Chapter 18

76 2 1
                                    

Kathy's POV

GISING NA PANGET! PANGET! PANGET! GISING NA PANGET! PANGET PANG--!

PANGET ka din! Okay alarm yun ng cellphone ko. Ang alam ko eh Princess yung nakalagay dun.. "GISING NA PRINCESS...." bakit panget ang nandun? Si Kuya Kevin talaga! Iniba yung alarm ko. Lagot yun saken. Bumangon nako sa higaan ko at..

Hep! hep! hep! Maligo ka na at nangangamoy ka na.

At bakit ka nandito sa kwarto ko? Lumabas ka nga kuya! Lumapit ako sa kanya habang tinutulak palabas ng pintuan.

Sige bahala ka! Nandiyan pa naman yung sundo mo sa labas. Bahala ka kung mangangamoy laway ka pa diyan. HAH? anung?

Anung pinagsasabi mo diyan kuya? Wala akong inaasahang sundo at teka nga..ang aga pa noh! Easy lang siya sa pagsundo sa akin. Sinong sira yan?

Ah...sayang! Sige papaalisin ko na..sabihin ko lahat ng sinabi mo. At sira pala hah! Masira na nga din toh! habag nilabas ni kuya ang isang bouquet ng flowers sa kanang kamay niya. Uhmm...ang bango pa naman! At inamoy naman niya yung mga flowers. Agad-agad kong kinuha sa kanya. Saan to galing?

Bakit hindi mo subukang maligo muna at tingnan sa labas kung kanino yan galeng.

Nilagay ko na yung flowers sa bed ko (blue roses). At sinara na ni kuya yung pinto. Syempre ako naman eh naligo, nagbihis, nag-ayos, nagpaganda (kasama pa ba yun?). At bumaba na papuntang dining room. Nagulat ako nang bumulaga saken si Kuya, Mommy, Daddy, at Anjo? Naguusap sila sa may sala.

Okay, bakit hindi ko pa naisip yun? Na pwedeng si Anjo nga ang nagbigay nito? Eh shungga-shungga ka kasi eh! Okay..naguusap-usap sila...hindi ako makasabat. Dirediretso lang ako sa table at hindi ko sila pinansin. Kumain lang ako dun. Pagkatapos kong kumain tumayo nako.

Kathy, good moring!

Good morning din mom!

Oh Kathy bakit hindi mo man lang i-entertain bisita mo? Halika dito hija! hay naku Daddy, pano ako makakasingit kung masinsinan ang paguusap niyo diyan.Tiningnan ko naman si kuya na parang pinipigilan yung tawa niya.

Yikee si Kathy...mabago na! Hindi na amoy law--

Shut up Kuya!

Ah..good morning sainyo! Thanks sa flowers Anjo. Lumapit naman ako sa kanila nun. Umupo naman ako sa may tabi ni Mommy.

Sure ba, wala yun!

Sige, maiwan na muna namen kayo. At kailangan ko nang magready for office.

Okay daddy. Napansin ko lang na ang aga-aga pa pala! Kasi mag-reready pa lang si daddy for office eh kadalasan papaalis na siya kapag nakabihis nako tulad ng ganito.

Ah..Tito,Tita! Aalis na din po kami ni Kathy, kailangan po kasi maaga kami sa school.

Aga-aga ka diyan? Hindi naman kailangan ah! Pero hindi nako nagsalita. Maki-sakay ka na lang Kathy.

Oh sige Hijo! Ingat kayo.

Byebye!

Bye Angelo! Inagt ka kay Kathy! Tiningnan ko naman si Kuya ng masamang tingin. Sorry, sabi ko nga eh..ingat kayo!

Tapos umalis na kami. Kala ko eh may kotse siya pero sabi ko nga eh mag-cocommute kami eh! Nung nasa jeep kami eh walang nagsalita sa amin. Kaya naisipan kong mag-break ng silence.

Anung nakain mo? Bakit ang aga-aga eh pumunta ka sa bahay? Asus Kathy, pero aminin..gusto mo naman. Pero alangan namang sabihin ko yun. Syempre kunwari no comment lang ako sa mga pinaggagawa niya.

Wala naman..baket bawal ba? Sorry kahit ako naguluhan nung paggising ko nung umaga. Ano daw? Siya pa ang naguluhan? Anung tingin niya iniisip ko ngayon?

Hah?

Basta..you won't believe it!

Ang alin Anjo?

Ang....

manong,para! Dito na lang kami!

I'll tell you..some other time. Tapos hinila niya ako pababa ng jeep. Nandito na pala kami sa school. Kahit kelan talaga tong si Anjo eh ang higpit humawak sa braso. Sanayan na lang siguro. Anjo talaga!

Hey! Braso ko!

Sorry! Teka! Teka! Di tayo nagmamadali at maaga pa hah! Bakit parang hinahabol to ng tigre? Binitawan naman niya yung braso ko pero hinawakan yung kamay ko. Okay napatingin naman ako sa kanya nun.

Wag ka munang magsalita. May hinahabol ako. Okay fine! Tatahimik na nga eh.

Naglalakad na kami sa may hallway nun nang nakita namen si manong janitor.

Excuse me po! Kayo po ba si Kathy at Angelo? Pinapapunta po kayo sa band room. Okay..may practice pa pala kami. Great! Biglang..tumingin ako kay Anjo at tumingin din siya sa akin.

Nakapagtataka at alam agad ni manong janitor na maaga kami ngayon at bakit kami lang? Madami kami sa banda noh! Hay bahala nah!

Mauna ka na muna! May pupuntahan lang ako. Paki sabi baka ma-late ako.

Ahh..pe--..

Sige na, got to go! Bye Kathy! Binitawan na din niya yung kamay ko. At tumakbo ng pagkabilis-bilis.

Ako naman eh nakatulala lang dun habang iniisip ang mangyayari. Oh cya! Pumunta muna ako sa classroom namen at halatang wala pa talagang ka-tao tao dahil sa tahimik! Galeng naman at first time ko atang maaga ngayon as in maagang-maaga! Buti na lang may susi ako ng room namen. Kaya binuksan ko na at nilagay yung bag ko sa seat ko. Pumunta muna akong locker at kinuha ang mga books para sa panghapon dahil malamang eh sakop na ng practice namen yung morning subjects. After nun,pumunta nakong band room. Hayy siguro naman sa tagal ko dito eh nandun na si Anjo.

Sa harap ng pinto ng music room.

Pumasok ako at walang tao.Binuksan ko yung ilaw. Siguro nandun sila sa loob ng band room.Yung music room namen eh malaki kaya madaming rooms dito. Isa na dun yung 'band room' na pinaka-unang pinto na makikita.

Sir? Anjo?

No response..kaya lumapit ako sa may pintuan ng band room para buksan pagbukas ko..madilim tapos...nagulat lang ako!

Magic Spell Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon