CHAPTER 15
Cassy's POV
"We need to talk." hawak ngayon ni Shaun yung kaliwang braso ko.
"About what?"
"About something I can't understand." tapos dumiretso kami dun sa garden nung restau.
= GARDEN =
"Stupidity. What is this all about?" pasigaw na sabi sa akin ni Cassy.
"Cassy, are you jealous" Jealous? Ako? Bakit naman? Huh? Di ko rin maintindihan! Ugh.
"Huh?"
"Cassy, be honest with me, are you jealous?"
"O-of course not."
"Then, bakit ka bigla na lang nag-walk-out?"
"Shaun, I'm tired. I want to rest. Can you just please just talk to me tomorrow? Besides, magkikita naman tayo sa school eh."
"Sige, Cassy. Titigilan MUNA kita ngayon. Pero bukas, aminin mo na ang lahat." tapos binitawan na nya ako.
"Sure."
Tapos umalis na ako. At nag-drive pauwi.
***
At last, nandito na ako ngayon sa bahay! Makakapagpahinga na din. Ugh. 8:30 pm na! May pasok pa pala bukas. Aish. Kaya naman nag-shower na ako then humiga na sa kama ko. Bago pa man ako matulog. Inisip ko, nagseselos ba ako? Huh? Bakit naman? Di naman ako nagseselos eh. Baka siguro pagod lang talaga ako. Hmp. Makatulog na nga.
***
*Riiiiing*
Ayan nanaman yang buwisit na alarm clock ko. Ginawa ko na agad-agad yung morning rituals ko then naligo na ako. Bumaba na rin ako.
"Good Morning Cassy, oh kumain ka muna." sabi ni Manang.
"Good Morning din po, Manang. Uh, di na po ako kakain wala po akong gana eh."
"Sigurado ka?"
"Yes Manang. Sige po Manang, I'll go na. Bye."
"Mag-ingat ka."
"Opo." then sumakay na ako ng kotse, si Kuya Jom na ang pinagdrive ko. Ayoko talaga mag breakfast. Di naman sa wala akong gana, ayoko lang talaga.
= SCHOOL =
Ugh. Kinakabahan na ako. Si Shaun naman kasi eh! Atsaka bakit pa kasi kagabi pa ako inatake ng Alzheimer's Disease ko? (Joke lang po.) Psh. Bahala na si Batman at Superman.
Habang naglalakad ako may nakabangga sa akin.
"Ay sorry, miss." sabi nung nakabunggo sa akin. Tapos inangat ko na yung ulo ko kasi pinupulot ko pa yung mga dala ko.
"Hindi, okay- Michael?"
"Cassy? Oh, why do you look so pale? Nag-breakfast ka na ba? Nakatulog ka ba ng maigi?" Daming tanong! Psh. Magsisinungaling ba ako sa kanya? Oo na, Cassy! Oo na!
"Ah, oo naman. Nakapag-breakfast ako at nakatulog naman ako ng maayos."
"Then, why do you look pale?"
"Hoy, ikaw! Wag mo nga akong englishin! Sakit sa ilong eh!"
"Sige. Di nga, bakit parang nawalan naman ng kulay yang mundo mo? May problema ba?"
"Wala naman. Sige, una na ako."
"Di, sabay na tayo. Baka mamaya mag-collapse ka pa jan."
"OA ah? Collapse agad? Di ba pwedeng nahihilo muna?"
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
Teen Fiction#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...