___________________________________________________________________________
Kathy's POV
Getting ready nako para sa practice namen. Syempre kailangan nandun nako mga 10:30 ng umaga. Mga sira kasi mga yun eh. Gustong buong araw mag-prapractice daw. Parang gusto ata nilang ubusin boses ko eh. Ang hirap magkakakanta diyan buong araw ah. Haii..Kathy reklamador ka talaga kahit kailan. Mga 10:00 am nako nagising at oo late nako. Abah,bahala muna sila dun. Kayang-kaya pa ni Angelo yun. Naligo nako,nagbihis, nag-ayos and larga na. Okay, this time hindi ako mag-cocommute kasi hindi naman wala namang lakad sila Daddy at Kuya Joel (ang aming driver), kaya magpapahatid ako sa kanya.
Ma, aalis nako.
Bye Kathy, ingat ka. Tumawag ka na lang kung magpapasundo ka kay Joel mamaya.
Opo mommy. tapos nag-kiss nako sa kanya and sumakay na ng car namen.
Nasa kotse...
Kuya diyan tayo sa Monte Vista.
tapos mga ilang sandali nakapasok na kami sa village nila Nico.
San dito Kathy? Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito.
Kuya sa Apple Street daw. tapos tiningnan ko yung sketch na ginawa ni Nico.
Ano ba naman to. Napakagandang sketch talaga tong tinitingnan ko. Masterpiece eh, mala-abstract ang dating..HINDI ko maintindihan.
So yun, kahit papaano nakuha naman namen, este ni Kuya Joel pala. Siya na lang ang nagtiyagang intindihin yun at na-carry naman niya. Kaya nandito nako sa tapat ng bahay nila Nico.
Sige Kuya dito na lang ako. Mamaya na lang ako papasundo.
O sige Kathy,dadaanan na lang kita mamaya.
At bumaba nako ng kotse tapos umalis na si Kuya. Nag-doorbell nako sa bahay nila...
ding! dong! wala paren...pinagmasdan ko lang yung bahay nila...okay,may garden sila, kainggit.
Mas malaki nga bahay namen pero wala kaming garden. Gusto ko pa naman yun. Plano nga din ni mommy eh, pero hanggang ngayon wala pareng nasisimulan. Maganda din pala ang bahay nila Nico. Simple but elegant. Tapos nun nag-doorbell ulit ako.
ding! dong! May lumabas na din. Sa wakas.
Ah..pasok po kayo. katulong siguro nila to,malamang Kathy! Ano bang iniisip ko? Bata pa kasi yung itsura niya eh.
Sila Nico po? tiningnan ko yung watch ko. 11:30 na pala! Napakalate ko na!
Nandun sa loob, pasok ka. Dun sa may band room sa taas. then pumasok nako at nag-masidmasid. Tinuro ni Ate yung isang room sa taas. Kapanipaniwala naman at yun ang band room, dahil hanggang dito sa labas naririnig ko yung drums. Ang lakas magpatugtog ni Bryan.
Nagsimula nakong umakyat sa hagdanan nang may narinig akong instrumentals,parang intro ata yun nang.."Where are you" by Justin Roman feat. Soluna. After nung intro may narinig akong kumanta...so napa-freeze lang ako sa kinatatayuan ko nun...
There's someone out there for me, I know she's waiting so patiently, can you tell me her name? this life long search is gonna drive me insane
Ayaw ko paring pumasok nun ang gusto ko lang eh marinig yung boses nito. Ang ganda kasi eh..si Angelo nga ba talaga ang kumakanta?
How does she laugh how does she cry, what's the color of her eyes, does she even realize, I'm here
Hayy...nakakahiya na tuloy pumasok. Kasi nasasapalan lang niya boses ko. Pero hindi, kailangan ko na talagang pumasok kasi magagalit na mga yun saken kasi nga late nako. Then unti-unti nako naglakad..