Renz' POV
Nang tumakbo na kaming lahat palabas ay nagulat nalang kami ng biglang sumara yung pinto. Pagtingin ko sa mga kasama ko ay wala si Dhey. Kaya agad kaming lumapit sa pinto at sinusubukan itong buksan para matulungan si Dhey
"Dhey!" Sigaw namin habang binubuksan yung pintuan. Pero ayaw nito bumukas.
Sinubukan narin namin sirain yung pinto pero masyadong matibay yung pintuan. Hanggang sa narinig kong sumisigaw si Dhey. May sinasabi sya pero di ko masyadong naintindihan. Kaya lalo kaming nagalala sa kanya. Hanggang sa ilang saglit lang ay napaatras kami sa gulat dahil bigla nalang nagliyab na yung bahay.
Nang nagliyab na yung bahay ay rinig na rinig namin si Dhey na sumisigaw dahil sa sakit. Wala na kaming nagawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa dinaranas ni Dhey. Ang iba sa amin ay nakalumpasay na sa sahig habang umiiyak.
"Bakit kinakailangan pang mangyari ito kay Dhey??!" Umiiyak na tanong ni Bianca
Pero halos lahat sa amin ay hindi umiimik. Hanggang sa naalala kong bigla si Allyssa
"Guys kailangan na natin puntahan si Allyssa" sabi ko sa kanila
Kaya kahit na nanghihina pa ang iba sa amin dahil sa kakaiyak ay agad kaming pumunta sa bahay dahil sa pagaalala kay Allyssa.
"Sa tingin nyo buhay pa si Allyssa?" Pagaalalang tanong ko sa kanila
"Hindi ko alam" sagot ni Martela
"Kaya kailangan natin bilisan para masigurado kung ligtas sya" sabi ni Eric
Kaya binilisan lalo namin ang paglalakad namin. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
"Nasan si Allyssa?" Pagtataka ni Luis
"Baka nandun parin sya nagtatago sa may kwarto" hinala ni Bianca
Kaya tumakbo kami papunta sa kwarto. Hanggang sa nakita namin sya sa ilalim ng kama. Lalo kaming nagalala ng makita syang walang malay.
Allyssa's POV
Nagising ako dahil may nagsasabi ng pangalan ko. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Pawis na pawis na ako dahil sa init at takot. Hanggang sa nakita ko na sila Bianca pala yung tumatawag sakin. Tinulungan nila kong lumabas sa ilalim ng kama pagkatapos ay umupo ako sa kama.
"Anong nangyari sayo?"
"Okay ka lang ba?"
Pagaalalang tanong ng mga kasama ko.
"Oo ok lang ako, wala namang nangyaring masama sa akin" sagot ko sa kanila
"Mabuti nalang ligtas ka at walang nangyaring masama sayo" sabi ni Martela
Pero napansin ko agad ang mga mata nila na medyo mapula. Na para bang kakagaling lang nila sa pagiyak. At ang isa ko pang napansin ay wala si Dhey
"Nasan si Dhey?" Pagtataka ko
Dahil sa tanong ko ay nagsimula nang maiyak na naman si Bianca. Di sya makapagkwento kaya si Luis nalang ang nagkwento sa buong pangyayari
"Kasi may naisip si Dhey na plano para patayin si Kim, yun ay sunugin ang bahay kasama si Kim sa loob, pero pati si Dhey ay naiwan dun at nasunog" kwento ni Luis
"Pero bakit nya naman naisip na patayin si Kim? Hindi ba't yun yung naiisip ni Allein dati, pero wala namang sumangayon sa kanya diba?" Tanong ko sa kanya
"Dahil wala na syang maisip pang ibang paraan" sagot ni Luis
"At lahat kami ay sumangayon sa kanya" dagdag nya
Habang kinekwento ni Luis ang buong nangyari ay di ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Di ko lubos maisip na dalawa na agad sa mga kakalase ko ang nawala
"Pero paano nyo nasisiguradong patay na si Dhey tsaka si Kim? Paano kung buhay pa pala sila?" Tanong ko sa kanila
"Nasa may pinto si Dhey bago pa man magliyab ang bahay. At dun sa pintong yun nagsimula ang apoy." Paliwanag ni Martela na ngayon ay umiiyak na rin
"Rinig na rinig namin ang pagsigaw ni Dhey sa loob ng bahay." Sabi ni Eric
"Si Kim hindi ko alam kung makakaligtas sya dun dahil sa bilis ng pagkalat ng sunog sa bahay" sagot ni Bianca
"Hindi ba kakalat yung sunog sa isla na to?" Pagaalalang tanong ko sa kanila
"Hindi naman malapit yung mga puno sa bahay eh, tsaka maya maya lang ay parang uulan na rin. At mapapatay na yung sunog sa bahay" sagot ni Martela
Pagkatapos ay naisip ni Renz na pagdikit dikitin yung tatlong kama para makapagpahinga kaming anim ng tabi tabi. Sa bawat isang kama kasi ay kasya ang dalawang tao.
"Pero sa tingin nyo ba tapos na ang lahat ng to?" Umaasang tanong ko
"Yan ang di natin alam" sagot ni Luis
"Dahil wala naman tayong kasiguraduhan sa kung ano ba talaga ang makakapagpatigil kay Kylie" dagdag nya
"Kung ganun, eh di sana hindi na natin sinunog yung bahay para patayin si Kim, siguro hanggang ngayon ay buhay pa sana si Dhey" sabi ni Renz
"Pero si Dhey ang nakaisip ng plano na yun" sabi ni Martela
"Tsaka kinakailangang may gawin tayo, kung hindi mamamatay lang tayong lahat!" Sabi ni Luis
Pagkatapos ay tumigil na sila sa paguusap.
Third Person's POV
Dahil sa pagod na silang lahat at matagal ng walang tulog ay napagdesisyunan nila na magpahinga na muna. Nilock nila yung pinto ng bahay pati yung pinto ng kwarto para mas makasigurado silang ligtas sila.
Ang iba sa kanila ay medyo kampante na, kahit na nakokonsensya dahil sa pagkamatay ni Kim.
"Hindi naman ako masamang tao dahil sa pagsangayon ko kay Dhey eh" bulong ni Luis sa sarili nya
"Iniisip ko lang naman yung kapakanan naming lahat" patuloy nyang kausap sa sarili nya
Kaya pinilit nalang nyang matulog kesa maisip pa yung nangyari kaila Kim.
At pagkalipas ng ilang minuto ay agad din naman silang nakatulog. Hanggang sa di nila namalayan na umuulan na pala ng malakas.
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang