Chapter 9

127 2 1
                                    

Kathy's POV

What? Siya talaga yun! Whipeeee! Ang saya-saya ko naman! Ngayon lang ulit yan pumunta dito! Bumaba nako sa hagdanan as in parang may earthquake intensity no.1000000!!!!

Pero teka! Kausap niya si Anjo...OH NO! LAGOT! Ayaw pa naman niya nang nakakakita ng lalaking bumibusita sa akin. Natatandaan ko pa last......ANYWAYS.........bahala na! Basta nandito siya at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapasigaw!

KUYYYYAAAA KEVINNN!!! Todo sigaw at the top of my lungs talaga ang ginawa ko. Dirediretso ako papuntang sala kung saan sila nakaupo kasama si Anjo.

Kathy! Beloved brother! Este..my lovely sister! tumayo agad si Kuya at in-open wide ang kanyang kamay parang i-hug ko siya. Syempre ano pa ba ang ginawa ko? Sinumbagan ko si Kuya Kevin...miss na miss ko na yun noh? Nagmukha nakong bata..nakalimutan ko nandito pala si Anjo.

Kuya,upu na tayo. Umupo na kami ni Kuya at napatingin naman ako kay Anjo kasi mukhang siryoso at tahimik. Ano kayang sinabi dito ni KUYYYAAAA KEVVVVIIIINNN!!! <--kunwaring sumisigaw ako sa isip ko. Nakapagtataka kasi ang mukha ni Anjo eh. Kaya tinanong ko na lang siya.

Oh, Bakit ka napadaan dito?

Wala lang..,kasi galing ako kina Bryan kanina eh malapit lang naman bahay niyo kaya napadaan na din ako.

Ah ganun ba? Gusto niyo kain muna tayo, teka lang hah! Tinawag ko si Manang Lita para magpahain na ng hapunan. Si mommy nasa kwarto pa ewan ko lang kung alam na niya na nandito na si Kuya Kevin,pero tingin ko hindi pa nga niya alam kasi kung alam nun eh baka kanina pa kasama sa chikahan yun dito. Kaya bumalik ako sa sala at kinausap ang dalawang kolokoys ng buhay ko? Nux! Is that for real Kathy? Teka, isama mo na nga din si Daddy dear. Umupo ako sa tabi ni Kuya.

Kuya pinuntahan mo na ba si mommy sa room niya? Ang kulet ko noh? Sinagot ko na nga yung tanong na yung kanina pero malay mo diba? Matanong paren ulit!

Hindi pa nga eh.Mamaya na lang para ma-suprise ko siya. As usual (sabi na nga eh,kulit mo kasi KATHY eh!) ganyan si Kuya laging nang-susuprise. Pati ako eh ginulat sa pagdating niya eh.

Wait..bakit iba ang expression ng mukha ni Kuya ngayon, tila, parang, marahil, subalit, datapwat, ahy EWAN! Basta tinitingnan niya ako....sabi na nga ba eh.. dahil ito kay Anjo. Ewan ko lang basta I need to break up the silence!!

Ah..kuya classmate ko nga pala, si Anjo! Anjo kuya ko...nakilala niyo na ba ang isa't-isa?

Naku lagot! Baka kung anung gawin ni Kuya Kevs kay Anjo. Eh kilala ko na tong taong to simula't-simula pa lamang ng aking kapanganakan. Kahit simpleng kaibigan kong lalaki eh masyadong protective sa akin yang kuya ko. Minsan nga naiinis ako diyan eh, kasi ang KJ!!KJ!!KJ!! Para boy FRIEND lang...uyy..BOY FRIEND hah! Magkahiwalay yun! Wish mo lang Kathy!

Ahh..oo, si Angelo nga daw siya. Bakit Anjo tawag mo sa kanya? Ganyan ba ang tawagan niyong mag-syota? Kathy dapat yung tipong gummybear, sweetie pie, honey, baby,french fries, at.............

Tiningnan ko muna si Anjo bago magsalita..nakakahiya naman tong si kuya! Ito namang si Anjo, mukhang no comment paren ang pinipinta ng mukha.

Sira ulo talaga tong si Kuya Kevin!

KUYA! Nahihibang ka na ba? Hindi ko na pinatapos magsalita si kuya dahil tiyak eh sandamakmak na terms ang sasabihin niya sa aken! Ngayon lang yan ganyan. SOBRANG NAKAKAGULAT! Bakit ako aadvisan ng isang tulad niya about kay Anjo...at to say.. sa bf thingys pa!!!

Sabihin na lang nateng close friend ko siya kaya ganyan tawag ko. Anung syotang pinagsasabi mo diyan. Tska pwede ba kuya, puro ata pagkain ang pinagsasabi mo diyan eh..may gummybear ka pang nalalaman. Medjo napatawa naman si Anjo sa sinabi ko. Kaya napatingin ako sa kanya. Uy, napapatawa ko siya ngayon. Greatest achievement Katherine Ysabelle Perez kasi kanina pa ata yan tahimik eh.

Magic Spell Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon