CHAPTER 9
Cassy's POV
Hindi ko nakita or nakasama lang man si Gazelle kahapon. Ano kaya nangyari dun? Hay. Nandito ako ngayon sa room namin, nag-rereview para sa long test. Oh ha, masipag ata yan! Syempre, ayoko bumagsak, noh!
"Cassy!" sigaw sa akin ni Shaun.
"Buwisit! Kita mo naman sigurong nag-aaral ako diba?"
"Sorry, bulag ako eh." nag-acting pa sya na parang bulag talaga. Muntanga.
"Ows? Harap ka nga dito sa salamin." humarap naman sya dun sa salamin na hawak ko at dumilat sya.
"Uy, Cassy! Sino ba yung guwapong yun?" sabay turo sa salamin.
"Confirmed! Bulag ka nga!"
"Huh? Paanong bulag? Eh, totoo namang guwapo yan ha?"
"Pangit kaya!"
"Guwapo!"
"Pangit!"
"Guwapo!"
"Uy guys, alam nyo ba ganyan din nagsimula ang love story ng lolo't lola ko!" share ng classmate namin, si Max. Sabay point sa amin ni Shaun. Masyadong epal!
"Don't care!" sabi ko sa kanya sabay irap at nag aral na lang uli.
"Ako din!" Shaun.
"Ayie!" sigaw ng klase.
"Class! What is happening here?" Ehmeghed. You saved us! I mean, me. Si Ma'am Sophia, dumating na! Yipie! ✌
"Uhm, Ma'am..." Max. Ayan kasi! Daming kalokohan!
"Tignan nyo, buti pa sila Ms. Molina and Mr. Cabezas, tahimik lang at nag-aaral. Eh kayo, puro kalokohan!" Good Job, Ma'am! I salute you! Haha!
"Good Morning Ma'am!" sabi namin ni Shaun.
"Oh, tignan nyo nga. Sila, nag greet na. Kayo ano? Sit down all of you! And we gonna take our first long test in English!" I'm ready. Haha!
***
Natapos ako at nakita kong nakatitig sa akin si Shaun. Nandun sya sa kabilang dulo ako naman nandito din sa dulo. Tinignan ko rin pero tinarayan ko.
"Mr. Cabezas and Ms. Molina why are you cheating?" biglang sabi ni Ma'am. Omg. This is not so happening.
"Uhm, kasi po Ma'am-" Ugh.
"Ma'am, ako po yung nanguna. At saka di po kami nagkokopyahan, ang layo nya po kaya sa akin. Tinititigan ko lang po sya." tapos nag-'ayie' yung buong klase.
"And you Ms. Molina?"
"Uhm, nothing Ma'am."
"You sure?"
"Y-yes, Ma'am."
"Baka mag-kadevelopan kayo ah."
"No, Ma'am!" napasigaw ako habang si Shaun naman nakangisi. Shit.
"Hmm. Okay, let's see." Hay. Ewan. Nag-check na kami ng papers namin at...
Yes! 58 out of 60! Ganyan talaga kapag nag-aral! Haha!
Kinuha na ni Ma'am lahat ng test papers at lumabas. Lumapit agad sa akin si Shaun at hinalikan ako sa noo.
"Hey, ilan ka?"
"Isa."
"Ano score mo?"
"Number."
"Ilan score mo?"
"Uhm, isa? Actually, two digits kasi siya."
"Cassy." He said in a warning tone.
"Okay. Okay. Chill. 58, ikaw?"
"56!"
"Nice. Haha!"
"Whatever."
"Okay lang yan! Haha! Libre kita mamaya."
"Talaga?"
"Joke lang!"
"Ugh."
"Sige na, ililibre na kita. Isang Yakee lang ha? Haha!"
"Cassy!" warning tone again. Omg. Haha! Inisin ko nga.
"What? Ganda ko? Wag mo ipaalam, alam ko na yan!" sabay smirk.
***
"Well class, according to our principal, pupuwede na kayo umuwi. May meeting pa ang lahat ng teachers nyo mamayang hapon."
"Yehey!" sigaw ng buong klase except sa akin. Gusto ko kaya isubsob ang sarili ko sa pag-aaral. Gosh! Ako ba 'to? Lol.
***
Bago pa man ako makalabas ng gate, may biglang humila sa akin.
"Hoy!" sabay hila sa akin.
"Ay, petra!" tapos lumingon na ako.
"Hoyy! Akala ko ba ililibre mo ako?" Guess who? Si Shaun. Grr.
"Oo na! Oh, eto na pera! Pakasaya ka ha?!" tapos umalis na ako. Pero hinila nya ako uli.
"Samahan mo ako!"
"Psh. Duwag lang? Tirik na tirik ang araw ah? May mang-rerape ba sayo jan? Sino? Bakla? May kotse ka naman eh! Kaya mo na yan!"
"Hala siya oh! Makapagsermon, wagas!"
"Whatevs! Uuwi na ako!"
"Hatid na kita!"
"Akala ko ba kakain ka pa?"
"Di na. Okay na ako." tapos binalik nya yung pera.
"Bakit mo binalik?"
"Di na nga ako bibili, diba? UTAK po!"
"Fine!" tapos inirapan ko na lang sya. Umupo na sa likod at nag-soundtrip. Buti naman at di na ako pinipilit ng mokong 'to na umupo sa harap.
***
Nakauwi na ako sa bahay. Sinalubong ako ni Manang.
"Nak, tumawag yung kaklase mo ba yun?"
"Huh? Sino pong kaklase?"
"Michael daw. Manliligaw mo noh?" sabay ngiting nakakaloka.
"H-hindi po. Bakla po yun!"
"Oh, sige. Umakyat ka na muna sa kuwarto mo at maligo tapos magbihis ka na. At kakain ka na ng hapunan."
Ayun na nga, naligo na ako at nagbihis. Gusto ko gumala pero tinatamad ako. Pero ayos lang, saturday namn bukas eh, walang pasok! Haha! Yes! After ko maligo at magbihis ay natulog muna ako at nagpakasarap sandali.
Michael.. calling
Accept!
P.C.
C: Hello?
M: Hi Cassy!
C: Michael?
M: Namiss mo ko noh?
C: Ulol!
M: Di naman.
C: Kelan ka pa nakabalik galing Canada?
M: Nung Starting of Classes.
C: Ah, sige. Bye.
M: May itatanong pa pala ako, uy!
C: Ano naman yun?
M: Uhm, Cassy...
**********
Edited
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
أدب المراهقين#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...