CHAPTER 13
Shaun's POV
Heto ako ngayon sa aking kuwarto. Naghihintay ng Go Signal ni yaya. Haha! Naisip ko kung ano ba yung sasabihin ni Cassy. Aish. Badtrip naman kasi nanay ko.
*Knock! Knock!*
"Sir, pinapababa na po kayo ni Ma'am." Ayan na.
"Sige wait lang po, susunod na lang po ako."
"Sige po, sir."
After a couple of minutes, bumaba na rin ako.
Pagkababa ko, may magandang babae akong nakita. Shet. Pero swear, ang ganda niya, maputi, tapos medyo brownish yung buhok nya at straight pa ito, nakasuot pa ito ng dress na blue tapos above the knee tapos naka-flats. Pero wala akong gusto diyan ah!
"Oh, Shaun, nandyan ka na pala." Mom.
"Ay hindi po Ma, picture lang ako." tapos tumawa sila.
"Shaun, maupo ka muna at hayaan mo akong ipakilala kita sa kanila."
"Mare, eto nga pala si Shaun, kaisa-isa kong anak."
"Wait, Ma. Mali eh, dapat kaisa-isang guwapong anak." singit ko naman. Well, a fact is a fact.
"Bahala ka kung ano gusto mong itawag sayo."
"Poging Shaun nga po pala." pag-iintroduce ko sa sarili ko.
"Ang kapal lang talaga ng mukha mo eh, noh?" Mom.
"Siyempre!"
"Hindi po, tita. Totoo naman po yung sinabi niya eh, pogi po sya." sabi nung babaeng maputi.
"Ha?" pagtataka namin ni Mom.
"Pogita po." tapos tumawa kami. then nag-peace sign sya.
"Hmm. Btw, Mare, pakilala mo naman yang anak mo sa anak ko, malay mo magkamabutihan 'tong dalawang 'to. Haha! Tita Rhian, mom ni- Sino ba kasi siya? Psh.
"Ah oo nga pala. Ija, si Shaun nga pala, Shaun meet Apple." Then nag-shake-hands kami.
"Nice to meet you." Apple.
"Nice to meet you too." sabi ko naman.
"Ija, baka gusto mo muna kumain?" Mom.
"Uh , tita-"
"Hmm. Ma, treat ko na lang siya. Atsaka para makilala pa namin ang isa't isa."
"Sige, anak. Mag-ingat kayo ah?"
"Shaun, alagaan mo yang anak ko. Kaisa-isang babae ko lang yan." Tita Rhian.
"Ma'am, Yes Ma'am." Tapos nag-salute ako kay Tita Rhian.
***
Sa loob ng kotse..
"Uh Shaun, may itatanong lang sana ako." biglang sabi ni Apple pagkaupo nya sa front seat. Puwesto yan ni Cassy eh!
"Ano yun?"
"Uhm, ano kasi, uhm.." Tensed?
*Phone Rings*
"Uh, wait lang, Apple ah? May kakausapin lang ako."
**********
Edited
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
Teen Fiction#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...