Nicole's POV
Buti nalang at nagbell na. Kanina pa ko gutom na gutom kaya lang andaming pang tinuturo ng prof namin.
Sa totoo lang ay naiisip ko rin ang naiisip ni Eric. Na posible ngang sinundan kami nung multong nagambala nila. Dahil hindi naman porket sa isla lang sila nag spirit of the glass eh sa isla lang silang pwedeng gambalain nung multo. At ang isa pang dahilan eh hindi nila natapos yung spirit of the glass
Pero ayoko nalang ding pagusapan dahil baka nga mali kami ni John at baka lalo namin silang matakot.
Dahil nagbell na ay lumabas na kami sa klasrum at pumunta na kami sa canteen. Ang mga kasabay kong kumain ay sina Bianca, Luis, Eric at Chen. Pagdating sa canteen ay bumili na agad kami ng mga kakainin namin.
"Oh Eric bakit fries lang kakain mo?" Pagtataka ni Luis
"Eh wala kong gustong ulam eh" sagot ni Eric
Dahil sa aming lahat ay isa si Eric sa maseselan sa pagkain at hindi masyado nagkakakain ng gulay
"Andami namang pagpipilian ha?" Sabi ni Bianca
"eh halos puro gulay eh. Si Dhey ang mahilig sa gulay, hindi ako" sagot ni Eric
"Di mo gayahin si Bianca, kahit ano kinakain" biro ko sa kanya
Dahil kahit ano naman talaga ay gusto ni Bianca, parang wala syang inaayawang pagkain.
"Oo nga" Pagsang ayon ni Bianca at nakangiti pa
"Magbaon ka nalang lagi katulad ko" payo ni Luis kay Eric
"Okay na ko sa fries" sabi ni Eric sa amin
"O sige bahala ka, basta kami kakain lang kami ng kakain" sabi ko sa kanya
GD's POV
Nandito ako sa library ngayon, kakatapos ko lang kumain. Kasama ko si Jaymar sa library dahil may ginagawa kaming thesis. Kaming dalawa ang magkagrupo.
"Kailan ba natin ipapasa to?" Tanong ni Jaymar
"Next week pa naman, pero mas maganda kung masimulan na natin" sagot ko sa kanya
"O sige pupunta lang ako sa computer lab, magreresearch ako" pagpapaalam nya
"Sige, ako na bahala gumawa ng mga itatanong sa mga isusurvey natin" sabi ko sa kanya
Nang natapos ko nang gawin ang iba sa mga kailangan para sa thesis ay saktong nagbell na. Kaya bumalik na agad ako sa klasrum namin para sa next subject namin na Math. Pagpasok ko sa klasrum ay nakita ko yung mga kaklase ko na nagaaral, meron nga pala kaming quiz sa math ngayon, kaya nilabas ko agad yung notebook ko at nagsimulang magaral.
"Uy may notes ka ba sa math? Patingin naman" sabi ni Bianca kay Luis
"Mamaya, nag-aaral ako eh" sagot ni Luis at pilit nagkakabisado ng formula
"Si Allyssa may notes yan, ay picture pala. Tamad magsulat yan eh" pangaasar ni Chen
"E diba bawal ang magpicture ng lecture?" Tanong ni Martela
"Hala ka Allyssa, susumbong ka namin" sabi ni Paulo na nangaasar rin
"Uy ganyan kayo! Wag nyo ko susumbong" pagmamakaawa ni Allyssa at nagtawanan kaming lahat na nasa klasrum
"Basta guys teamwork ha!" Bulong ko sa kanila
"Huy pakopyahin nyo ko, babagsak ako!" Sabi ni Eric
"Naku Eric! Narinig ko na yan! Di ka naman bumabagsak" sabi ni Martela at nagtawanan ulit kaming mga nasa klasrum
"Basta Keith ikaw na bahala sa amin" sabi ni Angela
"Oo nga, ikaw yung sobrang matalino sa math dito eh" pagsang ayon ni Kim
"Ge akong bahala sa inyo" sabi ni Keith
"Allowed ba gumamit ng calcu?" Tanong ni Dhey
"Oo yata" sagot ni Migs
"Tignan mo nga yung calcu ni Allyssa oh may nakadikit na papel, nakalagay yung mga formula" pangaasar na naman ni Chen
"Allyssa, baka mahuli ka, maging Zero pa yung score mo" sabi ni Eric
"Di mo naman na kailangan ng kodigo, matalino ka naman eh" sabi ni Bianca kay Allyssa
Pagkatapos ay natahimik na ulit sa klasrum dahil lahat kami ay nagaaral na para sa quiz. Hanggang sa 30 minutes nang nakakalipas at wala parin yung prof namin, ibig sabihin ay free cut na. Pwede na umuwi dahil wala ng klase.
"Yes! Walang prof!" Sigaw ni Renz
"Walang quiz!" Sigaw din ni Jaymar
"Buti nalang di ako nagaral" pagbibiro ni Bianca
"Ano ba yan! Sayang pinagaralan" sabi naman ni Mark
At umuwi na kami dahil math ang last na subject namin para sa araw na yun.
Mark's POV
Sayang lang yung pinagaralan ko para sa quiz dahil wala rin naman pala yung prof. Di tuloy natuloy yung quiz. Kaya naguwian na agad kami dahil marami pa kaming gagawin na mga project at thesis.
Paguwi ko sa bahay ay nagluto na agad ako ng pagkain. Wala akong kasama sa bahay dahil nasa ibang bansa mga magulang ko. Pagkatapos ay sinimulan ko nang gawin yung thesis namin. Pero habang ginagawa ko yung thesis ay may narinig akong tumunog na parang nanggaling sa kwarto, kaya tumayo agad ako at pumunta dun. Pagpasok ko sa kwarto ay parang may nakahiga sa kama na nakatalukbong sa kumot.
Kinilabutan ako at talagang nagtayuan ang nga balahibo ko. Wala naman akong kasama sa bahay at imposible namang iwanan ko yung kama ko sa ganyang pwesto na parang may nakatalukbong
"Sino ka??!!" Tanong ko sa nakahiga sa kama
Pero hindi sya sumasagot at parang hindi rin gumagalaw.
"Pwede ba guys, kung mantitrip kayo, iba nalang lokohin nyo." Sabi ko
"Eric ikaw ba yan?" Tanong ko, dahil si Eric ay isa mga malalakas din ang trip
Kaya nilakasan ko nalang ang loob ko at tinanggal ko na agad yung kumot para makita kung sino yun.
At nagulat ako dahil ang nakahiga sa kama ay walang iba kundi si KYLIE!!.
Dahil dito ay napatakbo agad ako palabas ng kwarto. Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko rin alam kung guni guni ko lang ba yun dahil sa dami ng mga iniisip ko.
Natatakot na ko, kaya kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan sila GD. Pero pagtingin ko sa phone ko ay lowbat ito. Tatakbo na sana ko palabas pero pagdating ko sa pinto palabas ay nandun si KYLIE. Ibig sabihin ay hindi ko nga talaga guni guni yung nakita ko. Nakakatakot yung itsura nya. At nakatingin sya sakin ng masama.
Dalawa ang kwarto sa bahay kaya tumakbo nalang ako papunta sa isa pang kwarto. Pagpasok ko ay nilock ko agad ang pinto pagkatapos ay nagtalukbong ako sa kama. Nagdadasal ako habang nanginginig sa takot. Tapos ay unti unti kong tinatanggal yung kumot sa may bandang itaas para makakita ako. Tinitignan ko kung andyan ba si KYLIE, hanggang sa nagulat nalang ako dahil biglang may tumusok sa isa kong mata. Nakita ko na si Kylie yun at may hawak hawak na kutsilyo.
Napasigaw ako sa sakit at gulat hanggang sa bigla nyang tinanggal yung kutsilyo sa mata ko at yung kabilang mata ko naman ang sinaksak nya. Dahil dito ay wala na kong makita at nararamdaman ko ang mga dugong tumutulo sa mukha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Napakahapdi. Hanggang sa naramdaman ko nalang na pinagsasaksak nya na rin ako sa buong katawan ko. At ramdam na ramdam ko ang bawat pagbaon ng kutsilyo na hawak nya sa katawan ko.
-----------------------------------
Dead : 12
Carlo, Dennis, Kimnel, Chester, Micoy, Aljericho, Boboy, Ginelle, Lanz, Bryan, Jaianne, Mark
Alive : 19
Jaymar, Renz, Allyssa, Dhey, Eric, Martela, Edmar, Paulo, Keith, GD, Migs, Kim, Bianca, Angela, Chen, Luis, Allein, Nicole, Monique
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
TerrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang