The next thing I knew....
RRRRRIIIIIIIINNNNNGGG!!!!-->alarm clock
(YawN) Good morning Kathy! Good morning World! At Good Morning....WAHHHHH!!! Ang huli ko lang na naaalala eh nanunuod kami ng movie sa bahay ni Angelo. Opppss! Kala niyo ah..hindi po ako natulog kina Angelo. Syempre naman nagmagandang loob siya at inuwi na din ako sa bahay. Pero hindi ko natatandaan na nagising ako..'di kaya binuhat niya ako? Waw..lakas naman niya,sa bigat kong to?
Biglang narinig ko ang aking mahiwagang cellphone...
"...Tila ibon kung lumipad sumabay sa hangin ako'y napatingin sa dalagang nababalot ng hiwaga..."
As usual my ringing tone is "narda"...may tumatawag ng ganito kaaga?
Hello? wala nakong oras para tingnan pa kung sino yung tumatawag, ah basta sinagot ko na lang.
Good Morning! Asus...kaaga-aga tlga to oh! Nabuhayan tuloy ang spirit ko! Kasi may tumawag at may nakaalala sakin...kayo hah...baka kung anu-anong iniisip niyo.
Good Morning din! Sorry kagabi hah! Nabala pa kita! Nakakahiya naman sa inyo.
That's nothing! Sige baka ako pa ang nakakaistorbo. See you later na lang.
Bye!
Bye!
Binaba ko na din yung cellphone ko, aung nangyari dun? Este anung nakain nun? Bahala na nga...i must get ready!
Kumilos ka na Kathy para sa araw na to. Kaya naman nagising nako at naligo,bihis,nag-ayos...at bumama na sa sala para kumain at larga na. Paalam na kay mommy at daddy.
Pagdating ko sa school.
Kathhyy!! Good MORNING! to the highest level na naman ang energy power ng babaeng to.
Good morning Mikks! Aba, medjo maganda din naman ang gising ko.Then nilagay ko na din bag ko sa place ko.
Kathy..Mikkah!
Hi Ralph!
Tara..pagusapan naten yung about sa project naten sa music. Nakita naman namen na nandun na silang lahat. Si Bryan, Nico, Carlo, Ralph at Angelo. Kaya lumapit na kami ni Mikks para mapaghatian na ang parts ng aming banda.
At ganito na ang kinalabasan:
DRUMS-Bryan LEAD GUITAR-Ralph (sobrang galing ni Ralph..lalo na last year,hay..nung crush ko pa siya! TAKE NOTE...DATI lang yun!) BASS GUITAR- ORGAN-Mikkah (nag-pipiano lessons si Mikks since grade 4..kaya mas magaling yan saken..,onti lang alam ko sa piano noh!) VOCALS- MANAGER-
Bale ang natitira na lang is AKO...NICO,CARLO,at ANGELO...
Nico: Onti lang ang alam ko sa Bass guitar lalo na sa pagkanta. Siguro sa akin na lang ang venue, may band room naman kami sa bahay eh, dun nagprapractice minsan banda ng kuya ko. Carlo: Naku! Wag niyo akong asahan sa vocals baka gusto niyong umulan ng apoy. I think I can handle bass guitar.
Kaya ito na lang ang PROBLEMA...
DRUMS-Bryan LEAD GUITAR-Ralph BASS GUITAR- Carlo ORGAN-Mikkah VOCALS-? MANAGER- Nico
Nagtinginan lahat sa amin ni Angelo..
Oh..baket? biglang sumigaw si Mikkah...kelangan ba talagang sumisigaw?
WAHH...i remember! Si KATHY! Magaling yan kumanta! diba? Kumanta tayo noon nung debut ni Ate? So...anu naman? Maganda na ba agad yung boses pag ganun?
Tapos diba Kathy you remember pinagsolo ka nung mga friends ni Ate? Anu naman kung pinagsolo...pinagtritripan lang ako nung mga yun eh...haha...
Oh sige Kathy kayo na lang ni Angelo yung vocalists. Okay fine..panalo na kayo..
Okay, kelan tayo mag-prapractice ? Abah..atat ito? Tagal-tagal pa nun eh..pero at least may band nako. Speaking of bands...diba sa friday yung auditions of battle of the bands? Matanong nga kay Ralph mamaya kung matutuloy pa ba yun.
Nico:Ah..basta I will tell you guys. Remember ako ang manager niyo? Bwahaha...'di joke lang. Basta pag pwede ang band room. Practice tayo.
Ok. Nga pala..Ralph yung auditions sa battle of the bands this friday? Tuloy ba yun? Ayan at nakisingit nako.
Ah..oonga pala. Nakalimutan kong sabihin sainyo na next friday pa pala yun kasi yung ibang bands hindi pa ready and yung iba kulang pa ng members like kame.Halos lahat nga ng bandmates namen ni Bryan eh nag-backout na eh. Sorry hah, kanina lang din ako na-inform.
Nico:Wait! Diba next friday pa naman yun? Sino-sino na bandmates niyo ngayon Ralph?
Hindi ko pa nga alam eh. Baka mag-back out na din kami ni Bryan. Come on, dalawa na lang kaming natira. Binrainwash ng barkada ni Ian eh. Langya nga mga yun eh! Mga uto-uto! Kala ni--
Nico: TEKKAA! tapos tumingin si Nico Kay Carlo.
Nico: Are you thinking what I'm thinking B2, este Carlo? Lumingon naman si Carlo kay Nico.
Carlo: Oo B1, este Nico! Sila lang ang nagkakaintindihan. Ano kaya iyon? Lahat kami nakatingin lang sa kanila na parang nanunuod ng bananas 'n' pajamas.
Hoi! Mag-share naman kayo diyan! Hindi kami makarelate oh!
Carlo: Naisip lang namen ni Nico na kung gusto niyo tayo-tayo na lang din ang magkakasama sa battle of the bands. Tutal, tayo din naman ang sa group sa music. Pwede din naman siguro nateng pagigihan sa "battle of the bands" noh? Natahimik kaming lahat..What? Kakanta ako infront of the whole school. Come on..ako pa, eh may stage fright nga ako..buti sana kung sa class lang. Pwede pa. Pero..no, no, NO! Kung pwede ko lang sabihin sa kanila yung mga iniisip ko ngayon.
Wow! Nice suggestion kayong dalawa hah! Ngayon lang ata gumana ulit ang mga isip ninyo.
Nico: Ralph naman...sige ganyan ka na..sasabihin..nam--
Oppss! Binibiro ko lang kayo eh! Ano okay ba yun sa inyo? Yung suggestion ng dalawang mokong na ito? NO! Pwede bang umanggal pwede namang si Angelo na lang eh! Carry naman niyang magisa noh!
Ah...pwed--- hindi pako tapos magsalita kasi gusto kong magback-out pero..sunod-sunod na silang.. "Sure!", "Sige ba!", "Ok lang saken..kung.." tapos tumingin sa akin si Angelo. Kaya napatingin na silang lahat...
Kathy? uhmm...tatanggi pa ba ako? Sabihin ko kayang "no!"..pero habang tinitingnan ko mga mukha nila...parang nakakaawang siryoso na hindi mo maintindihan. Oo na nga...sige na! Fine!..
Ok..sige!
YEY!
Tapos nun...nag-bell na! Matagal din kaming nagplano plano dun hah! At syempre classes na! Formal lessons na sa ibang subjects..at pinasa na din namen yung 2 page essay sa music, kahit wala kaming music ngayon. Then Nag-election of officers din kami. At ito ang kinalabasan...
PRESIDENT: Katherine Ysabelle Perez V.P.: Martin Angelo Marquez SECRETARY: Maria Fiona Leyva TREASURER: John Christoph Lopez PRO: Mikka Christel Dela Paz
Oonga eh...kagulat noh? Last year secretary ako at sobrang daming ginagawa kaya good luck kay Fiona. Hindi ko Inaasahang magiging president ako..,at lalo nang maging vice president si Angelo (asus, if I know madaming nag-vote sa kanya dahil gwa--....este mukhang matalino eh). Si Mikkah nga pala yung nag-nominate saken kaya nga ginantihan ko ang loka at buti nga sa kanya siya ang nanalo..ayaw kasi niya nang maging officer dame daw ginagawa.
Then after nun...UWIAN na din! The best thing that happens during the day!
So...madame na din nangyayarai sa buong week ko na yun pero walang exciting na nangyrai...may one time lang na nakasabay ko na naman si Angelo pauwi.Nag-effort siyang ihatid ako kahit sa kabilang village pa bahay nila, sabi ko nga wag na pero sobrang mapilit. Then Natapos na din ang buong week at Saturday na!
May practice kami ngayon sa bahay nila Nico..I need to get ready.
Malay mo...something will happen there...something unexpected.