Kathy's POV
4:30 am..
This is the day na pala! Kinakabahan ako kasi isipin mo, wala pa akong sinasabihan na sasama ako, kahit si Mikkah eh hindi ko na natawagan para sabihin kasi mga gabi na kami nakarating sa bahay tapos antok na antok nako. Sabi ni Mommy kelangan ko daw ng beauty sleep kaya natulog nako agad.
Bumangon nako sa kama. Syempre nag-pack ng bags kasi mga 4 days 3 nights kami dun. Ansaya naman excuse pa kami sa klase for 2 days. Saturday kasi ngayon at sa tuesday pa kami babalik.
Nag-bye bye nako kela Kuya,Mommy, at Daddy. Pati naren kay manang Lita at Kuya Joel. Parang mawawala ng isang taon ang pagpapaalam namen.
Papuntang school...
Medjo madami yung nakikita kong tao ngayon kesa sa expected ko. Baket?
Nakikita ko yung mga bus from a far. Ang dami! Parang mga 10-15 buses ang nandito. Hindi naman siguro buong school ang sasama? Ayaw ko nga..'di na ata ako papayag nun! Walang nabanggit sila Mommy sa akin na ganito. Gusto ko na sanang mag-backout kasi ang buong akala ko eh yung candidates lang ang sasama, pero halos buong school ang nakikita ko dito. Nang nakarinig ako ng pamilyar na boses.
Kaaathhhyyy!
Lumingon lang ako at hindi nagsalita.
Akala ko hindi ka makakapunta..
Alam niyang sasama ako??
..nagulat nga din kaming mga candidates na kahit sino pala eh pwedeng sumama, may bayad nga lang. Nagulat ako nung nakita ko si Bryan at Ikaw! Nhux naman, yan ang gusto ko sayo eh may support ka saken!
So ang akala ni Mikkah I'm here to support her, hindi niya alam na kasama ako. Ano kaya magiging reaction nito?
Kung alam ko lang na hindi naman pala kelangang sumali sa contest na to para sumama eh 'di sana sumama na lang ako para mag-support kay Mikks at syempre masubaybayan ko si Anjo at kung anong gagawin ng lintik na Alyssang yun. Ano ba yan parang wala ding nangyari sa pag-aalala ko ng isang buong linggo kasi kahit sino pala pwedeng sumama. Siguro no classes sa monday and tuesday.Malamang.Pero bakit ko hindi alam na pwede pala sumama ang non-candidates? Nakakaasar naman! Nagyon mali ata naging desisyon ko. Pwede naman sigurong mag-backout pero sasama paren.
Pero bago yun, sasabihin ko muna kay Mikkah ang lahat.
Mikks, sa totoo lang eh kasali ako sa contesst eh.
Talaga? Paano nangyari yun? Kwento mo dali!
Excited naman to, eh parang ayaw ko nang sumali eh.
Kaya ayun, kinwento ko lahat kay Mikkah. After nun pinagtatawag na kami sa bus namen. Hindi ko alam kung pano nangyari basta lumapit sa amin si Kuya JR at sinabing magka-bus kami ni Mikkah. At ngayon nandito na kami sa bus 9. NO sign of Anjo paren. Sabi ko na nga ba..hindi nako nakakapagback-out dito eh. Pina-upo na kami ni Mikkah sa may bandang likod (yung may mahabang chair dun). Solong-solo namen yun!
Gwabeh Kathy, I can't believe talaga na sasali ka. Ang galing naman. Pero baka magulat ka pagnakita mo sila Anjo.
Huh? Anong sila Anjo? Baket?
Ewan ko din. Basta simula nung tinawag kami for clarifications sa mga gagawin. Pati yung kung pano kami rarampa sa stage eh kapit tuko na yung Alyssang yun sa Anjo mo.
What? Nakooo...pag yan nakita kong nakadikit na naman kay Anjo baka kung anong magawa ko sa kanya. Bakit naman kasi napapapayag si Anjo dun? Teka, Kathy nag-aassume ka na naman agad. Walng kasalanan si Anjo, binibiktima lang siya ni Alyssa.
Biglang ag-ring cellphone ni Mikks. Sinagot naman niya.
Bryan? Oh san ka na? Dito kami ni Kathy sa bus 9.
Narinig ko naman nagsalita si Bryan sa kabilang linya. Si Kathy? Sasama din pala siya. Susupport namen kayo ni Anjo sila Carlo at Nico 'di makakapunta eh. Di pa pala alam ni Bryan kaya sinabi naman ni Mikks.
Oo sasama siya. Later na lang namen sasabihin lahat. Sige, bye!
Tapos 'di ko na narinig sinabi ni Bryan. Pero narinig ko si Mikkah sabi.. " love you too, ingat..."
Answeet naman nila.
Sandali lamang eh dumating na si Bryan. Umupo siya sa tabi ni Mikkah. Syempre sakop namen yung buong likod ng bus kaya medjo maluwang pa. Nandito naman kasi ako naka-upo sa may bintana.
WALA paren si Anjo. Siguro hindi ko na lang siya hahanapin.Kinwento naman ni Mikkah kay Bryan na sasali ako sa contest. Syempre ako tahimik lang. Biglang may nag-text.
Si Anjo!
"hi! Gudmrning...musta ka n?"
Reply agad ako : " Fyn,ikw? "
Bilis mag-reply ah.. Ok nmn kmi d2.Kso, medjo nde ren..ksi wla ka. Hindi pa pala alam ni Angelo.
Magrereply pa lang ako biglang nagsalita na yung teacher na naka-assign sa bus namen.
Okay, everyone..buckle up! We're gonna hit the road! Ayos tong teacher na to ah. Siya yung adviser ng 2a at medjo matanda na siya pero sabi nila "cool" paren daw. Aalis na kami pero sabi ko na nga ba eh hindi ko ka-bus si Anjo.
Wait! tapos nag-head count muna kami isa-isa para malaman kung may naiwan. ..26! We're only 26 in the bus but in my list there are 28 students. Let me check.
Biglang may pumasok sa bus.
Putek sa lahat ng pwede....si ALYSSA pa!
at......ngayn ko lang nalaman. 'Tali' na pala ang papel niya sa mundong ibabaw..nakapulupot kasi siya...
kay ANJO! !@#$!
Hindi pa ata ako nakikita ni Anjo kasi nandun ako sa may bandang window na may mga curtina. Ayaw ko talaga munang magpakita. Biglang nagsalita ulit si Ms. There you are Alyssa and Angelo. Are there empty seats there? Tumingin si Ms. sa bandang likod. May free space pa sa amen pero iisa na lang ang pwedeng mag-kasya. Bigla naman tong katabi kong si Mikkah eh nag-prisinta.
Over here Ms! We don't mind if Alyssa would take this free space right here!
Tiningnan ko si Mikkah nang inis na inis. Alam niyang ayaw ko dun kay Alyssa.
Okay, Thank you Mikkah! Alyssa you may go there at the back and Angelo, you may seat here infront.
Papunta na si Alyssa sa amin at nagkakanda hirap buhatin yung gamet niya. WAWA naman...akala mo kasi mag-mimigrate sa mga dalang maleta! Biglang napatingin ako kay Mikkah kasi may sinabi siyang pabulong.
This is gonna be fun! Tingnan lang naten kung kaya niya powers ko. Si Mikkah talaga. Naku, nakakatakot yan makipag-away.
Nag-smile lang ako tapos tumayo si Mikkah. Anong gagawin nito?
Bryan, tayo ka muna! Exchange tayo.. Then tiningnan niya si Alyssa na malapit na sa amin. ....baka kung anong mangyari sayo kapag katabi mo yan eh! Hindi ako papayag.