaya pumunta na kami sa isang kwarto dun, tapos malaki ang kama at kasya ang tatlo dun
"Wow ang ganda" pagpuri ni Dennis
"First time kong makasakay sa barko" tuwang sabi ni Dennis
"Ako din naman eh" sabi ko
"O halika na matulog na tayo" pagaya ni Carlo na paniguradong inaantok rin
Kaya humiga na kaming tatlo sa kama at natulog na.
Bianca's POV
Ilang oras nalang makakarating na kami sa isla nila Martela, kaya lang wala masyadong magawa dito sa barko, kasi halos lahat sila nagpapahinga sa mga kwarto. Aakyat na nga lang ako sa taas ng barko, para makita ko yung dagat at yung byahe.
Pero pagkalabas ko ay nakita ko na andun sina Luis, Allein at Jaianne. Punta na nga lang ako sa kanila para may makausap ako.
"Uy guys!" Pagtawag ko sa kanila
"Uy Bianca" sabi ni Jaianne
"Hi jayan!" Pagtawag ko sa kanya
"Anong jayan ka na naman dyan?! Jane nga ako Jane" pagloloko ni Jaianne
"Bakit ka lumabas Bianca?" tanong naman ni Allein at Luis
"Wala lang, wala kasi ako magawa, di naman ako inaantok, kaya dito nalang din ako sa inyo." Sabi ko sa kanila
"Mas maganda nga dito nalang eh, ang sarap kaya ng hangin" sabi ni Allein
"Masarap ba? Anong lasa?" Pangaasar ni Luis
"Siraulo" bigkas ni Allein
Pagkatapos ay natawa kami sa sinabi ni Allein
"Allein bat ang hilig mo magmura?" Tanong ni Jaianne
"Mura na ba yun?" Tanong ni Allein
"Nako Jaianne, ganyan talaga yan, masasanay ka rin" sabi ko kay Jaianne at nagtawanan ulit kami.
Dahil si Allein kasi ay madalas magsabi ng mga bad words. Pero kahit ganun ay mabait naman sya at masaya kasama
Maya maya pa ay may natatanaw na kaming isla, sabi ni Luis ay tawagin ko daw si Martela at itanong ko kung yun na ba yung isla nila. Pero sa tingin ko ay yun na nga yun. Grabe ang laki sobra. Kaya hinanap ko na si Martela, ang huling sinabi nya kasi sakin ay magccr lang daw sya, kaya sa cr ako unang pumunta. Pagbukas ko ng pinto ay di naman ito nakalock at nakita ko sa loob sina Martela at Dhey.
"Anong ginagawa nyo dito?" Pagtataka ko
"Eto kasing si Dhey nagpapatulong, ano daw magandang damit ang suotin" sagot ni Martela
"Bakit Dhey?? Ano nangyari sa suot mo kanina?" Tanong ko sa kanya
"Hay nako, ewan ko ba dyan palit ng palit ng damit" sabi ni Martela na may halong pangaasar
"Eh syempre alam nyo naman, dapat maganda ang mga suot pag nagpicture picture. Dapat maraming outfit" natatawang sabi ni Dhey
"Hay nako yun lang pala" sabi ni Martela
Hayyy, as usual. Ganyan talaga si Dhey. Tapos ay napansin ko yung suot na necklace ni Dhey. Ang ganda. Hingin ko kaya?
"Totoong silver yang necklace mo Dhey?" Pagtataka ko
"Of course, bigay to sakin ng papa ko" sagot nya
Ayy sayang, bigay pala sa kanya ng papa nya. So may sentimental value. Hindi ko mahihinga sa kanya
Tapos ay naalala ko yung isla nila Martela
"Nga pala Martela, tatanong ko lang kung yung islang nakita namin ay yun na ba yung isla nyo?" Tanong ko kay Martela
"O sige wait lang, lalabas na rin ako titignan ko. Maiwan ka na muna magisa dyan Dhey" sabi ni Martela
"Huyy sandale, anong mas magandang suot dito??" Tanong nya pero umalis na kami
Kaya lumabas na kami dun at tinuro ko sa kanya yung isla, medyo malapit na kami kung yun nga yun.
"Ah oo yan nga yan" sabi ni Martela
Pagkatapos ay lumapit si Martela malapit sa tito nya, may mic pala sa tabi nito at maririnig ang mga sasabihin nya dito sa buong barko, dahil sa bawat kwarto ay may speaker na nakalagay.
"Guys, magsigising na kayo at magayos-ayos na kayo ng gamit nyo, nandito na tayo."
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang