Edmar's POV
Nagising ako ng dahil sa pagvivibrate ng cellphone ko. Tsaka tunog ng tunog. Pagtingin ko ay dahil pala sa mga kaklase kong nagchachat sa group chat namin. At laking gulat ko dahil ang pinaguusapan nila sa group chat ay si Bryan. Nabalitaan daw nila na patay na sya.
"Pero anong nangyari??" Bigla akong nagising at nawala ang antok ko nang mabasa ang mga chat nila
May nakakita daw sa kanya at dinala pa sya sa ospital pero huli na ang lahat dahil patay na sya. Asa ospital daw ngayon sila Jaianne.
"Bakit nangyari to kay Bryan??"
"Hindi parin ba kami ligtas dito??"
Mga gumugulong tanong sa isip ko.
Naisipan kong sumunod sa ospital kaya bumangon agad ako at naligo na. Nang nakapagayos ayos na ko ay umalis na ko para pumunta sa ospital. Wala masyadong traffic kaya nakarating din agad ako dun. Pagpasok ko ay nakita ko sa may bandang mga upuan si Jaianne na umiiyak at pinapakalma nila Allein, Monique at Renz, kaya lumapit agad ako sa kanila.
"Guys anong nangyari?" Tanong ko sa kanila
"Na hit and run daw si Bryan eh" sagot ni Monique
"Grabe na talaga mga tao ngayon. Wala nang pakialam kahit may mabunggo man sila" inis na sabi ni Allein
"Walang puso ang gumawa neto kay Bryan!!" Galit na sabi ni Jaianne at di parin tumitigil sa pagiyak
"So sa tingin nyo tao ang gumawa nito sa kanya??" Tanong ko sa kanila at napatingin silang lahat sa akin
"Oo naman, sino pa??" Pagtataka ni Monique
"Sa tingin mo ba yung....." di pa tapos ang sasabihin ni Renz eh pinigilan na sya ni Allein
"Oh.. wag mo ng ituloy yang sasabihin mo... Wala na tayo sa isla kaya pwede ba! Ligtas na tayo" sabi ni Allein
Sana nga ay tama si Allein, na ligtas na nga kami
"Nakita nyo na ba yung bangkay ni Bryan?" Tanong ko sa kanila
At nakita ko ang pagtango ni Renz na ang ibig sabihin ay oo
"Asan na bangkay nya ngayon?" Tanong ko ulit
"Nasa morgue na" sagot naman ni Monique
"Jaianne, wag ka nang umiyak" pagpapatahan ko sa kanya
"Bakit naman kasi kinakailangan nya pang mamatay?! Kung kailan ligtas na tayo at nakaalis na tayo sa isla, madidisgrasya naman sya!" sagot ni Jaianne habang umiiyak pa rin
"Kasalanan yan ng taong naka hit and run sa kanya" sabi ni Renz
"Dapat mahuli nila kung sino man gumawa nito sa kanya!" Galit na sabi ni Jaianne
"Jaianne, kailangan mo na umuwi, magpahinga ka na muna dun sa bahay nyo" sabi ni Monique
"Ayoko umuwi. Wala kong kasama sa bahay. Maiisip ko lang lalo na patay na si Bryan." Sabi ni Jaianne
"Eh kung magovernight nalang kaya tayo? Para masamahan ka rin namin Jaianne" suggest ni Allein
"Saan naman tayo magoovernight?" Tanong ko kay Allein
"Kaila Renz. Sa condo nila, para malapit na rin sa school pagpasok natin bukas." Sagot ni Allein
"Sabagay, ako lang naman mag-isa dun" sabi ni Renz
"Ano Jaianne? Gusto mo ba sama sama nalang tayo matulog kaila Renz?" Tanong ko sa kanya
"O sige" sagot ni Jaianne
BINABASA MO ANG
Spirit Of The Glass (Edited)
HorrorHighest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagambala P.S. - Fiction lang po lahat ng ito. Lahat ng nangyari ay para sa story lamang