~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gwabeh..,maloka-loka nako nun. Bigla kong pinara yung jeep at agad-agad kong sinabe kay Mikkah na ako na ang bahala sa cellphone niya. Hindi narin siya makasunod kasi bumaba agad ako. Kathy naman, k@t*ngahan pinapairal! Nagpara agad ako ng jeep papuntang mall...pagkasakay ko...
bglang....
***ring!!! rrriinnngg!!! ring!!! rrriinnngg!!!*** tumutunog yung cellphone ko.
calling... 'miKkaH'
sumigla ung feeling ko at agad-agad kong sinagot ang phone.
hello? Cno to? ung cellphone ng kaibigan ko, kailangan kong makuha. kung anu-ano naring nasabi ko nun, hindi ko namalayan nasa mall na pala ako. Bumama nako nang hawak parin ang cellphone ko. At wala parin akong marinig ni isang salita mula sa kabilang linya. Pero ang ingay.Tapos...
Hi! na saakin ung cellphone ng friend mo.abah nagsalita din ang mokong. Pero malamang nga nasa kanya un, kaya nga tumawag eh. Ang gusto kong malaman kung pano ko makukuha. Biglang nawala na yung ingay. Binaba na niya ung phone. Anu ba naman yan! Badtrip talaga Kathy. Malamang alalang alala na si Mikkah ngayon.
*toot! toot! toot! toot!*
1 message received
Sender: miKkaH... Hmm...sa mcdo nlng. I have ur friend's phne. Sori agen.Ü
Mcdo? mcdo ba kamo? Puro kamalasan talaga inaabot ko dito.Pero lumigalig naman ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi hindi na problema ang pagkuha ng cellphone ni Mikkah. Ambait naman nitong nakakuha ng phone niya. Pero baket kaya siya nagsosorry? Ok lang, ganda ng boses. Mukhang matino, kala ko pa naman adik. Eh di kung adik un, ala nang balak ibalik yung cellphone nun saken. Haii..Kathy kung anu-ano na pinagsasabi mo diyan! Pumunta ka na nga lang ng mcdo.
Pagdating kong mcdo.
Umupo lang ako sa isang table dun. Kinuha ang cellphone ko at nag-text ako kay mommy na gagabihin ako. Mamaya ko na lng eexplain lahat. Pagkatapos noon naghintay ako,ilang sandali lamang ay may nagsalita...
Ahm...excuse me. Miss kayo ba yung nakaiwan ng cellphone?I have it right here. Sorry again kanina. Nagulat naman ako at napalingon sa likod. Napatingin nga ako sa taas, ang tangkad kasi. Pero parang familiar ang face niya..hindi ba siya yung...yung..nakabangga saken kanina? Napatayo na lang ako at sinabing...
Ikaw? Pano napunta sayo yung cellphone ng friend ko? tanong ko..
Ah kasi nung nakabangga ata kita kanina, nahulog mo yung cellphone sa tray na dala-dala ko. I was trying to catch your attention. Pero hindi moko pinapansin.
Baket di ka man lang lumapit? Pinahirapan mo pa akong bumalik dito? sagot ko sa kanya.
Uhmm..,wala lang. huh?! tama ba un?! 'wala lang'...so talagang pinahirapan pa talaga ako nito. Pero teka..
Pano mo na-contact yung name ko dito sa phone ni Mikkah? buong pagtataka ko.
Ah..narinig ko kasi kanina na tinawag ka nung kasama mo, sabi "Kathy"..tpos nakita ko sa phonebook kaya I thought of calling you.
Ah...ok naman pala eh...at least nandito naren ang cellphone ni Mikkah. Lumuwag ang pakiramdam ko at nagpasalamat sa taong toh. Infairness mabait siya at may face? Pero di ko paren matatanggal sa isip ko na siya yung taong pagka-t@n*@-t@n*@ na bumangga saken. Oh baka naman ako ung lokang hindi tinitingnan ang daanan ko. Haii...Kathy! Kunin mo na lang yung cellphone at umuwi kana. Gabi na!
Ah okie. Salamat! Kelangan ko nang umuwi kasi gabi na.
Nagmadali nakong umuwi nun. Masaya ako at nakuha ko tong cell ni Mikkah, meron pa palang mabubuting loob ang mundo ngayon. Bihira na kasi ang mga taong magbabalik ng cellphone. Kaya naman agad-agad nakong umuwi. Bukas ko na lang ibabalik tong cellphone. Gabi na kasi, itatawag ko na lang sa bahay nila na nakuha ko na ang phone. ~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~oo~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o