CHAPTER 17
Shaun's POV
Problema nung babaeng yun? Porket ayaw ko na makipagkaibigan sya sa iba, ganun na sya? Aish. Ewan. Hinabol ko pa rin sya ng hinabol.
"Cassy! Sandali!"
"Cassy!"
"Cassy!" sunud-sunod ko na pagtawag sa kanya. Ang kulit talaga!
"Cassy!"
"Manigas ka jan!" pasigaw na sagot nya sa akin. Ugh.
"Cassy! Time na! Malelate ka!"
"Wala akong pake." tapang neto ah?
"Pupunta na ako ng classroom ah. Sumunod ka na lang.'" Nako. Patay talaga 'to kay Sir.
***
"Excuse me, Mister. Where did you came from?"
"Uhm, Sir, ano po kasi. Uhm, hinabol ko pa po si Cassy."
"So, nagharutan kayo, ganun?" Ang harsh masyado ni sir. WALANG LOVELIFE EH HAHA
"Hindi po, sir. Medyo nagkatampuhan po kami eh."
"Hangga't di mo nahahanap si Ms. Molina, di ka pwede dito sa klase ko. Understood?"
"Yes, sir." at ayun na nga, nag-lakad-lakad na ako.
***
Di ko pa rin makita si Cassy. San kaya nagpunta yun?
Pumunta ako sa likuran ng school and finally, nakita ko rin sya. Nakaupo sa may bench, umiiyak? Linapitan ko na lang sya.
"Cassy?" sabay offer ko ng panyo.
Kinuha nya namn ito.
"Cassy, ano problema?"
"Madami. Gusto mo, isa-isahin ko?" tignan mo 'to, seryosong usapan na nga eh.
"Uhm, wag na, baka mapagod ka lang eh." edi, sakyan ang trip nya. No choice ang lolo nyo eh.
"Bakit ka nga ba nandito?" pagtatanong nya.
"Parang ako dapat magtanong nyan, bakit ka ba nandito?"
"Di mo ba nakikita? Bulag lang? Umiiyak ako diba? Panira ka lang kasi, moment ko na eh! Ano ba kasi ang dahilan kung bat ka nandito?"
"Pinapahanap ka ni sir. Di nga ako pinapapasok ng klase nya hangga't di kita nahahanap. Kaya kung pwede, sumama ka na sa akin. Ayoko ng may malalagpasan tayong lesson tapos babagsak tayo sa quiz. Kaya kung pwede, tara na."
"Bilhan mo muna ako ng kwek-kwek." nako. Pagkain nanaman hanap neto. Bumili na lang ako, no choice eh.
"Bati na tayo ah?"
"Ewan ko. Basta, salamat ah." habang nguya-nguya nya pa yung kwek-kwek.
"Nako. Pasalamat ka, mahal kita."
"Mahal din kita." WHAT?!
"Ano?"
"Ay, kailangan paulit-ulit? Sabi ko, mahal din kita."
"Mahal mo ako?"
"Oo. Mahal kita. Sympre, tinuring na rin kita bilang kapatid ko. Eto talaga, parang di naman ako kilala." Ayan kasi Shaun! Asyumero masyado!
"Ah." D I S A P P O I N T E D? H I N D I
***
Hay nako. Tapos na pala ang Math. Masyado pala kaming nagtagal? XD Grabe naman si Sir, di nakapag-intay. XD
"Hoy! San kayo nanggaling? Anong ginawa mo kay Cassy?" Si Michael lang pala. Feeling boyfriend ni Cassy.
"Uh, Michael, wala yun. Nagkatampuhan lang, pero ayos na rin kami." then Cassy gave Michael her big and sweet smile.
"Ah ganun ba? Baka mamaya may ginawa sayo si Shaun ah?"
"Baliw. Di yan papatol sa katulad ko."
"Siguraduhin nya lang." ABA!
Cassy's POV
Ewan ko ba, feeling naman 'to si Michael, nakakalurkey!
"Ikaw, Michael, dumudumi nanaman yang utak mo eh!" sabi ni Shaun. Aish. Ang cute nya! Ugh. Cassy! Ano ba yan!
"Pinoprotektahan ko lang naman sya."
"Eh, sino ka ba kasi sa buhay nya/ko?" sabay na tanong namin ni Shaun.
"Baka manliligaw nya."
"Ikaw lang?" tanong ni Shaun. Anong pinagsasasabi neto?
"Aish. Itigil nyo na nga yan! Malapit na dumating si Ma'am!"
"Di pa tayo tapos!" sabi ni Michael. Aba, may wrestling yata na magaganap.
Si Shaun naman, binigyan ng death glare si Michael. Ewan ko ba sa dalawang to, ang weird masyado.
***
Heto ako ngayon sa gym, nag-iisa. Wala ang barkada eh. Nasaan? Eh, sila Jenina at Gianelle may Quiz Bee. Si Gazelle, pinauwi ng maaga. Si Neil, wala akong pake sa kanya. XD Si Ray naman may dinner date daw sila ng pamilya nya. At si Shaun, ayun, kasama nya si Apple. Ang sakit lang, kaya ba naman nila akong iiwan mag-isa? Aish. Bayaan na lang sila. They have their own worlds, at di ko hawak ang buhay nila.
May naglalakad papasok ng gym.
Si Shaun? At si Apple? O M G! Di ako kinikilig.
"Cassy?"
"Uh, alis na ako kasi ano, uhm, ano kasi, may gagawin pa ako." palusot ko. Ayoko namang mang-istorbo sa DATE nila.
"Cassy!" sigaw ni Apple.
"Hmm?"
"Sorry"
"Sorry for what?" ang weird nya.
"Kasi ano, kami na ni Shaun." woah. Agad-agad? parang ilang araw pa lang? Sila na agad. Aba, matinde.
"Ah- eh, bakit ka nag-sosorry?"
"Feel ko kasi, may gusto ka sa kanya."
"Wala ah!Bestfriend ko lang yan! At saka ba' naman ako magkakagusto sa isang halimaw?"
"Ah, ganun ba?"
"Yup. Uh, sige, bye na. Una na ako."
"Ah, sige. Bye. Salamat."
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ewan, bat parang may kirot? May nakatusok sa puso ko? Ugh. Di pwede! Bestfriend mo yun, Cassy! Ayus-ayusin mo buhay mo! :/
***
= AFTER ONE WEEK =
"Hi Cassy!" salubong sa akin ni Shaun.
"Hi." then I gave him a weak smile.
"So, musta na?"
"Tingin mo?"
"Ayos lang?"
"Hmp!"
"Bad Mode?"
"Ay, hindi!" ewan ko talaga dito! Hmp. Nakakabuwisit. Kaya, nag walk out na lang ako.
*********
Edited
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
Teen Fiction#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...