Renz' POV
Kasalukuyan naming nililibot ang gubat ngayon. Madilim na pero kahit papano ay nakikita pa rin namin ang dinadaanan namin dahil sa sinag ng buwan. Mga ilang minuto na kaming paikot ikot pero di parin namin nakikita yung sinabi ng Mommy ni Martela na nakabagsak na puno at malaking bato.
"Father, balik na po kaya tayo?" Tanong ni Eric kay Father
Sumangayon naman si Father na bumalik na. Dahil baka daw mas lalo pa kaming maligaw at ikapahamak pa namin.
"Pero san tayo pupunta?" Tanong ko kay Eric
"Babalik tayo sa bahay para makahingi ng tulong kaila Martela. Panigurado alam ni Martela kung saan yung malaking bato" sagot ni Eric
"Pero alam mo ba ang daan pabalik?" Tanong ko ulit sa kanya
"Basta daanan nalang ulit natin yung mga dinaanan natin" sagot nya
Kaya naman tinungo ulit namin yung mga dinaanan namin kanina.
Martela's POV
Pumikit ako dahil ayokong makita ang ginagawa ni Allyssa kay Luis. Hanggang sa pagdilat ko ay nagulat ako dahil nasa harap ko na sya.
"Allyssa, wag mo kong papatayin" pagmamakaawa ko sa kanya
Hawak hawak nya yung kutsilyo at nakatutok ito sa akin. May dugo na yung kutsilyo na paniguradong nagaamit nya na pangsaksak sa ibang tao. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso ko.
"Allyssa lumaban ka! Alam ko nandyan ka!" Sigaw ko sa kanya
Nagulat ako ng akma nyang isasaksak sakin ang kutsilyo na hawak nya. Pero buti nalang ay nakaiwas ako. Napasampa agad ako sa kama para makapunta sa kabilang lugar. Nakita ko sya na nakatingin sakin habang nakatutok parin yung kutsilyo sa akin.
Hanggang sa bigla rin syang sumampa sa kama para sundan ako. Kaya naman nagawa kong makatakbo papalabas ng kwarto. Tumakbo agad ako pababa ng hagdan. Pagkatapos ay nakita kong nakasara yung pinto. Kaya agad agad akong lumapit dito para buksan ito. Pero muli akong kinabahan ng ayaw nito bumukas. Ilang beses ko na sinubukan pero ayaw talaga.
Paglingon ko ay nabigla ako ng nasa likod ko na sya at sasaksakin nya na ulit ako. Pero muli akong nakaiwas. Tapos ay napatakbo ako sa may bandang kusina at meron ako ditong nakuha na bakal. Hawak hawak ko lang ito at naghahanda ako sa pagdating ni Allyssa, pero di sya sumunod sa kusina. Kaya naman lumabas na agad ako. Natakot ako dahil bigla syang nawala. Di ko alam kung nasan sya.
Nakasara parin yung pinto. Kaya agad akong tumakbo sa may bintana. At wala na kong nagawa kundi sirain ito. Gamit ang bakal na hawak ko ay binasag ko ang bintana. Pagkatapos ay agad agad akong lumabas.
Nagulat ako nang biglang may humablot sa paa ko. Paglingon ko ay si Allyssa ito. Habang hawak hawak ng isa nyang kamay ang paa ko, ay nakita ko ang kabila nyang kamay na hawak parin ang kutsilyo. At isasaksak nya na ito dapat sa akin. Kaya lalo akong nagpumiglas at nasipa ko pa sya. Nang nabitawan nya ako ay agad akong tumakbo papunta sa gubat.
Eric's POV
"Nasan na ba tayo?" tanong ni Renz
"Hindi ko rin alam. Naliligaw na yata tayo" pagaalalang sabi ko
Ang maririnig mo lamang sa paligid ay ang tunog ng mga kung ano anong insekto at mga huni ng ibon. Nakakatakot lalo na't gabi na.
"Wag tayong mawawalan ng pag-asa" sabi sa amin ni Father
Nakikita ko kay Father na nababahala rin sya pero malakas talaga ang loob nya. At di sya nawawalan ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang