CHAPTER 5
Cassy's POV
*Riiing*
Ay, buwisit! May pasok na pala. 5:30am na, 7:00 pa ang pasok ko. Wait. 30 minutes!
Sakto! 6:00 am. Umidlip lang muna kasi ako, puyat eh. Humarap muna ako sa salamin tapos ginawa ko na yung morning routines ko then bumaba na rin.
"Yaya?" Si Yaya na lang tinawag ko kasi mukhang tulog pa si Manang.
"Yes Ma'am?"
"Ano po almusal?"
"Beef Steak po."
"Ah. Sige po, thank you po."
Kumakain ako nang nag-vibrate yung phone ko.
1 New Message
From: Monster
Cassy! Ang tagal mo naman! Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng gate nyo.
Huh? Tumingin ako sa gate at nakita ang Porsche nya. Binilisan ko na ang pagkain at baka magtampo yun. Wait. What? Anong pake ko dun? Tch. Haha! I'm so baliw.
"Bye, yaya."
"Ingat po kayo, Ma'am." nginitian ko na lang siya. Ang bait nila sa akin eh, parang mga kapatid ko na yan pati yung driver ko tapos si Manang naman second mother. Astig di ba?
Sinalubong ako ni Shaun at hinalikan sa noo.
"Ang tagal mo naman." Wow. Ang ganda ng bungad nya.
"Ugh. Baliw ka!" tapos pinagpapalo ko sya sa dibdib.
"Huh? Bakit? Aray naman!" pagrereklamo nya.
"Di ka lang man nagsabi!" at tumigil na ako sa pagpalo sa kanya.
"Na?"
"Common sense!" at inirapan siya. Kaazar.
Sumakay na lang ako ng kotse niya. Ang kapal ko noh? Sumakay ako ng walang pahintulot. Ganyan naman ako lagi pag sya ang naghahatid-sundo sa akin. Lagi siyang ganyan, hindi lang man ipinapaalam sa akin, sa driver ko lang. Para daw surprise. Gago lang eh, noh? Dun ako sa likod para walang gulo. Haha! Sabay kabit ng headset ko sa iPod at nag-soundtrip na lang ako.
"Cassy."
"What?"
"Dito ka sa harap. Mukha akong driver eh."
"Ayos lang yan. Driver ka naman talaga eh, kaya ka nga nanjan ka sa driver's seat eh." sabay smirk sa kanya.
Halatang naasar sya. Nag-uusok na yung ilong at tenga niya. Di, biro lang.
"Cassy naman eh!"
"What?" medyo natatawa kong sinabi.
"Dito ka nga sa harap!"
"Paano kung ayaw ko?"
"Hahalikan kita!"
"W-what?! Mag-drive ka na! 6:45 na!"
"Lumipat ka muna dito."
No choice. Lumipat na ako sa harap. Ayoko ma-late!
"Good!" sabi niya.
Inirapan ko na lang.
Ayun! 6:55 pa lang! Haha! Abot pa! Buti na lang malapit lang yung school namin sa bahay.
= SCHOOL =
"Ehmeghed. Ang guwapo talaga ni Shaun." Girl 1
"Kaya nga eh." Girl 2
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
Teen Fiction#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...