Kathy's POV
Tumingin ng masama si Alyssa kay Mikkah tapos umupo na sa tabi namen.As if naman may germs yung upuan at kelangan pa talagang punasan ng tissue. Masyadong OC ah! (obsessive compulsive). At nakakairita. Akalain mong parang rarampa na sa suot niyang micro mini skirt at spag strap. Kalandian naman talaga oh. Anywayz, hindi ko na talaga mapigilan sarili ko kaya nagsalita nako.
Excuse me lang hah! Hindi naman kasi toilet bowl yang uupuan mo. Kaya please tama na sa kaartehan at umupo ka na!!
Nagulat ata si Alyssa nung makita niya ako.
Ah Kathy! Nandito ka pala! Well,sabi na nga ba eh. Papanurin mo akong manalo sa contest na toh. O baka naman sisirain mo lang buong stay namen doon. Sabay upo sa seat.
Imbis na ako yung magsalita. Si Mikkah yung nagsalita para sa akin.
Abah at sinong nagsabing matatalo mo ang beauty ko? Mangarap ka nga diyan, asa ka pang mananalo ka eh kahit ma-3rd runner up ka impossible pa eh. Labanan daw ba ang beauty ko at beauty ni Kathy. Hoy bruhita wag kang masyadong manigurado. blahblahblah!!!
...at kung anu-ano pang sinabi ni Mikkah kay Alyssa. Ako naman nanahimik na lang. Si Bryan naman, natulog.
As if I care. Oh c'mon Mikkah! Hindi nako papatol sa level mo ah. Like oh may gaaad! Para kang tindera sa palengke noh! And I won't and NEVER wanna argue with you.
Napahiya lang siya eh! At ayaw lang makipagtalo kay Mikkah kasi alam niyang hindi niya makakaya ang barahan powers ng kaibigan kong toh.
Pa-english english ka pa diyan! Like helloooo!! Like oh may gaaad! sabi ni Miks habang ginagaya yung tono ni Alyssa.
Tama na nga Miks. Pabayaan mo na lang yan. hinawakan ko si Miks sa braso.
Teka! Hindi pwede yun Kathy! Ginaganyan-ganyan lang ako! Uupakan ko na toh eh! Pigilan moko!
Tumingin ako sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Ano ba tingin ni Mikkah na ginagawa ko sa kanya?
Este! Bitawan mo nga ako!
Binitawan ko naman siya. Pero si Alyssa parang walang paki sa mundo at nakinig na lang sa ipod niya. Pakanta-kanta pa sintunado naman. HMPH! Yung mukha pa pang-asar eh! Si Mikkah naman kinuha yung unan niya tapos hinarang sa gitna nila ni Alyssa at pinagpipindot yung cellphone niya. Siryosong nag-tetext ang gagaita.
After ilang mins. may nagtext.
Si Anjo.
"Woi! Musta buhay dyn sa likod? ingay niyo ah."
WAhh...gosh! as in oh may gaaad!! yaan!! nagaya pa tuloy ako kay Alyssa bruha. Pero sa isip ko lang yun noh! Anyweiyz....alam ni Anjo na nandito ako. Galing naman ng taong yun!
Right after mabasa ko yung text niya napatingin ako kay Mikkah. Bigla daw bang ngumiti ang loka. Ngayon alam ko na kung paano nalaman ni Anjo.
Iniisip ko pa kung mag-rereply ako pero biglang nagsalita yung adviser ng 2a. Okay. Everyone listen up! I need your full attention please. In about 5 mins we will have a stop over at the next gasoline station. If anyone wishes to buy we will alot only 15 mins.
After ng madaming paalala. Tumigil na yung bus tapos bumaba na kami ni Mikkah. Si Bryan tulog paren tapos si Alyssa kanina pa nauna. Si Anjo naman hindi na namen nakita kasi nasa harapan siya hindi ko na napansin yung paglabas niya. Kung lumabas man siya. Pagbaba namen, first na pinuntahan namen ni Miks eh yung CR.
Sa loob ng cubicle.
Hey girl! Ready na ba? What do you think? Pwede na kaya?
Yeah! I've got it all planned.....
bago ko pa marinig yung ibang sinasabi nung unknown girl eh biglang nag-flush na yung cubicle ni Mikkah. OK fine! kanina pa naman ako tapos, makalabas naden.
Paglabas namen ni Miks sa cubicle wala na yung dalawang babae. Gwabeh umaandar na naman ang pagiging chismosa ko. Pero i don't care naman. Natutuwa lang ako kasi yung mga boses nila parang mga bakla. Siguro nga bakla mga yun na pumasok sa ladies CR. Anyways, hindi ko na naman nabanggit kay Miks yun. Wala naman ata siyang napansin.
After nun pumunta kaming starbucks at nag-order ako nung favorite ko. Java Chip. Si Mikks-Mocha Frap. Habang hinihintay yung order may isang SOBER GWAPONG nilalang akong nakatabi.
WAHHHHHHHHHHH!!!! SUPERRRR talaga!! Gwabeh!! Bakit kaya ang super gwapo niya? Nakaka...! Tall, white, handsome. Kaso may braces. Pero ayus lang. Bagay naman sa kanya. Shyetek talga! CONTROL KATHY.....kathy....kathy...kathy....nakatulala lang ako sa kanya. Na-iimagine ko tinatawag ata niya name ko......kilala niya ako. TEKA! Nababaliw lang ata ako. STOP!
KATHY!!! Halah si Mikkah! LAKAS talaga ng boses nito! Sigawan daw ba kasi aq sa tenga nang pagkalakas-lakas.
Bakit ba?
Anung bakit ba? Kanina ka pa tinatawag para sa order mo noh! Kaning pa Kathy ng Kathy yung babae sa counter noh! Ano ba nangyayari sayo?
Napatigil lang ako tapos hindi nako makapagsalita. Napahiya pa tuloy ako sa unknwn crush ko. Hindi pala siya yung tumatawag ng name ko. ASA pako noh! At pano naman niya ako makikilala. Hindi ko nga siya kilala. Ako pa kaya. Napahiya ka talaga Kathy. TSK! Kaya yun. Kinuha ko na yung order ko tapos umalis na kami sa starbucks ni Miks para naman hindi pako makita nung lalaking yun.
Nang biglang.
MIKKAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! WALLET ko???
yung
wallet
ko nawawala............
san kaya yun napunta???
Hawak ko pa yun kanina.....
REMEMBER KATHY......KATHY.....REMEMBER!! KATHYYYYYYY...........
Nang biglang may kumalabit. KATHY!??!
Si Mr. Starbucks. WOAH. Kilala niya ako? WEH? SIRA ka talaga Kathy! Isigaw ba naman ni Mikkah yung pangalan ko sa Starbucks noh? Sinong hindi makakarinig nun??