Kathy's POV
Ito na naman ako. Nakatulala at nakahiga sa aking kama. Iniisip kung anung mangyayari sa contest sa isang araw. Yes, thursday ngayon at sa saturday na ang lucky day ni Alyssa.
Iniisip ko din yung mga nangyari last week at yung battle of the bands na naging 1st runner up kami. Hindi kami champion pero ayos lang yun kasi sabi sa amin ni Sir eh maswerte nga kami kasi bihasa na yung mga kalaban namen dun. Maganda na ang naka-1st runner up pa kami.
Kanina naman kung anu-ano ang mga pinaparinig ni Alyssa sa akin na magiging masaya daw sila dun lalo na at sa isang beach sa batangas gaganapin yung contest. Pinaparinig pa niya na siguradong masosolo niya yung gusto niyang tao (si Anjo yun!) lalo na't wala dun yung ayaw niyang tao (syempre sino pa ba kundi ako!).
Gabi na at pagtingin ko sa wall clock ko eh 11:45 pm na. Wala naman siguro akong dapat alalahanin. Kaya natulog na lang ako.
*** rrriiiiinnnnngggg!!!
RECESS.
Yes saved by the bell!! Buti na lang at hindi ako makaka-graded recitation ngayon.
Kathy,sabay tayo sa recess. Si Ralph! Gusto ko sanang sabihin sa kanya na si Anjo ang kasama ko. Pero paglingon ko eh wala na siya sa classroom.
Ah ehh..--
Sabi kasi sa akin ni Angelo eh samahan daw kita..wala siya buong recess. Maghahanda para sa... Kelan pa siya sumabay sa akin ng napipilitan oh yung inutos lamang ng isang tao? Pero naisip ko naman..mabuti na rin na kasabay ko si Ralph para makapag-usap naman kami ulit.
Sige, sabay na tayo! Hindi ko na siya pinatapos magsalita alam ko naman kung baket wala si Anjo, kasi may inaasikaso sila.Bumili na kami ng pagkain at umupo kami sa may table na dalawahan pero parehas lang kaming tahimik.May feeling ako na parang tumigil nang mangligaw si Ralph. Iba kasi yung feeling, 'di tulad noon na masaya siya ngayon parang tahimik at laging malungkot.
What's the matter?
Tinanong ko siya agad-agad. Kasi alam ko may problema talaga siya.
Huh? Nothing. Sabay kagat sa burger niya.
That's not what I call nothing, tell me..something's bothering you.
Wala Kathy..uhmm.May ano..kasi. May lagnat kasi ako..there!
Hinawakan ko yung noo niya. May 'slight' fever siya.
Pumunta ka kayang clinic. Tara samahan kita.
No, nevermind..tutal..-
rrriiiiinnnnngggg!!!
...bell na!
Pwede pa naman pumunta sa clinic ah. E-excuse kita sa next class naten.Tara dali!
Kaya hinila ko siya mula sa upuan niya. Kinakalad-kad ko siya papuntang clinic pero ang bilis ko mapagod kasi ang bigat ng taong to.
Okay lang ako. Onting gamot lang mawawala na yan!
Kung makikipagtalo pako sa kanya baka ako pa mapuntang clinic dahil pagkahirap-hirap hilain tong si Ralph.
Kaya pumunta na kaming next class namen.
Hindi ko paren nakikita sila Anjo pati yung ibang candidates para sa lintik na contest na yun. Ngayon nalaman ko eh 2 pairs lang pala per section.
LESSONS...
Kaya nung hindi ako nakasali kinuha na lang ni Kuya JR si Mikks para kapalit ko (oh diba sosyal ang loka,natupad ang hilig niya na makasali ng hindi niya pinagpipilitan ang sarili niya..sabi nga niya..gusto niya yung na-didiscover siya). Si Ralph din pala eh napili nun pero dahil sa ang dami niyang absent eh hindi na din siya nakasali.