Part 53 - Ang Pagtatapos

3.2K 99 4
                                    

Renz' POV 

Nang tumakbo si Eric ay agad din syang hinabol ni Allyssa. Sana ay makatakas sya kay Allyssa at makaligtas. Bago ko ituloy ang paghuhukay ko ay lumapit muna ako kay Martela dahil nasaksak sya ni Allyssa. 

Nakita ko naman si Father na agad inalalayan si Martela. Wala kaming mapantatakip sa saksak ni Martela sa kanang braso nya kaya dinidiin nya nalang dito ang kaliwa nyang kamay para medyo tumigil ang pagdugo.

"Wag mo kong intindihin Renz, ituloy mo yung paghuhukay" sabi ni Martela sa akin

Pagtingin ko kay Father ay tumango sya, hudyat na ipagpatuloy ko na ang paghuhukay. Habang nakahawak ang kaliwang kamay ni Martela sa braso nya ay hawak hawak nya parin sa kabilang kamay ang cellphone para may magsilbing liwanag.

"Ako na maghahawak sa cellphone" sabi ni Father kay Martela

"Ok lang po. Kaya ko" sagot ni Martela

"Tapusin nyo nalang po ni Renz ang kailangan nyong tapusin" dagdag nya

Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang paghuhukay. Habang naghuhukay ako ay napapaisip ako kung ano na kaya nangyari kay Eric. Nakatakbo kaya sya papalayo kay Allyssa o nahabol sya ni Allyssa? 

Patuloy lang ako sa paghuhukay hanggang sa parang may iba nang natatamaan yung shovel. Parang hindi na lupa. At medyo may naaamoy na ko na parang mabaho.

"Parang eto na yun" sigaw ko sa kanila

Hanggang sa biglang nagsimulang kumulog at kumidlat. Kaya mas lalo akong natakot. At mas lalong dumilim sa paligid. Tapos ay binitawan ko na yung shovel at ginamit ko nalang ang kamay ko para maalis ang mga lupa na nakatabon sa bangkay. 

Di na ko naginarte pa dahil buhay namin ang nakataya dito. Nang maalis ko na ang lupa ay lalong umalingasaw ang amoy. At nagulat kami ng dalawang bangkay ang nakita namin na nakalagay dito. Tapos ay tinulungan ako ni Father na makaakyat paalis sa nahukay.

"Bakit dalawa yung bangkay?" Pagtataka ko

"Diba dapat si Kylie lang yung nandyan?" Tanong din ni Martela na may pagtataka

"Ang kasama ni Kylie na nakalibing ay kabit ng Mommy mo" nagulat kami ng sabihin ito ni Father

"Po?" Nagtatakang tanong ni Martela

"Pano nyo po nalaman?" Tanong ko

"Kinumpisal sa akin ng Mommy nya ang lahat ng nagawa nyang kasalanan" sagot ni Father

Pagtingin ko kay Martela ay gulat na gulat sya at nagsimula na namang maiyak. Alam ko na masakit yung balitang yun para kay Martela. Pero naisip ko na di na mahalaga ang nangyari dahil tapos na ang lahat ng yun. Ang mahalaga ngayon ay ang mabasbasan ni Father ang bangkay ni Kylie para matigil na sya sa pagpapatay.

"Father simulan nyo na po ang pagdadasal sa bangkay nilang dalawa" sabi ko sa kanya

Hanggang sa bigla nang umulan ng malakas at narinig na naman namin ang pagkaluskos na parang may tao sa paligid.


Martela's POV

Nagulat ako sa nalaman ko mula kay Father. Di ako makapaniwalang may ibang kinakasama ang Mommy ko. At nagsimula na namang tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan.

At bigla nalang may tumunog, kaya napalingon kami sa kung saan saan at hinahanap kung ano yun

"Si Eric ba yun?" Tanong ni Renz

Pati ako ay umaasa na si Eric yun. Sana ay nakaligtas sya kay Allyssa.

"Eric?" Sigaw ko sa pangalan nya at kung san san ko tinatapat ang flashlight.

Habang si Father naman ay sinimulan na ang pagbabasbas sa bangkay nila Kylie at sinimulan nya na silang dasalan.

Our Father, who art in heaven,
Hallowed be Thy Name. Thy Kingdom come.
Thy Will be done, on earth as it is in Heaven.

Sinasabayan ko rin si Father sa dasal nya ng Our Father habang tumitingin tingin parin sa paligid ko

Give us this day our daily bread.
And forgive us our trespasses,
as we forgive those who trespass against us.
And lead us not into temptation,
But deliver us from evil, Amen.

Pagkatapos ay binasbasan ng binasbasan ni Father ang mga bangkay habang ako patuloy na tinatapat sa kung saan saan yung flashlight dahil baka mamaya ay nandyan na pala si Allyssa. Nang natapat ko yung flashlight sa may bandang baba ay may napansin ako. Hinanap ko ang shovel na nabitawan ni Eric pero di ko ito makita. Nagtataka ako at di ko alam kung san ito napunta. Hanggang sa nung natapat ko ang flashlight kay Renz ay nagulat ako nang makitang nasa likod nya si Allyssa at hawak hawak nito ang shovel.

"RENZ!!" Sigaw ko

Nang bigla nalang pinukpok ni Allyssa yung shovel sa ulo ni Renz. At nakita ko si Renz na biglang bumagsak dahil sa lakas ng pagkakapukpok ng shovel sa ulo nya.

Napatingin si Father sa kanya pero pinagpatuloy ni Father ang pagdadasal na ginagawa nya para matapos na ang lahat ng to. At nagsimula nang umulan ng malakas.

O gentle Heart of Jesus, ever present in the Blessed Sacrament, ever consumed with burning love for the poor captive souls, have mercy on them.

At binasbasan ni Father yung mga bangkay. Pagtingin ko kay Allyssa ay nakita kong ipupukpok nya rin kay Father yung shovel, pero nagawa ko syang maharangan. Pinangharang ko yung kamay ko, sobrang sakit ng naramdaman ko dahil sa lakas ng pwersa ni Allyssa. Nabitawan ko pa yung cellphone na hawak ko. At nalaglag ito sa bangkay nila Kylie.

Be not severe in Your judgments, but let some drops of Your Precious Blood fall upon the devouring flames.
And, Merciful Saviour, send Your angels to conduct them to a place of refreshment, light and peace.

"Amen" malakas na sigaw ni Father at kay Allyssa nya naman binasbas yung holy water.

Sobrang lakas na ng ulan at hangin. Rinig na rin ko rin ang kidlat at kulog kaya sobrang nakakatakot. Di ko alam kung anong nangayayari pero kitang kita kay Allyssa ang sakit na nararamdaman nya. Kakaiba ang sakit na nakikita ko sa kanya ngayon kaysa dati. Hanggang sa bigla nalang syang tumakbo papalayo. At nakita ko na tapos na ang dasal na sinasabi ni Father, hanggang sa nagulat ako nang biglang bumagsak yung isang puno dahil sa lakas ng hangin. At nung bumagsak ito ay sumakto ito kay Father at sya ay nadaganan.

Spirit Of The Glass (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon