CHAPTER 20
Cassy's POV
*beep beep*
Huh? Ang aga naman ata nila Mom? Akala ko ba late sila makakauwi? Aish. Ewan. Di na lang ako bumaba, malaki na sila, kaya na nila sarili nila. Tss. At wow, kasabayan lang nila dumating ang mga maids.
"WOW!" May narinig akong sumigaw. Sino na naman yun?
"So baby, what can you tell about our house?" biglang sabi ni Mom. Huh? Lumabas na lang ako sa kuwarto ko. Na-cucurious talaga ako eh.
Shems. Bakit may bata? Ay.
Hindi na talaga ako muna bumaba. Ewan. Pero pumasok muna ako uli ng kuwarto ko.
Sino naman yung batang yun?
*knock knock*
"Cassy, tawag ka ni Ma'am sa baba." Ate Ethel.
"Susunod na lang po ako." Sabi ko.
"Okay, Cassy. Breathe in, breathe out. Kaya mo yan! Aja!" pag-chicheer up ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng kuwarto ko at bumaba.
"Hi Mom. Hi Dad. So, ba't nanaman kayo nang-iistorbo?" Sarcastic? Yah. Naging ganyan na ako simula nung feeling ko na wala na akong magulang. Nawalan na ako ng respeto sa kanila.
"Sweetie..." Mom.
"Can you please stop calling me 'sweetie'?"
"Fine. Cassy, meet your brother John Alexis. He is only 6 years old." Brother? Ano daw? Nag-ampon ba sila?
"What? Nag-ampon kayo? So ano, paano nyo yan aalagaan? Eh kung yung TUNAY nyo ngang anak di nyo maalagaan, yan pa kayang anim na taong gulang na bata na yan? Kakaiba rin kayo eh, 'no?"
"Cassy, gusto lang namin magkaroon ka ng kapatid."
"Kapatid? Ewan ko sayo, Ma!"
"Don't you ever talk to your mother like that!" Dad.
"Kayo ang wag ganyan!" then I walked out. Pumunta muna ako uli sa kuwarto ko at nagmukmok.
Shit naman kasi! May isa pang bata? Putek yan! Ako nga, di nila maalagaan, yung bata pa kaya?! Ewan ko ba. Ang lalakas din ng trip ng mga magulang ko eh. May tama na ata sila! Nakakapangselos lang kasi. Malamang naman, yung atensyon nila nandun lagi sa bata! Wala nang matitira sa akin.
*knock knock*
"Cassy, open this door!"
*Knock knock*
"Shut up!" Sigaw ko sabay bato ng vase.
"Ate Cassy! I'm sorry. Are you okay?" Alex. Ugh. Ewan ko sa inyo!
Nagtakip ako ng unan para makatulog muna. Aish. Ewan. Badtrip talaga eh. Mga ilang minuto, nakatulog din ako.
***
Oh my god! 7 pm na pala.
*knock knock*
Kanina pang may kumakatok ah? Yung totoo, sisirain ba nila pintuan ng kuwarto ko?
"Cassy, kakain na ho kayo." si Manang lang pala.
"I'm coming."
Binuksan ko na yung pintuan tas dumiretso na ng dining area.
Pagkaupo ko...
"Cassy, is there any problem?" Dad. Hindi ako umimik.
"Cass! Your father is asking you!" Mom. Di pa rin ako umiimik. Kain lang.
"Excuse me..." Tas umalis na ako sa hapag-kainan. Nakakawala kaya ng gana mga pagmumukha nila. Psh. Ang harsh ko masyado ngayon. Ewan. Pumunta na lang ako ng kuwarto ko.
*knock knock*
"AHHHH SHEEEET, WAG NIYO NGANG SIRAIN YANG PINTUAN KO KAKAKATOK NIYO!"
"Ate Cassy. May I come in?" Oh.
"Yes, you may."
Pumasok naman si Alex ng kuwarto ko. May dala-dala siyang tray na may tubig at tablet medicine.
"Oh, ba't ka nandito?"
"Mom told me that you didn't have your vitamins yet." ta's inabot nya yung tablet at yung tubig. "Here, drink it."
"Thanks. Buti natitiis mo yung ganito kong ugali." ta's ininom ko na yung tablet then I saw him smiled. "Teka nga, pano ka ba napadpad dito? Asan ba yung mga magulang mo?" Sarcastic ko 'no?
"Sabi ni Sister na nag-alaga sa akin sa bahay-ampunan, sanggol pa lang daw ako, iniwanan na ako ng mga magulang ko. Nakita daw ako ni sister sa isang eskinita na nakalagay sa isang basket. Kaya ayun, si Sister na lang nag-alaga sa akin hanggang sa lumaki ako." Ramdam ko sya mga, tol! Para ngang nanlambot yung puso ko eh. Para din naman kasi akong nawalan ng magulang. Actually, nawalan lang naman ng atensyon eh. Hmm.. Tatanggapin ko 'tong batang 'to, bilang kapatid ko. Yung hindi puro kalokohan na lang alam ko di ba?
"Ah. Ganun ba? Sorry nga pala sa mga inasal ko kanina ah?"
"Wala po yun. Okay lang po yun."
"Hmm.. Tara, baba tayo. Gutom pa ako eh." Suggest ko sa kanya. XD
"Oh, Cassy, ba't ka nandito?" Mom. So ano, kanila lang 'tong Dining Room? Bawal kami dito? Ganun?
"Bawal po ba? Sige po. Oh, Alex, tara laro na lang tayo sa taas." then, akmang aalis na kami ni Alex.
"Alex!" Dad.
"Why Dad?"
"Okay na kayo ng Ate mo?" Aish. Di ba halata? Kailangan pa ba ipahalata?
"Yes, Dad. Sige po, akyat na kami." then, they nodded.
Pumunta kami sa Game Room dito sa bahay. Nandun kasi lahat ng gadgets ko na magiging sa amin na ni Alex. Syempre, hating-kapatid eh. ♡
"Wow. Ate Cassy, ang ganda naman po dito."
"Siyempre. Ako kaya nag-aayos ng kuwartong 'to."
Nag-laro lang kami ng nag-laro.
"Alex! Wag ka ngang magulo!" sigaw ko sa kanya. Wala siyang pake. Okay, matatalo na ako sa laro.
Mga ilang oras nakatulog na sya. Pinahiga ko na lang sya sa lap ko. Nakakatamad kasing lumipat ng room. Kaya sa game room na lang kami natulog. Hayy. Ang sarap pala magkaroon ng kapatid.
**********
Edited
BINABASA MO ANG
ANG SAKIT PALA. (Editing)
Teen Fiction#ASP || Paano kung dumating na sa isang punto na magkawatak-watak ang napakasaya ninyong barkada? Maraming nagbago at marami na rin ang naitatago. Ano ang gagawin mo? First Move? O tutunganga? Tunghayan na lang natin ang kuwento ni Cassy Dirk Molina...